KABANATA 21

63 3 0
                                    

Gulong gulo ang buhok ko habang hinihintay si Kio na ginagamot ng isang nurse sa mga sugat niya sa mukha. Hinihintay ko lang siya matapos dahil ako raw ang susunod sambit ng nurse kanina. Nauna siyang ginamot dahil kita naman na mas nasaktan siya. Well, desrrve niya 'yan! Matagal na rin akong hindi umiimik matapos kaming dalhin dito sa loob ng isang clinic.

"Nag away ba kayo dito dahil tapat lang ng isang clinic?" basag niya sa katahimikan.

Hindi ako sumagot at pinakiramdam ang tumutulo sa mukha ko. Pinunasan ko ang mukha at nagulat nang dugo ang tumutulo na sa ilong ko. Masama na ang tingin ko kay Kio na ngayon ay gulat sa nakita niya. Marahang tinuro niya pa 'ko na nakabukas ang kaniyang bunganga.

"Grabe," singhal ng nurse nang makita ang tinuturo ni Kio, which is ako. "Tawagin ko lang si Doc.," umiiling pa siya at tinapos agad ang ginagawa kay Kio at bumaling agad sa akin matapos ang tawag.

"Anong nangyari na naman ba? Ilang oras lang na naghiwalay tayo tapos ano 'to?" inalis ni Zaina ang coat na sinuot sa'kin ni Kio kanina dahil napunit ang dress ko. "Kayong dalawa ang nag away?!" napasapo pa ng noo si Zaina habang pabalik balik ang tingin sa amin. I rolled my eyes at her kasi kanina pa siya puro tanong! Ang sakit sa tenga!

Si Aiyana naman ay kausap pa ang doctor na tumingin sa'min at sinabi ang incident na nangyari rin sa'kin noon. Humiga na lang din tuloy ako nang humiga si Kio sa bed. Sawang sawa na rin siguro 'to kay Zaina!

"Nandito pala kayo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Nico na kapapasok lang ng clinic.

"Hindi, picture lang namin 'to." Pekeng ngumiti pa si Zaina kay Nico na ngayon ay dumiretso na kay Synkio.

"Dito rin pala punta niyo kaya nagmamadali kayo ni Yana pero hindi niyo man lang sinabi sa'kin para naman nagsabay na lang tayo.." nagpaparinig na sabi niya.

"Sino?" tanong ni Zaina.

"Ako! Iniwan niyo a--"

"May pake?!" pilosopong sagot din ni Zaina.

"Wow," tinakpan ni Nico ang bibig gamit ang dalawang kamay. "Bilis niyo rin makasagap ng balita ni Yana, ha! Bilib ako sa inyo."

"Come on, Nico! Just accept them us a package! Kung nasaan ang isa, d'on na rin silang lahat." Iritang saad ni Synkio na ngayon ay napaupo na naman.

"Oh tapos?" nakahigang tanong ko.

"Tapos na," tipid niyang sagot at inirapan ako.

Inuwi na rin kami ni Zaina gamit ang sasakyan ni Kio habang sina Nico at Yana ay dumiretso sa hospital agad dahil sa duty matapos nilang makausap 'yung doctor. "Matulog ka na lang dito, Zaina."

"Ayoko," lumingon pa siya sa'min ni Kio na magkahiwalay na nakahiga sa long sofa. "Nagugutom ba kayo?" tinalikuran niya kami para makapunta sa kitchen.

"I'll order na lang, Zaina!" Kio shouted and he grab his phone on the coffee table. "Umupo ka na lang dito!" kinakabahang sigaw niya pa.

"Bakit ba? Akala mo naman lalasunin ka niya sa ilu--"

"Hindi ba?!"

"Ay, 'yan ang hindi ko sure." Ngumisi ako sa kaniya bago sumunod kay Zaina.

"H-Hoy! Help, mader!" nagmumukha siyang baliw na sumunod sa likod ko habang hawak ang dress kong napunit niya kanina. "Baka planuhin niyo kung pa'no 'ko mamatay gamit ang lason, hindi ko hahayaan!"

In the Night SkyWhere stories live. Discover now