KABANATA 11

91 3 0
                                    

"Wake up, baby."

Nagising agad ako nang marinig ang pamilyar na boses. Isang kalmadong boses na hindi ako magsasawang pakinggan. Bumangon ako ngunit ang paa ni Zaina ay nakapatong sa paa ko mismo habang si Aiyana ay nakapatong din kay Zaina. Nagsiksikan na kami rito sa gitna ng kama ko kahit may mga space pa naman sa gilid nila. Nilibot ko ang paningin at nakitang madilim pa ang paligid. Mabuti na lang at nakadim light ang malawak na kwarto.

Nahihirapan man akong makaalis ay dahan dahan ang galaw ko upang hindi sila magising. Binuksan ko ang pinto para makalabas matapos mag toothbrush at nilinis ang mukha, "putangina!" malutong na bulyaw ko nang makita si abuela sa harapan ko.

"What?!" nanlaki ang mata niya sa narinig gaya ko.

"Abuela!" napahawak pa 'ko sa dibdib ko dahil sa gulat. Pa'no ba naman ay nakalibot ang mga kasama ni abuela sa kanya rito pa talaga mismo sa pintuan. Ang dilim pa naman ng hallway kahit may malaking ilaw sa gitna!

"Aalis na tayo para mamaya ay maka-attend ka pa sa meeting mo," saad ni abuela kaya nagtatakang napatingin ako sa mga kasama niya. Ang tatlong babae na nasa likod niya ay may sariling hawak na bulaklak habang sa gilid naman ay ang apat na guards. Ang aga naman?! Atsaka did I say yes?

"Abuela naman, eh!" napakamot ako sa ulo, magsisimulang magreklamo.

"Five minutes," tipid niyang sabi. Ang isang guard pa ay nakatutok na sa relo niya, nagbibilang.

Nagtataka ako pero hindi pa rin ako sumunod sa pinaparating ni abuela. Nakatayo lang ako sa harapan nila habang may nagbigay ng upuan kay abuela upang magpahinga muna. "Four minutes," saad bigla ng lalaki kaya napatakbo ako agad pabalik sa loob. Nakakainis naman! Bakit parang wala akong choice?!

"Bumaba ka na," utos ni abuela sa'kin habang nagtutulugan ako sa sasakyan. Naramdaman kong bumaba na silang lahat at ako lang ang hinihintay. "Huwag mong hintayin na a-"

Dahil sa takot ay nagkunwaring nagising ako agad. "Nandito na tayo?! Wala man lang gumising sa akin?!"

Wala talaga akong takas kay abuela dahil alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.

"Don't start a play with me, Aciellin."

Nakakaiyak dahil wala akong magawa kundi sumunod sa kanila. Mula sa likod ni abuela ay sumilip ako sa harapan kung nasaan palapit kami sa puntod ni dad. Kumaway ako r'on dahil wala 'kong masabi. Puno pa ito ng mga bulaklak sa paligid ko ngayon bukod pa sa dala namin.

Nagtataka ako dahil umalis na ang lahat at tanging naiwan na lang ay kami ni abuela. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung pa'no ako nakapunta sa tinatayuan ko ngayon. After ten years...

Nakatayo't nakikinig lamang ako habang nagkwekwento si abuela kay dad. Ang iba ay narinig ko na rin naman nang magdinner kami nung kararating ko lang dito. Hinayaan ko na lang diyan na magkwento si abuela.

"P'wede na 'ko umalis," mahinang sabi ni abuela kaya napatingin ako agad. Sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng tibok tapos ngayon ay ang isip ko na. Why would abuela said that?

"Aalis na 'ko," napatingin agad si abuela sa akin. Sa gulat ay napalapit siya agad sa tinatayuan ko, "why are you crying?" nag aalalang tanong niya.

"I'm sorry," nanginginig na saad ko. "Please don't leave me, abuela." I shook my head.

"What are you saying, Aciellin? Stand up," hinahawakan niya ang braso ko ngunit nakaluhod pa rin ako habang umiiyak. Hindi ko kaya. Ayaw ko pa.

"Una botella de agua," rinig kong utos niya.

Maya maya ay biglang tumatakbo na ang isa sa kasamahan namin hawak ang isang boteng tubig. I saw how worried he is when he gave me my water. Nang matapos ko mainom 'yon ay ibinigay ko sa kanya at mahinang nagpasalamat.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now