"Are you not drunk, Synkio?" galit 'kong tanong, magkakrus na ang braso sa dibdib.
"H-Ha?" kinakabahang iniwasan niya ang titig ko."Kapag nalaman kong hindi ka rin lasing, Zaina malilintikan ka sa'kin." I hissed.
"Ano raw?" inaantok na tanong ni Zaina bago ako pilit ngitian.
"Ikaw lang, Kio." Malamig kong sabi. Kung kanina ay iniiwasan niya ang tingin ko, ngayon ay umiiyak na siya.
"I-Ikaw lang din, Chin." Pinunasan niya pa ang pisngi niya habang umiiyak pa rin.
"Ano 'yung si Edward?" nagtatakang tanong ko. "Nakita ka rin namin ni Tiana na kahalikan siya, ah." Inirapan ko muli siya nang maalala 'yon. Umulit na naman sa memorya ko ang scene na 'yon.
"Siya lang naman ang humalik sa'kin, Chin."
Hindi ako naniniwala sa kaniya kaya tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
"Promise, mamatay ka man!" proud niya pang sabi sa mismong harapan ko. Tinakpan niya pa bigla ang bibig matapos sabihin iyon.
"Aba! Bakit ako ang mamamatay?" galit na galit kong tanong. Lumipat pa sa'kin si Zaina kaya umurong ako para makaupo siya sa tabi ko. Alam na niya yatang ako 'to, eh!
"Hindi ka naman mamamatay, eh. Totoo naman kasi 'yung sinasabi ko, promise." Para talaga siyang nangangako dahil nakataas na ang isang kamay niya at ang isa ay nasa dibdib pa.
"Bakit nagpauto ka naman kay Edward?" naiirita talaga ako sa kaniya dahil hinayaan niyang kontrolin siya ng ex niya at ang gago nagpauto pa.
Gustong gusto ba naming may nagcocontrol sa mga buhay namin?
"Ba't hindi ka makasagot? Kita mo na, Kio. Gusto mo pa 'yun, gago."
"Anong gusto agad? Hindi nga, eh." Umiyak na naman siya na parang bata habang tinatawanan siya ni Zaina na nakasandal na sa balikat ko.
"Anong nakakatawa, Zaina?" ginalaw ko ang balikat ko para umayos siya ng upo. Nakita kong napalitan din bigla ang pag iyak ni Kio dahil tinatawanan niya na si Zaina na umiiyak agad matapos kong tanungin lang. "Anong nakakatawa, Kio?" inulit kong tanong sa kaniya.
"Love?! Are you waiting for me na?" narinig ko ang boses ni Tiana papalapit sa amin at may kasama siyang mga artista. Inayos ko tuloy ang aura na dating ko dahil baka kung ano pa ang maisip nila. "Zaina, bebe!" kumaway din siya kay Zaina na ngayon ay kumakaway din. Tiana suddenly hugged me kaya napatingin ako sa side ni Kio na nakayuko na. Niyakap din after ni Tiana si Zaina at masamang tinignan naman si Kio na para bang hindi sila okay!
"Guys, this is my girlfriend. So I guess I have to stay here so we can go home na together," she chuckled so I just smiled at her friends. Umupo pa sa mismong lap ko si Tiana habang nakikipag usap sa kaibigan niya. Nasungitan ko pa ng wala sa oras ang isa dahil inirapan niya 'ko bigla!
Nagugulat ako bigla kay Tiana, ha! Bigla biglang sumisingit sa bawat eksena at madalas din na biglang nawawala. Umalis na rin sila matapos magpaalam sa aming lahat kaya tumabi na sa aking pagkakaupo si Tiana. "Finally, I'm done with surgery!" sayang saya pa siya at inaayos pa ang low cut neck split black dress niya dahil nahahalata ang cleavage niya.
"Anong surgery?" hindi makapaniwalang tanong ko. Biglaang doctor na ba siya?
"Plastic surgery. Ibang iba sila sa loob at labas, eh. Backstabber pa mga 'yan," sumandal siya sa akin kaya napatingin na naman ako kay Kio na nakatingin kay Tiana. "Hindi pa tayo uuwi? Order lang ako if hindi pa," she asked Zaina habang umiinom sa inumin ko. Ngumuso lamang si Zaina habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
In the Night Sky
RandomDespite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents are rival, yet they are trapped in a scenario in which they must sanction a covert marriage. Will anything change in a non-serious situation f...