KABANATA 25

56 3 0
                                    

"Anong ganap? You called me na tumaas kanina para panoorin lang kita na umiyak buong gabi?" pagod na tanong niya at ibinagsak ang sarili sa kama. "Dito ba kayo nagse-sex?" natatawang gumulong pa siya sa kama.

"Tulungan mo na 'kong mag impake," pinunasan ko ang luhang kanina pa tumutulo sa pisngi ko dahil hindi man lang ako humihinto sa kaiiyak. Tapos puro pa siya asar! Mas naiyak lang ako nang binitbit ko ang isang maleta na puno ng gamit ko, ang bigat kasi! Bakit ba naisipan kong buhatin imbes na hilain para itabi. "Help me, Tiana. Gusto ko na umalis dito," inis akong umupo sa kama at dinaganan siya. Kung ano ano ang tinatanong niya sa'kin mula kanina pa.

"Ano bang sabi? Taray! Umiiyak ka na sa lalaki, ah," tumatawang humarap pa siya sa akin sa pagkakahiga niya kaya napaayos ako ng upo. "Huli kong nakita na umiyak ka ay kay Kevin pa tapos alam kong hindi mo iniyakan ang iba matapos ang relasyon na natin. Remember na you're not fucking ready, asshole!"

Masama ko siyang tinignan dahil totoo lahat ng sinabi niya. Lahat na lang ng sinasabi nito ay totoo. Si Kevin lang naman kasi ang iniyakan ko sa lalaki at puro na sila babae noon.

"Hindi man tayo gaano nagtagal, matagal naman 'yung pagiging best friend natin, duh!" nag inat pa 'to bago bumangon. "Sa loob ng ilang taon na magkaibigan tayo, natalo ng four months na relasyon lang!" tumatawang sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil masakit ang likod ko.

"Isumbong kaya kita kay tita? Sabihin kong hulog ka na kay Kio o sabihin kong nagcheat ang asawa mo?"

"Kaibigan mo rin naman si Kio pero the way you treat him parang hindi, ah!" pag iiba ko sa usapan.

"The feeling is mutual, Chin. Hindi mo ba nakita 'yung attitude niya towards me? He's rude na sa'kin porque may gwapo na siyang boyfriend, eh."

"Uy, anong gwapo? Akala ko ba kaaway mo si Edward, ha?" pang aasar ko sa kaniya.

"Yikes! No way!" galit niyang sigaw at tumayo. "He's so plastic nga," turo niya pa sa pintuan.

"Ganiyan ka rin naman," dagdag kong asar na mas ikinagalit niya.

"We are born to be plastics, I guess? Hindi tayo tinaguriang magaling na artista para lang sa wala."

"Bahala ka," hinayaan ko na siya na balak pa yatang umabot kami ng alas tres sa pag-iimpake dahil sa kadaldalan niya. Ayaw niya talaga akong tulungan pero hindi rin naman siya natutulog! Tinawagan niya pa sina Aiyana at Zaina nang makitang nakaonline sila sa isang app kaya nakipagface time ito.

"Good morning, ladies!" bati niya pa sa kanila habang ako ay palakad lakad dahil nangunguha ng ibang gamit na dadalhin. Matagal din ang isang buwan!

"Umaga na pala pero matutulog palang ako," rinig ko ang inaantok na boses ni Yana sa kabilang linya.

"Why did you call again, Tiana? I'm sleeping na, ha!" natatawang tanong ni Zaina habang inaayos ang comforter niya. "You're so clingy naman! I can't belie— Oh, wait?! Nasaan kang hayop ka? Are you kabit already?!" napabangon pa si Zaina nang makitang sumilip ako sa laptop ko na gamit ni Tiana. Napatingin din si Yana sa'kin, nagtataka.

"Kasalanan ko bang online ka, ha?!" bigla biglang sigaw pa ng kasama ko sa screen na harap niya.

"Hindi ko alam na may communication pa rin kayo kay Tiana, ah. Hindi niyo man lang sinasabi sa'kin, hmp! At close mo pa Zaina si Tiana!" kunwaring nagtatampo ang boses ko at umupo muli sa tabi ni Tiana sa kama.

"Hindi ka naman nagtatanong, Chin!" sagot agad ni Zaina.

"And ayaw mo rin namang pinag-uusapan si Tiana simula nung naghiwalay kayo." Seryosong sabi rin ni Yana na sumipsip pa sa iniinom na kape.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now