KABANATA 6

167 4 1
                                    

"Nasaan ka?" tanong ng manager ko sa linya. "Dumating ako rito para madatnan ang reporters at si Arc sa mismong bahay mo?!"

Napabuntong hininga ako bago magsalita. "I already read the articles," saad ko bago napaupo sa higaan ko.

"What?!" mula sa tono niya ay alam kong galit na siya. "I told you na huwag ka na muna sa social media!"

"Kahit anong gawin mo ay malalaman ko pa rin naman," mahinang tugon ko.

Ang bilis kumalat sa internet ang mga articles na ginawa nila, puro kasinungalingan. Almost everyone is already upset with me, for several reasons na parang kasalanan ko pa lahat, one of which is Kevin's denied that he is not the father. Buong akala talaga nila ay kami pa ni Kevin para siya ang ama? What the hell?! Hindi ba sila marunong magmove on? Hindi ba uso sa kanila 'yon?

There is also an article claiming that I aborted the baby in order just to hide my baby from the media after Arcie got me pregnant. People have been frustrated with me as a result of all the fake news. Paniwalang paniwala talaga sila r'on. I can't blame them because they have no idea what's going on with me and I have no intention of telling them.

Kio knocked on the door before opening it, before I could say anything. Ang tuwalya ay balot na balot pa sa buong katawan niya at tinuro ang walk in closet namin. Nagdahan dahan pa siyang naglakad na para bang may tinataguan. Naligo siya sa ibaba dahil sira ang banyo namin dito sa lahat ng k'warto itaas.

"Hello?! Did you fucking hear me?!" Minha exclaimed.

"Yes," I said, ignoring the fact that I didn't hear it because I was focused on Kio!

"Just stay where you are, and I'll text Kio to come and get you for-"

"Wait a minute, I'm with Kio."

Lumabas kaagad si Kio na hawak hawak na ngayon sa isang kamay ang phone habang ang isa naman ay sa dibdib niyang may tuwalya. Pinapakita niya sa'kin ang phone niya na nagriring. It's my management.

"Synkio, I'll need some space," I told him honestly while he was doing his work and I was playing his games in our bed.

He stopped typing and fixed his gaze on me. Nang matagal siyang 'di nakapagsalita ay tinapos ko na muna ang laro kahit nararamdaman ko sa likuran ko ay may nakatitig.

"Are you comfortable with that, babe?" he gently asked.

Hindi ko siya tinignan at nagkunwaring maglalaro muli. "Of course," I say, awkwardly smiling. "I mean, you're capable of some stu-"

"Babe, I'm fine with it as long as you're comfortable with your decision," he said as he closed his laptop. Napatingin tuloy ako sa gawi niya na inaayos na ang side ng higaan kung saan ang puwesto niya kapag matutulog kami. "Are you going to be okay?" kinakabahang tanong niya.

"Oo naman!" sagot ko agad na ikinagulat niya. I mean, hindi naman sa gusto ko kasi gustong gusto ko talaga.

"Can I ask something?" tumaas ang isang kilay niya. "Babae ba 'to?"

"Hoy! Hindi kaya," napatayo pa ako kasi nagbibintang na siya. "Baka kaya pumayag ka kasi may boylet ka rin 'no?" tanong ko, nagbibiro. Ang awkward kasi ng situation namin!

"So hindi babae kasi boylet?" inis niya 'kong tinalikuran. Sa gulat ko ay nakatungangang nakatayo pa rin ako rito habang patapos na ang game. Bakit parang kasalanan ko pa?

Bumaba rin ako agad matapos mag ayos. Kapal din nito na talikuran ako. Sinilip ko tuloy mula rito sa hagdan kung nasaan man siyang lupalop dito sa loob ng bahay. Nakita kong nasa kusina siya at may kausap sa phone kaya kahit tumakbo ako palabas ng bahay ay 'di niya mahahalata lalo na't gabi na rin.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now