"Tap your finger para madetect na, puro ka naman tulala simula nung dumating tayo," humikab pa siya before hinawakan ang daliri ko para siya na ang gumawa ng utos niya. Natagalan pa kami dahil ayaw tanggapin ng door ng unit ang fingerprint ko. Inaantok na nga ako dahil umabot ng gabi ako nag ayos simula nung dumating kami. Nag ayos na lang din ako sa kwarto ko imbes na natulog lang ang ginagawa gaya ni Tiana.
"Bakit ba ayaw!" naiinis niyang binuksan ang unit niya. Nakatayo lang ako dito sa labas habang hinihintay siya na may kausap na sa telepono.
Lumabas siya na magkadikit ang kilay habang masama ang tingin na pinukaw sa akin. "Why?" I asked her.
"Ewan ko sa kanila!"
"Matutulog na muna ako," dumiretso na 'ko sa loob at nagpaalam na rin naman siyang bumaba para raw tanungin kung bakit may mali.
Napabangon ako nang may marinig na doorbell. Hindi ko muna 'yun pinansin at nagsimulang matulog muli.
"Ano ba 'yon?!" naiiritang tanong ko sa sarili nang hindi pa rin natigil.
I peeked through the peephole before I opened the door to the person who rang the doorbell. Takang taka nga 'ko dahil parang si Tiana ang nakita ko. Bakit hindi na lang siya pumasok?!
"Before you say anything!" tinulak agad ako ni Tiana paloob at isinara ang pinto. "You're mad again pero feeling ko mawawala rin agad 'yan," she even winked at me bago ako hilain palabas muli.
"Ano ba?!" inis 'kong sigaw dahil kung itulak niya ako ay parang may kasalanan ako sa kaniya. Ang sakit ng kuko niya na sinasadya niya yatang diinan sa braso ko! "What are you doing here?" my attention immediately went to Kio, ang kasama ni Tiana ngayon.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Synkio and Tiana. Sa mukha nila ay parang galing silang rambulan before magpakita sa akin.
"Chin! I went down to the lobby to ask if how na ang gagawin natin with the door, right? Pero 'yung pinagtanungan ko, she asked out of the blue if who cares?! Like I'm totally shocked kaya sinabunutan ko na lang siya!"
"What?" seryosong tanong ko. Malay ko ba baka nakikipagbiruan lang 'to. At nakipagsabunutan ba siya in a public place?!
"I'm seryoso, ano ba?!" nagpadyak pa siya na parang bata dahil nahalata niya sigurong hindi ko siya pinapaniwalaan!
"Good thing Synkio help me na magstop or else! Look!" lumapit siya muli na ipinapakita na sa'kin ang siko niyang dumudugo. "I have bruise na, grabe! Should I report her sa pulis?" naiiyak niyang sabi.
"Ano? Ikaw nagsimula nung pagsasabunot tapos ikaw 'tong magrereklamo? May anger issue ka, teh," umiiling ako dahil baka kung anong mangyari sa kanila kapag nalaman ng manager nila.
"Basher ko raw siya at proud pa siya, ha! Feeling ko hinintay niya talagang mangyari 'to kasi kung hindi edi sana wala akong sugat!" galit na galit siya habang nakatingin sa elevator. D'on niya pa yata binubuhos ang galit niya.
Mabilisang sinulyapan ko si Kio nang tumingin din ako sa elevator. He look weird habang nakatayo lang sa harap namin ni Tiana.
"Ginagawa mo rito?" masungit kong tanong. Inayos niya pa ang bitbit na eco bag na may laman bago sumagot.
"Let's talk," kinakabahang sagot niya. Napansin ko pa na nanginginig na ang kamay niya kahit iyan pa lang ang nasasabi niya.
"No," malamig kong sabi. Aalis na sana ako para pumasok pero nahawakan niya ang kamay ko. Napatingin pa kaming sabay ni Tiana sa kamay niyang nakahawak sa akin. Tinaasan ko tuloy siya ng isang kilay, "I said no."
YOU ARE READING
In the Night Sky
De TodoDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...