"Bukas uuwi na din tayo, sana maulit pa to! One week chill!" Nakangiting sabi ni Luke habang kumakain kami malapit sa pool.
"Hayaan nyo, pag-yari na ang kasal namin ni Tracey, pupunta tayo ulit dito." Sabi naman ni Kuya.
"By, dapat kasama na sila Tito Davies at Auntie Carol." Sabi naman ni Te tracey.
"Oo naman- bakit hindi."
"Jeoff, bakit di mo kasama si Sam ngayon? Tulog pa ba sya!" Tanong ni Luke sa tahimik na nakatingin lang na si Gabby.
"M...moodswings." Maikling sabi nya.
"Nako, Mr. Lacson, mas lalala yon pag malapit na syang Manganak! Ipaalala mo sa kanya na inumin nya ang mga vitamins ha?" Sabi ko, wala na din akong awkward feeling na nararamdaman. Saka naka moved on na ko. Wala na dapat to.
"Pinainom ko na sya kanina, sige tataas na ko. Dadalan ko lang sya ng pagkain at aayain ko na sya dito." Tumango na lang si Luke.
"Louise, tara dito swimming tayo." Aya sa akin ni Luke.
Lumapit naman ako, at naglangoy na kami pare-pareho. Hanggang sa dumating na si Sam at Gabby.
Di ko maiwasang tumingin sa baba nila, parehong dumuduyan ang kamay nila habang naglalakad. Napayuko ako! Ano nanamang nangyayari sa akin?
"Nandyan na pala sila eh! Tara na kayo dito." Sigaw ni Luke.
Lumusong naman ang dalawa, di ko maiwasang ibaling sa kanila ang tingin ko. Kitang kita ko kung paano alalayan ng Maigi ni gabby Si Sam.
Umahon muna ako para uminom. Para akong natuyuan ng lalamunan dahil sa nakikita ko. Nagsalin ako ng Softdrink sa baso ko at tahimik na iniinom yon.
"Brittany," tahimik akong napalingon sa kanya at unti unting binababa ang basong hawak ko. "We need to talk."
"About what Mrs. lacson? "
"You and Gabby" matigas nyang sabi.
"Again? We don't--"
"Stay away from him. Di mo ba nakikita? Di ka na nya kailangan. Bakit ba ginugulo mo kami? Bakit bang palagi nalang ikaw?" Naka kunot noo nyang sabi.
"Anong sinasabi mo? "I laughed. "Wala akong Ginagawa, c'mon Sam, ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo. Na wala na kame?, wala ng sparks . Nasayo na! Kaya kung pwede lang. Tigilan na natin to." Tatalikuran ko na sana sya pero pinigilan nya ko.
"Umalis ka nalang Ulit. Parang awa mo na, layuan mo na sya."
"Sam, wag kang mag-isip na aagawin ko sya. Sayo siya at naiintindihan kong kailangan mo sya. Kaya kung pwede wag ka nang mag-isip ng kung ano ano! Walang mabuting idudulot yon sayo, at sa anak mo."
Inirapan nya ko, "Wala akong pakealam, basta layuan mo na kami." Tumalikod na sya at iniwan ako. I never thought that it will be like this.
Kinagabihan ay nagpa-alam ako kay Ate Tracey na mag-papahangin ako at susulitin ang huling Gabi namin dito.
Naupo ako sa isang puno ng buko katabi ng beach. Na kung saan konti lang din ang tao. Madilim dito at wala sigurong makakakita na nandito ako.
Gusto ko munang mag-isa at makapag-isip. Tungkol sa mga bagay bagay. Bakit tuwing pag-uusapan namin sya nasasaktan pa din ako? Na may pakealam pa din ako.
Mahal ko pa nga ba sya? Sabi ng isip ko Hindi na, pero yung puso ko...... sinigaw pa din ang pangalan nya.
Isang buwan lang naman kami diba? Bakit ganito pa din ang epekto nya sa akin?"Wag kang umiyak, nasasaktan din ako." Nagulat ako sa nag-salita paano nya nalaman na nandito ako? "Pakiramdam ko, kailangan na talaga nating mag-usap"
"Gabby,,... b-Baka hanapin ka ni Sam." Malumay na sabi ko sa kanya, pero tinabihan nya lang ako.
"Nakakatawa hano? Madaming taon na ang lumipas, pero ikaw pa din. Ikaw pa din ang laman nito." Napayuko ako.
"Gabby, wag na nating pag-usapan to." Ewan pero patuloy pa din ang pag-tulo ng luha ko.
"Brittany, bakit mahal pa din kita? Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ikaw pa din?" Umiiyak na din sya base sa boses nya. "Mahal.... Na mahal pa din kita, i know that I hurt you, your feelings. Just please forgive me, i still love you"
"Gabby,.... Kalimutan nalang natin ang isat'isa. Nasaktan natin ang isat'isa. Isa pa, may pamilya kana. Bakit pinaguusapan pa natin to,Matagal na yon--" tumayo na ko at tatalikuran ko na sya
"Mahal mo pa ba ko?" Napahinto ako.
"Sagutin mo'ko. Mahal mo pa ba ako? Sabihin mo lang na hindi na, promise titigil na ko."Humugot ako ng hininga mula sa tiyan ko.
"Gabby, may anak ka na. Kung mahal mo talaga ako. Sana inintay mo ko, sana noon pa man, hindi ka nakipaghiwalay. Na sana sinabi mo nalang na andyan ka lagi para sa akin. Sana ipinaliwanag mo yung dahilan kung bakit isang araw nag-bago yung pakikitungo mo sa akin. Mahal na mahal kita noon. Pinahalagahan, Syempre ikaw ang una ko. Siguro tama ang sinasabi nila, pag mabilis mong nakukuha ang isang bagay, madali din itong nawawala sayo. Alam mo ba ang balak ko? Makita ka, Makasama ka, pero hanggang sa dumating si Luke, pero kahit nandyan na sya, eto ako, umuwi. I want to surprise you that im here to back to you, pero ako yung nasurprise. Kasal ka napala, and the worst thing is may anak ka na."
"Brittany, kung alam mo lang ang dahilan."
"Kung ano man yon. Kalimutan na lang natin. Magsimula ulit tayo bilang mag-kaibigan nalang. Wag na ako ang mahalin mo. Kasi... hindi. ... hindi na kita mahal. Matagal na, kaya dapat hindi mo na din ako mahal."
He sighed "okay. Sana matanggap ko agad ang mga sinabi mo, hayaan mo pipilitin ko ang sarili kong maging masaya. Ang sakit kasi umaasa pa din ako. Magiging okay din ako kahit na..... Wala ka na. Paalam."
Love can hurt you sometimes but the only way out is to forget and accept the reality. If someone is gone,there's come a new one. Happiness shall come your way with the person you deserve to have.
BINABASA MO ANG
When i got you
Teen FictionLeukemia. Mahirap,masakit, at higit sa lahat Mabigat. Paano kung ang buhay mo ay di kagaya ng buhay ng iba? Ng istorya ng iba? Paano kung una pa lang, alam mong may sakit ka na. At sa lahat ng to, hindi mo kayang harapin mag-isa. Hanggang sa dumati...