KABANATA 15

75 4 0
                                    

"Wala akong tatanggapin ngayon," sagot ko sa tanong ni Minha. Inipit ko pa sa tenga't balikat ko ang phone na gamit. "Ayaw kong maulit 'yung nangyari last week dahil lang may free day ako marami na ang naganap."

"Bahala ka," walang pake na saad niya.

Inilagay ko ang iba pang plato sa lamesa. "Bukas na lang din gagawin 'yung mga dapat kong gagawin ngayong araw," pampalubag loob kong sabi. Nahihiya ako sa sarili ko na walang gagawin.

"Bahala ka nga," kalmadong sabi niya.

"Hindi ka man lang galit?" naniniguradong tanong ko.

"Mag enjoy ka na lang diyan. Bye."

"Himala," mahinang sabi ko at ipinatong na ang mga hawak sa lamesa. Inilagay ko na rin ang mga pagkain na niluto upang makasabay si Abuela kumain ngayong umaga.

"Iha, I have meeting pa kaya aalis na 'ko. Doon na lang din ako kakain kaysa rito," halik ni Abuela sa pisngi ko at nagmadali. Hindi man lang ako nakapagsalita sa bilis.

"Six plates pero isang pinggan lang ang malalagyan muli ng pagkain." Umupo na lang ako sa upuan ko at nagsimulang kumain. "Kain!" nakangiting aya ko sa dumaan.

"Sige lang po!"

Ayaw ba talaga nila 'kong kasabay?

"Aalis ka?"

Napatigil ako sa paglalakad palabas nang biglang may bumaba sa hagdan. Tumango lamang ako at pinagpatuloy na ang hakbang. "S'an ang punta?" napatigil muli ako nang magtanong si Kio.

"Sasama ka ba?" inis kong tanong.

"Sige," tumakbo kaagad siya palapit sa'kin. Hindi ako makapaniwalang sasama siya. "Sa'n ba tayo pupunta? Nagugutom pa naman ako. Atsaka nakakatakot maiwan dito," binulsa niya ang phone na hawak habang nakatingin pa sa buong mansyon.

"Ililibing kitang buhay," mahinang sabi ko.

"Ay?" tinakpan niya pa ang bunganga niya, gulat na gulat. "Oh my gosh! Isusumbong kita kay abuela!"

"Kaya mo?" tinaas ko ang isang kilay, naghahamon.

"Ako na nga magdrive," inis niyang sambit.

"Nakakairita ka talaga," banggit ko nang nagmamaneho na siya. Dumaan pa siya sa isang public restaurant para roon kami kumain. Bumaba na 'ko ng sasakyan at umupo sa labas ng restaurant kung saan tanaw ang dagat. "Dagdag issue," sambit ko at napasapo sa'king noo agad habang pinapanood siyang ipark ang sasakyan.

"Hello! P'wede po magpa-picture?"

Naitanggal ko agad ang sunglasses ko at marahang tinitigan ang magbabarkadang nagtanong. Tinignan ko ang wristwatch ko at nagtatakang binalik ang tingin sa kanila. "Uso pa pala ang cutting classes," saad ko at inayos ang necktie sa uniform ng isang babae.

"Po?" lumapit pa sa'kin ang isang kasama nila.

"Kawawa naman kayo," tumatangong bumalik ako sa inuupuan ko. "Ano?!" galit na tanong ko nang hindi pa sila umuupong tatlo sa tabi ko nang itinuro ko ang upuan.

"Excuse me?" rinig kong tanong ni Kio sa mga kasama ko ngayon. Tinuon ko na lang sa menu ang atensyon habang na starstruck pa yata sila dahil lang sa nakita. Nagtataka pang sumusulyap sa'kin si Kio pero hindi ko na siya pinansin. "S'an ako uupo?" yumuko pa siya para ibulong iyon sa'kin.

"Sa upuan," tipid kong sagot nang hindi pa rin tumitingin sa gawi niya.

Nabitawan ko ang menu nang bigla niyang isiksik ang sarili sa upuan na inuupuan ko ngayon. "Ano ba?!" singhal ko.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now