"May I know what's the reason why you're so eager to win this mission, Chin?" natahimik ako sa pag-iyak nang malaman kung sino ang nagsalita. "I know you're hurting, my love."
"Z-Zaina!" humagulgol muli ako sa pag-iyak habang niyakap siya.
Tinatakpan ko ang bunganga para hindi makagawa ng ingay mula kanina pa. Mahigpit akong niyakap ni Zaina na para bang ayaw niya akong bitawan.
"Alam kong mali na sabihin ko 'to sa iba pero gustong gusto kong malaman kung pa'no nangyari 'yung aksidenteng nangyari sa amin nila d-dad, ate at sina Yana. Sobrang guilty pa rin ako sa nangyari sa'min, hanggang ngayon bitbit ko iyon." Umiiling ako habang tahimik na umiiyak at yakap na ang aking tuhod.
"Namatay si dad dahil sa'kin, Zai. Namatay siya... Sobrang selfish ko dahil napahamak pa talaga ang mga mahal ko sa buhay dahil lang sa akin!"
"Hindi mo kasalanan iyon, Chin. That was an accident."
"N-No! If hindi ko pinilit na gamitin namin 'yung powers namin baka buhay pa siya. Baka hindi rin ako napalayo kay ate at sa clan ko. My sister almost died because of me! Sobrang dami ng sakripisyo niya na para sa akin. At sana dala-dala pa rin ni Yana ang memories niya na nakalimutan niya na ngayon. I d-did it, Zai. Ako ang dahilan kung bakit nagka-amnesia si Yana. Kasalanan ko. Oh my gosh! Lumayo ka sa'kin baka masaktan din kita!"
Zaina hugged me tightly while shaking her head. Takot kong inilayo ang sarili ko sa kaniya. "Please, don't!" nanginginig kong itinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin. Bumabalik ang mga banta ng mga magulang niya sa isipan ko ngayon.
"Stay away! Nagmamakaawa ako, Zaina. Kahit ngayon lang, please. Ayaw kong mailayo ka ng magulang mo sa'kin."
"No, that won't happen. Please, let me stay with you."
Tahimik akong umiiyak dahil sa takot na may makarinig sa'kin lalo na't nasa public place kami.
"Bakit?" tanong ko sa sarili habang pinipigilan ang malakas kong hikbi. "Bakit kailangang may mamatay pa dahil sa lalaking 'yun. He ruined me, us."
Si Zaina ay nakatalikod lamang sa'kin kanina ngunit napatingin siya bigla nang marinig ang sinabi ko.
"Sinabi ni ate na nahanap niya na kung sino iyon pero bakit ayaw niya pa rin sabihin sa akin? At bakit kailangang mag isa niya lang humarap sa bagay na posibleng ikapahamak niya? Kapatid niya 'ko, nandito ako, eh!"
"We don't know." Mahinahong sagot niya. "Maybe because may reason siya?" sumandal muli siya sa pader gaya ko at tumingin sa mga bituin.
Hindi ako nakasagot agad sa sagot niya. Ilang minuto rin akong nagtagal na umiiyak lamang.
"I hate her," suminghot pa 'ko bago ko inilabas ang phone ko sa bulsa.
"Drink your water, Chin." Nailipat ang tingin ko kay Zaina na ngayon ay nakatitig sa isang basong nasa harapan lang namin.
"Wow, salamat sa tubig, ah!" gulat na gulat ako dahil mukhang isang kutsarang tubig lang iyon!
Tipid siyang ngumiti kasabay ang pagtaas ng dalawa niyang kilay. Irita ko tuloy ininom iyon bago lumagok muli sa alak na iniinom ko. Pinunasan ko matapos ang bibig ko gamit ang sariling braso.
"Sinong tinatawagan mo?" tamad na tanong ni Zaina.
"Ate," tipid ko ring sagot. I sighed when I heard that words again on my phone.
"Oh? Not able to reach again?" she asked.
"Ewan ko ba r'on! Nakakairita siya!" naiyak na naman ako tuloy dahil d'on. Nakakainis! Hindi niya man lang maisip na nag-aalala ako sa kaniya.
YOU ARE READING
In the Night Sky
RandomDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...