"Huwag mong kalimutan ang gatas ni mama," bilin ni mom. "Dalhin mo na ngayon para makausap ko na rin siya," utos niya kaya nagmadali akong tumayo sa higaan ko para bumaba. Ang usapan pa naming tatlo ay naitigil dahil dito sa tawag.
Hawak hawak ang phone ko na nakatutok sa'kin ay patakbo na 'ko kung maglakad. "Mom, I'm okay," saad ko bigla nang ibaba na ang phone para ipatong.
"No one asked," seryoso niyang sabi habang mariin akong pinapanood na kunin ang baso. Inilabas na rin ng isa sa kasamahan ni abuela ang gatas niya nang hindi ko sinasabi. Ngumiti na lang tuloy ako. "Inaantok na 'ko," kinakamot niya ang noo gamit ang hinlalaki.
"Thank you," I mouthed when the guy handed me the glass of milk. "Paakyat na po ako," hinihingal akong dumiretso sa kwarto ni abuela kung saan ang pinakagitna ng mansion. Ang lawak pa naman.
"Abuela?" tatlong beses akong kumatok gamit ang siko ko habang nakatingin sa dalawang tao na nagbabantay dito sa pintuan. Bitbit ko ang gatas ni abuela at sa isa kong kamay ay ang phone kasama ang eyeglasses ko.
"Come in!" dinig kong sabi sa loob ngunit hindi pa rin ako pinagbubuksan.
"Ano?! Gusto niyo bang ako na lang ang magbukas ng kwarto?! Bobo ba kayo?"
Natatarantang tumingin ako sa dalawa na naguunahan kung kumilos. Pilit ko silang nginitian na lang din kahit sobrang awkward dahil sa pagsigaw ni mom!
Pagkabukas ng kwarto ay nginitian ko rin ang isang babae na kasama ni abuela. "Milk po," ipinatong ko iyon sa lamesa ni abuela at iniharap agad siya sa phone ko. "Mom," turo ko pa habang tipid na ngumiti. Nahalata ko pa na yumuko bigla ang kasama ni abuela nang sabihin ko iyon.
"Hola!" masayang kinuha ni abuela ang phone na hawak ko kaya napaupo na 'ko at napabuntong hininga. Alam ko na susunod sa hola na 'yan.
"You saw how Chin is doing, mama. She still had a head injury from an accident. Sana lang pagalitan niyo siya dahil marami na siyang nagawang mali. She ne-"
"Stop," putol agad ni abuela bago tumingin sa akin. Sumenyas pa siya sa kasamang babae na lumabas na muna.
"She never learned from what happened before. And mama, please! Don't try to ask or push Chin to see her father again."
Dinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni abuela bago magsalita. "Don't worry about your daughter, Chen! You worry too much about Chin when she comes home here," abuela replied.
"I don't give a damn, mama."
"Dios mio por favor," umiiling na banggit ni abuela. "Why don't you come home here this weekend, especially since it's their birthday?" napayuko tuloy ako sa inuupuan ko.
"Lagi na nga po akong pumupunta diyan kapag weekends," mom replied.
"That's because of my son. Ilang taon na rin naman nang hindi tayo kompleto sa hapag."
"Matagal na tayong hindi kompleto, ma-"
"Pumarito ka na."
"Mama naman!" parang bata na sigaw niya. "I just want to celebrate the new year by myself."
How many years have I heard that line of her?
"For what? To drink alcohol? Hindi lang 'to end of the year, but it is also their birthday!"
May narinig akong mabibigat na yapak na papalayo na sa akin, "but you're not here para man lang kay Chin," abuela hissed. Even though magkalayo na kami, I could hear what they were saying on the phone. The door suddenly slammed shut kaya napatalon tuloy ako sa gulat.
YOU ARE READING
In the Night Sky
RandomDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...