Dinig na dinig ko ang lahat kahit nakapikit lamang. Simula nang magsalita si mom ay halos gumuho na ang mundo ko. Galit na galit siya sa'kin dahil hindi pa raw gumigising ang dalawa kong kaibigan. Gusto kong dumilat pero natatakot ako. Pa'no kung hindi sila ligtas? Sa paraan ng pagkakasabi niya ay naiisip kong hindi na talaga sila gumising. Kasalanan ko 'to. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi pa sila nagising.
"Why do I have to bear all of what she did?! Pagod na pagod na 'ko!" mom screamed.
Dahil sa narinig ko ay naidilat ko ang isa kong mata. Minha bow immediately, "Ma'am, I hope you understand that it wasn't her fault because it was an accident".
Naipikit ko muli ang aking mga mata nang marinig iyon. "Accident?!" the slap I heard was loud. Binuksan ko ang mata sa gulat at nakitang naninigas si Minha sa puwesto niya ngayon. Nasasaktan ako kasi she always wants to deal in whatever I do. Mom looked at in my side, "You're awake."
"Minha," kahit nakaswero sa kamay ko ay nilapitan ko siya agad. "Are you all right? I'm sorry," niyakap ko siya agad habang kinukumusta niya rin ako.
"I'm really okay," she said, nagtatakang tumingin sa akin. "Ano ka ba?! Tatawag akong nurse!"
Napasulyap ako sa gawi ni mom dahil masama na niya 'kong binababa't tingin habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Pagod na rin akong makita ang ganitong scene. Pagod na pagod na 'ko para rito," nakahiga sa sofa na sabi ni Kiah. "Tumahimik na lang kayo kung 'yun lang din naman ang gagawin niyo."
"Shut up," malamig na saad ni mom bago ako bumalik sa higaan ko. "Just go, Kiah. We don't need some disrespectful here."
"You can just two go," mahinang bulong ko sa sarili. Nakahiga na 'ko nang tignan ko sila na gulat pa rin ang tingin sa'kin. "Why?" I asked them. Kung sa disrespectful lang din na word ang usapan ba't 'di na lang sila ang maglaban?
Sawang sawa na sila? Pa'no naman ako?
Tumahimik pa sa buong kwarto ko nang makaalis ang lahat at naiwan ako. Gusto ko nito. Mas gusto ko 'to. Gusto ko pa sanang pumunta sa garden dito sa hospital kaso nga lang ay masakit pa ang bandang ulo ko. Minsa'y kapag maglalakad lang ako ay biglang dumudugo na ang ilong ko at nahihilo. Siguro nga ay kailangan ko pa ang tulog sa ngayon.
Kagigising ko lang at abala kong pinupunasan ang ilong dahil sa sipon nang bigla biglang bumukas ang pinto. "Talagang cinacareer mo 'yung quote mo ano?" sarkastikong tumawa si Arcie at nagmano sa akin. Pagpasok palang ay tila sa kanya itong kwarto sa kilos na pinapakita niya. Feel at home talaga, eh!
"Ang alin?" nagmamaangan kong tanong.
"Ang buhay ay nakaka-umay, hintayin kung kailan sumakabilang buhay."
Damang dama niya ang pagkakasabi and honestly, nagaya niya ang ginawa ko that time. Siraulo talaga 'to! Nagjojoke time lang naman ako r'on.
"Ano?!" paikang naglalakad patungo sa'min si Aiyana. "Totoo ba 'yan, Chin?!"
"Buhay ka pa?" naiiyak ko siyang nilapitan upang yakapin. "Y-Yana!"
"Pinapatay mo na ba 'ko talaga sa isip mo?!" paghila niya sa buhok ko kaya mas lalong lumakas ang iyak ko sa sakit. "Tigil tigilan niyo 'yang quote na ganiyan. Huwag niyong gawin na parang basura ang buhay lalo na't may madadamay at nadadamay."
"I'm sorry," pinunasan ko ang luha ko at kinurot si Arcie para makapagsalita. "Ikaw na ba 'yan?"
"H-Hello!" nauutal na bati ni Arc kay Aiyana kaya nagtatakang nagtinginan kami dahil sa inaasta ni Arc. "I'm sorry!" mabilis na saad niya at yumuko.
YOU ARE READING
In the Night Sky
RandomDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...