"Sa'n kayo pupunta?" tanong ni Zaina nang palabas kami ng kwarto para pumunta sa balcony.
"Smoke," maikling sabi ni Aiyana.
"Naninigarilyo na kayo?!" Zaina asked angrily.
"Tumigil na 'ko," pilit akong ngumiti, naikwento ko na rin naman lahat sa kaniya. "P'wede ka namang matulog na tutal wala ka pang tulog mula nang dumating ka."
"Isa kang doctor ta's 'yan ang ginagawa mo? Goodness!" umupo pa siya sa mismong railings, kinakausap si Yana.
Hinahawakan ko ang kamay niya dahil baka mahulog pa siya. Masyadong mataas ang kwarto namin ngayon dahil na rin nasa dulo ang pinili naming table. Kaya mahal din ang bayad dahil kasama itong kwarto.
"Ang dami kong hindi na alam sa inyong dalawa," nakatingin sa kalangitan si Zaina. "Kasalanan ko rin naman ang umalis nang walang paalam."
"Aguy, mahal ka namin!" banggit ko at bumalik sa loob para kunin ang phone. "Bakit parang may nararamdaman pa rin ako kahit walang paparazzi na sa paligid natin?" magkadikit ang dalawa kong kilay habang inaayos ang phone ko para makapag-live.
"Anong ginagawa mo? Ayaw ko!" ani Aiyana.
"Feeler!" sabay naming sambit ni Zaina at nagtawanan.
Gulat ako nang umabot sa twenty-six thousands ang viewers ko. Hindi ko 'to inaasahan lalo na't kasisimula ko lang at ang oras ay alas tres ng madaling araw. Ba't ang daming gising ngayon? Or talagang ganito kapag midnight? Nadagdagan pa 'yon habang nakalive na 'ko. Nakalimutan ko talagang may issue nga pala ako at marami ang nag aabang.
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa phone na nakapatong sa isang paso. Simula kanina ay nakatitig lang ang ginagawa ko dahil na rin ako lang naman ang nagpapakita sa camera habang nasa gilid ko ang dalawa. Dahil dumadami pa rin ang nanonood ay kumuha ako ng isang beer in can at binuksan iyon. Si Aiyana ang umiinom at naninigarilyo, pinapagalitan pa siya ni Zaina dahil 'yung usok ay napupunta sa mukha niya mismo.
"I have friends here besides me, single silang dalawa," itinapat ko bigla ang camera sa kanila kaya wala silang nagawa kundi ngumiti but they turned my phone on my face rin agad and cursed at me like 'fuck you.' I just smiled at my camera and simply said, "Comment mine na sa mga may gusto sa'kin."
They let out a sigh of relief so I laughed. Pinatong ko na rin muli ang phone kung saan nakalagay kanina. I flinched when I saw Kevin is watching and even said hello to me. Kung hindi lang 'to famous, hindi 'to nagnonotif. The audacity!
Saktong may pen at paper si Aiyana kaya kinuha ko 'yon bigla at nagsulat.
'Nanonood si Kevin!'
Pinakita ko 'yon sa kanila na hindi nagpapahalata. Tinignan lang nila 'ko at nagpatuloy na muli sa kanya kanyang ginagawa.
I wrote something on another piece of clean paper. Inilapit ko ang mukha para magbasa ng comments para malaman kung nanonood pa siya pero nalaman kong pinag uusapan na siya sa comment section. I read my handwriting by tracing it with my middle finger. "I. Need. To. Pee, goodbye!" I waved my hand and kicked Kevin out of the live so he would think I had ended it kahit ang totoo ay hindi. Tumayo rin ako at umihi sa loob.
It's almost 5 morning, and nakahiga lang kaming tatlo sa mismong table rito sa balcony, looking out at the dark sky dahil na rin katatapos lang ang live ko. Kinamot ko ang mata when I noticed some snowflakes falling, I stood up and placed my hands in the air. "It is snowing?!"
"It's really the holiday season right now," inaantok na saad ni Zaina.
"Kailan ka uuwi?" tanong ko bigla kaya napaupo siya.
"After ng birthday niyo," nakapikit siyang ngumiti at nag indian sit.
"Happy birthday," inaantok din na sabi ni Aiyana. "Hindi ako makakapunta sa mismong araw na 'yon kaya dinala ko na rin 'yung regalo ko," tumayo na rin siya at mabigat ang lakad paloob.
"I understand!" masayang sabi ko sa kanya at biglang lumapit kay Zaina para bumulong. "Masama araw niya! Nakita mo bang umiinom at naninigarilyo, 'di ba?! May nangyari! Tanungin mo!" pang-uutos ko.
"Ang ingay mo!" mariing bulong niya rin sa'kin. "Ganiyan ba talaga siya?" malungkot na tanong niya.
"Kapag may hindi siya naililigtas at kapag may nangyari sa clan nila!" hinila ko siya patayo habang binubulong iyon.
"I thought I didn't know her pero I was wrong," inilagay niya bigla sa likod ko ang dalawang braso para pumasan. "She's still Aiyana, she hasn't change!" naramdaman ko pang pinunasan niya ang pisngi niya.
"And if she does change, it will really be for the better," I chuckled nang higpitan niya pa ang braso around my neck.
"Are we going home now?" kinuha ko ang ibang gamit ni Zaina while she moves on my back. Aiyana's sharp eyes are on us as she searches for Zaina's belongings too.
Inilagay ko sa backseat si Zaina at itinuro ko naman ang uluhan niya kay Aiyana para r'on siya umupo para may patungan ng ulo. "Nasa likod regalo mo," isinandal niya na ang ulo at pumikit bago sabihin iyon.
Binuksan ko ang likod ng kotse at napansin ang uniform niyang puro dugo. Kinuha ko na rin naman agad iyong regalo at sumakay na para makaalis.
"Gusto niyo bang pumunta kay dad?" saad ko out of nowhere habang nagdadrive.
Gulat akong napatingin dahil biglang nagising ang diwa nila. Natataranta pang nagtitigan ang dalawa kaya tinitigan ko rin sila.
"Ayaw ko pang mamatay," mahina ang pagkakasabi ni Zaina.
"Bakit tayo susunod? Ito na ba talaga ang totoo?" malungkot na saad ni Aiyana kaya natatawang pinalo ko siya.
Naglalakihan ang mga mata namin nang mapagtantong ako ang nagdadrive. Napatingin ako sa kalsada, kinakabahan na nagresulta sa malakas na tibok kong puso. Huling tibok ko na ba 'to? Tanong ko sa sarili nang makakita ng isang truck papunta sa way namin kahit naipreno ko na ito. Nabibingi ako sa mga sigawan at iyakan naming tatlo ngayon. Tanging eto lang ang nagawa namin at hindi maisipan ang susunod na gagawin. Iniliko ko na lang ang daan kung sa'n dapat kami patungo.
Our car hit by another car. It happened so fast that I couldn't function. Sumasakit ang ulo ko kaya napahawak ako r'on. I see blood all over our seats. Bumigat agad ang loob ko. Naisip ko bigla ang dalawa kong kasama and I tapped my hand around Aiyana and Zaina's legs to wake them up kahit sobrang sikip sa loob ng kotse dahil sa airbag, but they didn't respond. Tinanggal ko bigla ang seatbelt ko para macheck ang pulse nila. I went outside and saw the fire on our car, naguguluhan ay nagawa kong umiyak sa sitwasyon namin ngayon.
"Zaina!" I was shocked and terrified that it would blow up on us. "Aiyana! Zaina! Wake up, please!" nagmamakaawang sigaw ko.
I was crying when I noticed they had a pulse, so I tried to wake them up so we could all get out of the car. Hindi ko na kaya lalo't nahahalata kong dumadami ang tumutulong dugo galing sa mukha ko. Alam kong kapag tatayo ako ay mas lalong lalala, but I didn't care. I need them to be safe before I can think about myself.
I saw men running to our car and even shouting. Nakita kong dahan dahang dumidilat si Zaina kaya palapit na ako sa kanya ngunit may kamay ang humila sa'kin palayo.
"This is Diamond, we need an ambulance right now. Over."
"Go help them! Now!" sigaw niya sa mga lalaking bumilis pa ang takbo palapit sa'min.
"Yes, ma'am!"
"Thank you for saving us, Kiah," nahihilong yumuko ako para pasalamatan siya. Nagmamadaling inayos niya ang tayo ko at inalalayan dahil na rin nahihilo na 'ko't inaantok. I feel safe because of her.
YOU ARE READING
In the Night Sky
RandomDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...