Gabby : pov
"Ano naman yon?" Nakatinging tanong sa akin ni Brittany
"Ano, kasi ah. Importanteng bagay." Sagot ko sa kanya na punong puno ng kaba.
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, parang pilit na tumutugtog sa isip ko ang kantang I never knew love till I found you
"Tara?" Aya ko sa kanya. Tumango lang sya bilang sagot. Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin pero, kailangan ko na itong ayusin.
Nakatingin lahat ng tao sa amin, lahat siguro ng kasama ni Brittany sa pag surprise sa akin.
"Mahal?, ano ba yung sasabihin mo? I'm feeling nervous na kasi." Nasasaktan ako pag tumitingin ako sa mga mata nya.
"Brittany so- so ....... sorry" sa mga salitang yan ay biglang tumulo ang aking mga luhang walang balak tumigil. Sa pagkakataon na ito alam kong hindi lang ako ang nasasaktan, alam kong MAS higit na nasasaktan si Brittany. Oo, mabilis nagkaroon ng 'kami',oo walang ligaw ligaw, at oo Alam kong hindi ko pa kontrolado ang sarili ko.
"Ba-bakit ka nagsosorry? Hi-hindi mo ba nagustuhan yung surprise ko for you?" Nanginginig na tanong nya
Gusto kong magsalita pero walang ni isang Word na lumalabas sa labi ko. Nahihirapan na ako. SOBRANG sakit na sakit at hirap na hirap na ko,
"ANO BA? Bakit ayaw mong magsalita? Hindi naman kita maintindihan Gabby eh, bakit ka nagsosorry. NO, hindi.sabihin mong mali yung iniisip ko . Sabihin mo na mali ako. Parang awa mo na. Mali ako diba diba? Hindi kanaman makikipaghiwa---" patuloy sa pagagos ang mga luha namin.
"Babe? Ano? Yari ka na bang ibasura yang babae nayan? Let's go na! You promised to me na magdate tayo." At ayon nga sa plano nandito na si Sam.
"Ah? Gabby? Anong Babe ang sinasabi nyan? Sabihin mo nga sakin? Ano ba to? Anong nangyayari ?" Marami nang tao ang nakatingin sa amin. Pinilit ko ng magsalita hindi ko na kaya.
"Brittany please, gently let me go "
BINABASA MO ANG
When i got you
Teen FictionLeukemia. Mahirap,masakit, at higit sa lahat Mabigat. Paano kung ang buhay mo ay di kagaya ng buhay ng iba? Ng istorya ng iba? Paano kung una pa lang, alam mong may sakit ka na. At sa lahat ng to, hindi mo kayang harapin mag-isa. Hanggang sa dumati...