One month later.
Madami na palang nag-bago dito sa pinas. Madami ng mga buildings, malls at kung ano ano pa. It's been 12 years but still di ko pa din nakaklimutan ang mga alaalang iniwan ko dito. At sa labing dalawang taon na yon. Madami na akong nakamit sa tulong nya. Sa tulong ni Auntie Carol. Isa na akong......
"Doc, may magpapa-ultrasound daw po."nginitian ko nalang ang isang nurse. "Papasukin mo." Utos ko. Isang buwan palang ako nakakauwi ay nakahanap na ako agad ng papasukan. Isang OB dahil yon ang pinagtapusan ko. Sa US na ako nag-aral para habang nagaaral ako tuloy Ang therapy ko.
"Goodmorning Daddy and Mommy, please be seated." Saad ko agad sa kanila. Parang pamilyar sa akin ang mga mukha nila. Parang nakita ko na sila.
"Paki-fill-up-an nalang po Mommy" utos ko. Pilit ko pa ding inaalala kung sino sila pero di ko maalala, pero may nararamdaman ako na nakita ko na sila.
"Doc, eto na po." Tinignan ko ang finillupan nya at nagulat ako?
"Debbie? Debbie TeaGreen?" Tanong ko sa babae.
"Yes doc ako nga po,."
"I am Brittany remember? Do you still remember me?"
"Brittany? OHMYGOD ikaw na ba yan! Di na kita nakilala! You're so pretty na. Damn! Wowww" niyakap nya ko at niyakap ko naman sya pabalik. "I missed you."
"I missed you too, so you're supposed to be Luigi right? Grabe ang tagal na ng panahon ang dami ko ng Namissed. Di manlang ako naka punta ng kasal nyo."
"Ano ka ba! Nakahabol ka pa! Actually di pa kami kasal kasi maagang binigay sa amin si baby. Galing ka na ba? "Tanong sa akin ni luigi.
"Oo naman. Tara na! Simulan na natin" pinahiga ko na si Debbie at nilagyan ng jelly ang tyan nya. Nakita ko ang mahigpit na paghawak nya sa kamay ni Luigi. Hanggang ngayon pala ay sila pa din. At magkaka-anak na! Pag naglaro nga naman ang tadhana.
"Ayan oh, healthy ang baby nyo Debbie, tignan mo yung heart beat nya. Eto yung ulo nya, kamay, at Paa." Turo ko sa kanila.
"Ohmygod, Luigi im so happy. "Umiiyak na sabi ni Debbie. "Babe, ang anak natin." Dagdag nya pa.
"Congratulations! It's a Girl" masaya kong bati sa kanila. "Debbie, kumain ka ng fruits ah. Para healthy si babytska three months nalang lalabas na sya"
"Thankyou talaga,britt. Hanggang ngayon gulat pa din ako na nandito kana! Nako wag mong mamimissed ang kasal at binyag ng Anak ko! Ninang ka nya." Sabi ni Debbie sa akin. "Sabi ko sayo Babe eh, babae ang Anak na'tin! Basta ha? Britt!"
"Oo naman, kayo pa ba ang idecline ko?" Nag-kwentuhan pa kami ng matagal at kinuha na lang nya ang number ko para sa iba pang schedule nya. Kinailangan nilang umuwi agad dahil kailangan pang mag-pahinga ni Debbie.
Matured na matured na talaga silang dalawa. Handa na talaga silang maging nanay at Tatay. Parang dati ay nag-aaway pa sila dahil sa saging.
"Louise, let's go for a lunch!" Masaya nyang aya sa akin.
BINABASA MO ANG
When i got you
Teen FictionLeukemia. Mahirap,masakit, at higit sa lahat Mabigat. Paano kung ang buhay mo ay di kagaya ng buhay ng iba? Ng istorya ng iba? Paano kung una pa lang, alam mong may sakit ka na. At sa lahat ng to, hindi mo kayang harapin mag-isa. Hanggang sa dumati...