Jeoff James Gabriel POV.
Masakit. Nakakalungkot. Nakakapanghinayang. All of the sudden I didn't expect that it will happen. Niloko nya ko, pinaglaruan. Para akong mangmang na walang alam, niloloko na pala ako. Hindi ko pa Alam.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHH" hiyaw ko ng malakas gusto kong matangal ang sakit na nararamdaman ko. Kahit naman hindi ko pa sya mahal, nasasaktan pa din ako. Niloko nya ko, sinaktan.
"Taragyo namang buhay to! Oo! Palagi nalang ba akong nasasaktan? Ako na lang ba? Shit." Singhal ko sa sarili ko. Di ko naman sinasadyang saktan sya eh! Nabigla ako. Nabalot ako ng Galit at Poot.
"Bwisit." Sigaw ko pa ulit. Buti't gabi ngayon at walang tao sa park. Dito ko muna papalamigin ang ulo ko. Gusto kong pag-usapan to bukas, sa ngayon ay tatanggalin ko muna ang sama ng loob.
"Gabby..." Nanlamig agad ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano sya haharapin.
"Please... come back home." Napasinghap nyang sabi. "I can't afford to loose you."
Niyakap nya ko at ramdam ko ang mga hikbi nya.
"Gabby, Hon Iloveyou please come back "
I clenched my fist. Paano nya nasasabi yan na parang walang nangyaring kahit ano a while ago?
"Gabby, that's was just a deal. Ginawa ko lang yon kasi Wala na akong Choice. They said na pag di ko binalikan si Bryan sasabihin nila sayo na....
Pera lang ang habol ko which is alam kong di mo paniniwalaan dahil Im rich just like you and--""Yon, naman pala eh! Alam mo naman palang di ako maniniwala pero bakit ginawa mo yung deal na yan Sam?"
"Kasi..."
"Kasi ano? Wala lang bored ka lang? Kasi ano? Sagutin mo."
"Gabby, umuwi na tayo. Galit ka lang tara na." Inakay nya ko papuntang sasakyan.
"Ikaw nalang ang umuwi Sam, umuwi kana sa bahay nyo."
"No, uuwi na tayo sa Bahay natin" pag-pupumilit nya.
"Ano ba ha? Napakakulit mo? Di mo ba alam na buntis ka ha? Umuwi ka na sa bahay nyo at iwan mo na ko." Tumalikod na ko dahil baka kahit anong oras may magawa akong di maganda sa kanya.
"Gabby! Pamilya tayo. Kaya sa bahay natin tayo uuwi. Halika na."
"Wala ka nang dapat tawaging pamilya Sam, Yari na ang lahat. Hiwalayan mo na ko. Di ko kayang ang kinin ang batang hindi naman pala sa akin." I smiled bitterly. "Uwian mo na yang bago mong asawa Okay lang sa akin."
"Gabby. Please naman oh."
"Tigilan na natin to Sam."
"Gab--"
"UMUWI KA NA SABE. ANO BA DI MO BA NAIINTINDIHAN UWI NA!!!!!"
"Sabi mo Mahal mo ko, sabi mo unti untiin natin hanggang sa matanggap mo ko? Pero anong ginagawa mo Sinasaktan mo ko! Iiwan mo ko! Pinipilit mo akong lumayo sayo, which is alam mo namang di ko kayang gawin. Gabby! Lumaki ako ng ikaw ang kasama ko. Ikaw yung nandyan. Tapos sa gantong problema lang aalis ka na? Iiwan mo na kami ng Anak natin?"
"Wala tayong Anak. Anak nyo yan! Wag mong paang-kin sa akin. Kung makapagsalita ka parang ako pa yung nanakit. Wow naman! Oo nga unti untiin nga natin pero ano? Hindi na tayo nakarating don. Siguro dahil para malaman ko na agad kung anong dapat gawin. Ang hiwalayan ka. Itigil na natin to Sam. Di ikaw ang nakakaramdam ng Sakit na nararamdaman ko kaya manahimik ka."
Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ako sa sasakyan. Hinawakan ko ang braso nya at tinulak sya sa sasakyan.
Pinapasok ko sya sa Backseat."Umuwi ka na Sa inyo. Kunin mo na ang mga gamit mo sa Bahay ko. Wala ka dapat ititira, ayokong maalala ka." I closed the door.
Umalis na ko at sumakay sa sarili kong sasakyan.
BINABASA MO ANG
When i got you
Teen FictionLeukemia. Mahirap,masakit, at higit sa lahat Mabigat. Paano kung ang buhay mo ay di kagaya ng buhay ng iba? Ng istorya ng iba? Paano kung una pa lang, alam mong may sakit ka na. At sa lahat ng to, hindi mo kayang harapin mag-isa. Hanggang sa dumati...