KABANATA 32

116 3 0
                                    

Habang nasa restroom si mom ay doon lamang kami nakahinga sa wakas. We just stopped over dahil naiihi raw siya sa bilis ko magmaneho.

"Samahan mo na kasi sa likod pa-"

"No! Ayoko," tinakpan niya pa ang bibig ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Baka maantok ka kapag d'on ako sa likod uu-"

Tinanggal ko ang kamay niya. "As if naman nakakatulong ang presensya mo rito sa harapan? Mas lalong inaantok ako dahil hindi ako mapakali sa sobrang tahimik!"

"Hindi ko na kasalanan 'yun!"

Hindi ko na magawang sumagot pa dahil nakikita ko na si mom sa bintana. Kahit sa paglakad ay nakakatakot ang tingin niya sa paligid.

"Look!" pagkasakay ay ipinakita niya ang braso niya sa'min. May maliit na bagong sugat d'on ngunit saglit lang namin iyon tinignan nang mahalatang galit ang tono niya. "Binangga ba naman ako ng isang babae r'on kaya ayu-"

"HA?!"

"What? I just slapped her, that's all. Kalma nga kayo!"

Napanganga pa ako sa gulat habang ang kapatid ko ay mas mabilis pang tumakbo palabas. Oh my gosh! Nabangga lang naman si mom, eh. Sana hindi pa patay iyong baba-

"What are you thinking, Aciellin? I'm not nabangga, binangga ako. She doesn't look guilty nga," galit siyang sumandal at isinuot na muli ang sunglasses niya. "And hindi naman ako ganiyan kababaw para pumatay."

Yes, mali nga ako sa sinabi ko pero nagiging kritikal nga ang kondisyon ng mga taong tulad nung bumangga sa kaniya. Sana lang talaga maayos iyon, Lord.

Bumaba na rin ako matapos humingi ng tawad para matignan ang ganap sa loob. Kinakabahang binuksan ko ang pinto at mas nagulat sa nakikita.

"Nasaan siya?" napasinghap ako dahil walang ibang tao ang nandito bukod sa'ming tatlo. Ang kambal ko, isang babae at ako.

Maayos naman ang kalagayan niya na parang walang nangyari. Thank you, Lord. "Oh? Dalawa?" hinawakan niya ang ulo, nalilito siguro.

Iniwan na rin namin siya at tahimik na sumakay ng sasakyan. Siguro naman maayos din ito ng mga manager namin if ever lalabas ang issue. Ilang oras kaming binalot ng katahimikan. Mabuti na lang talaga ay nakarating na kami sa station 4 kung saan liblib pa ang lugar na tinahak namin.

"Gisingin mo na si mom," mahina kong inutos sa kapatid ko. Umiling din naman ito agad bago ako inunahang bumaba. Bago pa ako may masabi ay umayos bigla ang nanay ko sa pagkaupo. "We're here, mom."

Itinaas ko ang paningin sa simpleng bahay na pinagawa ko noon. Modernong bahay ito na naiiba sa kapit bahay. Hindi pa nila 'to matanggap noon ngunit tinakot ko sila na hindi na muli ako babalik dito kapag hindi nila tatanggapin. Ang ending ba naman ay hindi nila ito tinanggap kahit nagbibiro lang naman ako. Gustong gusto ko lang ibigay ang deserve nila pero sila'y naniwalang hindi na talaga ako babalik kung kaya't bago pa ako makaalis sa bayan na ito ay itinatakwil na nila ako.

"Tao po!" sigaw ko muli habang pinapatunog ni ate ang gate. Nasa likod lang din namin si mom na naghihintay mabuksan ito. "'Tay, 'nay! Nandito na ako!" nakapamewang na sigaw ko.

"Chin?! Ikaw na ba 'yan, iha? Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah!" may lumapit sa amin na matandang babae. Hindi ko na siya matandaan kaya nginitian ko na lamang. Hinawakan niya pa ang kapatid ko at niyakap. "Ito na ba ang kambal na sinasabi mo noon sa amin?" tinuro niya pa ako.

"Who are you?" my sister asked. "Po?" habol niya pa.

"Si aling Susan ito, ano ka ba? Mukhang ikaw pa ang nakalimot na," malungkot na sabi niya.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now