KABANATA 12

76 4 0
                                    

Today is my birthday, and it's also the last day of the year. Lagi akong umuuwi rito sa station 5 just to celebrate the new year. It's typically just me, abuela and others who live with her here in the mansion. May ganap din naman every the end of the year. Even if it's just us, I don't want to spend every minute of the day like this. And hindi rin ako tumatanggap ng mga regalo galing sa mga sumusuporta sa akin.

"Happy birthday to you!" kanta ni Zaina habang tumatalon. When she got closer she hugged me tightly and handed me the bouquet she was holding with a paper bag. Alam ko na agad kung anong laman kahit malaki pa ang paper bag na bigay niya.

"A bag?!" hindi makapaniwalang tanong ko nang buksan ang paper bag. Tumango lamang siya at niyakap ako muli. "Dami mong budget ngayong taon! Naalala ko bigay mo sa'kin every year ay ang mga panty mo na nagamit na! Kadugyutan mo kahit wala ka rito noon," natatawang kwento ko habang umiiling. Nakatago pa naman ang mga regalo niya sa'kin sa kwarto ko rito sa mansyon.

"Excuse me, Doc," kausap ni Aiyana sa telepono. "Happy birthday!" she quickly hugged me and smiled. Nagtataka ako dahil inabot niya sa'kin ang kape na nasa kamay niya. Kinuha ko na iyon ngunit inaagaw niya rin kasabay nang pag uusap nila sa telepono. Bigla ko tuloy dinampot ang box na hawak niya rin. "Hmn," she said while nodding as she walked away from us, so Zaina and I opened the box and we saw a logo with Aurora. My true name engraved on the Aurora Diamante pen. Aciellin WUO.

Nasa garden kami ng mansyon ni Zaina. "Pupunta ba sila tita rito?" tanong ko bigla habang naglalakad kami.

"No," she replied with a half smile and immediately sat down. She took a marshmallow for the chocolate fountain and laughed, "Can I eat it now?"
 
Umupo rin ako bago tumango at nanguha ng marshmallows. I also don't understand why there are always so many foods kahit matanda na 'ko para rito. Meron pang mga pagkain na para lang sa kids, adults and oldies in every stall throughout the mansion. And at the end of the year open din sa public ang mansion.

"Talaga bang hindi na sila papasok?" nalulungkot ako dahil sa labas lang sila kumakain. People are embarrassed this year to enter here even if it's possible atsaka humihinto sila lagi na umapak paloob mismo ng main gate when they knew mom is home so they prefer to just get something to eat at one of the stalls in the gate. "Mabuti na lang may mga upuan na sa bawat stall," ani ko.

"Why? Wala ba noon?" puno pa ang bibig ni Zaina ng marshmallows habang nagsasalita.

"Lamesa lang tapos nakatayo," sagot ko.

"Daming umaabang sa'yo sa labas," turo niya sa mga taong nakaupo.

Tinawag ko ang dalawang guards na umaaligid sa amin ni Zaina. "Kuya, baka naman p'wede mong pilitin na pumasok sila?"

"Ma'am, yes, ma'am!"

"Nakakagulat naman sila," bulong ni Zaina sa tenga ko.

"Ayaw daw po nila, ma'am!" hinihingal na saad ng isang guard.

"Ah, thank you po kuya!" nagpasalamat na lang ako at hinila na si Zaina palabas kaya nasundan kami agad ng mga nagbabantay mismo sa main gate.

"AAAHHH!" 

Hiyawan agad ang bumungad sa'min nang makalabas. Lumapit pa ang lahat agad sa akin na hinayaan ko lang kaso si Zaina ay nahihila palayo sa kamay ko. Nahalata tuloy ng mga guards ang nangyayari kaya pinapalayo naman nila ngayon ang mga supporters ko. "Wait po! Iyong kaibigan ko pakilayo na lang muna bago tayo maglapitan. Salamat po!" binitawan ko na agad si Zaina dahil kinakabahang baka magalit siya sa akin dahil naidala ko siya sa maraming tao. Hindi ako nakapag-isip agad.

In the Night SkyWhere stories live. Discover now