"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, itigil na natin 'to. Hindi tayo magiging masaya kapag may magaganap na kasal, Synkio."
I secretly rolled my eyes when I said that. Galing na kami ni Kio sa huling eksena namin sa ginagawa naming project simula pa nung nagsimula ang taon. Dumiretso agad kami rito sa hotel niya dahil sobrang lapit lang ng area sa pinang-galingan namin. Ngunit napagpasiyahan namin na babalik din naman para sa after party na gaganapin mamayang gabi. Kaya lang din ako sumunod sa kaniya ay para mapag-usapan na namin ang tungkol dito.
"Wala palang tayong nasisimulan, Aciellin," he just simply said that while closing his laptop. "Matutuloy ang kasal sa ayaw at gusto mo. Akala ko ba mahal mo na 'ko?" tumayo siya at naglakad palapit sa'kin.
"P'wede ba? Huwag na nating ituloy 'to, please lang," mahina kong saad.
Inayos niya ang relo niya na nasa kaliwang kamay nang nakatingin sa akin. "Ayoko," dinaanan niya lang ako para makalabas sa mismong office niya.
I heaved a sighed before leaving his office too. Binuksan ko ang pinto para makalabas at hanapin kung saan nagtungo si Kio ngunit wala na siya roon. Naghintay na lamang ako sa elevator para makababa.
"Tangina! Ang daming tao tapos ako pa talaga? Sabihin mong ayoko! Maghanap sila ng ibang tao na mauuto nila. I'll fire anyone who will let that guy in on my hotel!"
Nagulat ako nang may makarinig na ingay sa ibang department dito sa floor kung nasaan ang office ni Kio. Alam kong si Kio iyong nagsisigaw sa galit kaya lumapit ako. "Why are you shouting, Kio?" I asked him, nakasilip lamang ako sa pinto. Napatingin pa sa'kin ang mga staffs dito sa hotel dahil hindi naman ako pumupunta sa ibang office dahil siguradong ma-issue pa. "Can you explain why?" lumapit ako sa kaniya na may hawak pang papel na nilulukot niya.
"Bakit ka nandito? Bumalik ka na lang doon, Aciellin."
"Bakit ka ba nagagalit? Nasisigawan mo na sila, Kio," inis kong sabi.
"Bumalik ka na lang d'on," bumuntong hiningang sagot niya, masama pa ang tingin sa mga tao sa paligid namin. "Kapag may maririnig akong salita na ilalabas niyo. Remember that I will fire you!"
"Ano ba?! Kailangan bang sigawan mo sila?!" galit na tanong ko dahil sa inaasal niya ngayon.
"Halika na," hinawakan ni Kio ang palapulsuhan ko at hinila ako palabas kasama siya. Nakasunod pa sa'min ang assistant niya. "Sorry kasi nasigawan ko sila."
"Huwag ka sa'kin humingi ng tawad," sumusunod lamang ako sa kaniya habang naglalakad.
"Nailabas ko lang ang galit ko dahil d'on. I'll talk to them later and itutuloy natin ang kasal dah—"
Hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Kio dahil nanlaki ang mata ng mga taong nadaanan namin kaya sinipa ko ang paa niya. Iniinda niya ngayon ang sakit habang hawak ang paang sinipa ko, dumiretso naman ako agad sa office niya para r'on kami mag usap muli.
"Iyong galit mo ay valid na ilabas kasi alam kong hindi mo naman maiiwasan 'yan atsaka mas gugustuhin kong mailabas mo 'yan pero ayaw ko sa ibang tao. Okay kung sa'kin lang, Kio. Huwag ka na mandamay pa." Umiinom lang ng tubig si Kio habang nakikinig sa sinasabi ko. Tahimik lamang siya at hindi sumisingit.
"Ayaw ko 'yung bigla bigla ka na lang magsasalita tungkol sa kasal lalo na't maraming tao ang makakarinig. Kio, kilala tayo ng tao hindi bilang isang normal lang na wala silang pakialam. Nakatutok sila sa'tin at ayaw kong tayo pa ang pag uusapan dahil diyan sa kasal," I explained. "Pero Kio! Huwag na nating ituloy 'to!"
YOU ARE READING
In the Night Sky
LosoweDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...