Chapter 27
Bakit siya nandito?
Kahit hindi ko pa inaangat ang ulo ko, alam ko na kung sino yun, kabisado ko na boses niya.
"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya nang hindi inaalis ang mata ko sa pagkain ko.
"Wala na kasing vacant table..." Pagkasabi niya nun ay inangat ko na ang ulo ko para tignan si Ian. "Pwedeng makiupo lang? Don't worry, magkunwari kang wala ako dito."
Tumingin ako sa paligid at nakita kong wala pa rin talagang vacant na table, bumuntong hininga ako bago magsalita. "Dalian mo lang."
"Thanks..." Pagkatapos nun ay tahimik lang siyang kumain, tapos tinext ko naman si Tin.
To: Tintin
"Hoy! Asan ka na ba! Nakishare ng table si Ian dito sa table ko sa canteen! Dalian mo girl pls! :'("
Pagkatext ko ay pinatong ko na lang yung phone ko sa tabi ng plato ko.
Nabigla ako nang biglang nagsalita si Ian "Wala kang kasama?"
"May nakikita ka bang kasama ko ngayon? Wala 'di ba?" Umirap ako at hinawakan ko na ulit yung spoon and fork ko.
"Sorry for even asking." Bulong niya pero narinig ko pa rin.
Sumubo ako ng isang kutsara sa pagkain ko bago ako nagsalita, "Hinihintay ko lang si Martin."
Huminto siya bigla sa pagkain, "Hindi ko naman tinatanong eh." Iritado niyang sabi.
"Sinabi ko lang para dalian mong kumain, baka kasi makita tayo ni Martin, magselos pa yun." Katwiran ko sa kanya.
Binagsak niya yung kutsara't tinidor niya at halata ang inis sa mata niya nung tinignan niya ko, parang feeling ko sinasaksak ang puso ko ngayon, "Fine then, aalis na ko, alam ko naman eh, ayaw mong makita mukha ko. Ni wala nga kong maalalang kasalanan ko sa 'yo eh, ang labo mo, Julyanna! Nakikikain lang ako tas kung ano-ano pa sasabihin mo! Kailangan mo ba talagang ipagmukha sa 'kin na walang-wala na talaga ako para sa 'yo?!"
Pinagtitinginan na kami ng iba dito, fck it.
Napatayo na 'ko, "Bakit ka ba kasi lumapit sa 'kin? Ako lang ba ang pwedeng magpashare ng table? Ako lang ba? Ako na naman?! Ako na naman ang sasalo sa 'yo? Ako na naman inaasahan mo, dahil wala kang choice?"
"...Ayoko na, Ian. You're a nobody now, bakit andito ka na naman para iparamdam sa 'kin na umaasa ka na naman sa 'kin? Na napakaconvenient na nandito ako?" Ang hirap na kasi eh, lagi na lang ako, ako yung tipo ng tao na tingin niya ay laging nandyan para alalayan siya. T*ngina, sobrang hirap kasi eh.
Tumakbo na ko palabas ng canteen at nagpakalayo, pumunta na lang ako sa staircase ng kabilang building. Walang tao, tahimik. Naiyak na ko doon, wala namang makakakita, okay lang.
"Julyanna?" Narinig kong tawag ng isang lalake mula sa likod ko.
Lumingon ako, at pagkakita ko kung sino yun, marahas kong pinunasan mga luha ko, "K-kuya Zorren!" I forced myself to sound cheerful.
Umupo siya sa tabi ko, "Hindi mo naman kailangan magkunwari. Iiyak mo lang." Pagkasabi niya nun, naiyak lang ako. Hindi ko alam, wala na kong paki kung hindi ko masyadong kilala si Kuya Zorren, basta naiyak lang ako dun, hinayaan niya lang ako.
Nung tumigil na ko sa pag-iyak, tsaka lang ako nakaramdam ng hiya.
"Pwede ka bang magkwento? Kung bakit ka umiiyak?"
"Bakit po? Hindi pa po tayo close, pwede pong secret muna?"
Tumingin siya sa 'kin, "Ang sungit mo naman, dali na kasi."
Magsasalita na sana ako kaya lang bigla nang umeksena ang bruha na si Tintin, "Yannie gurl!!"
Tumayo na ko at pinagpagan ang skirt ko, "Tintin~" Yumakap ako sa kanya at pagkatapos ay binatukan ko siya, "Ang tagal mong bruha ka!"
"Aray ko naman bakla! Sorry naman! Nagpabeauty pa ko sa CR!" Hinampas pa kong bruha!
"So..." Napatigil kami at napalingon kay Kuya Zorren na nagsalita bigla, "I guess I'll get going then. See you guys sa org." Pagkatapos ang naglakad na siya palayo.
"T-thank po pala Kuya." paalam ko sa kanya at kinawayan niya ko nang hindi lumilingon.
Nang makalayo na si Kuya Zorren, hinampas ako ni Martin!
"What the eff! Ano ba girl!" Reklamo ko.
"Aba't close na kayo ni Fafa Zorren?" Napafacepalm na lang ako sa tanong niya.
"Don't get any wrong ideas, nakita lang niya ko dito sa stairs."
"Defensive much, teh?" Tapos nagkunwari pa siyang nagflip ng buhok. Pfft, maikli lang naman buhok niya.
"So anong ganap sa inyo kanina ni Fafa Ian?" Seryoso niyang tanong habang nakapameywang.
Mapait akong ngumiti, "So much unnecessary drama." Maikling sagot ko.
Inirapan niya ko, "Hayy nako girl, why did you allow him kase to sit with you. Tsk tsk." iiling-iling niyang sabi.
"Che! Mabait pa rin naman ako kahit papano! Naawa lang ako dun sa tao." Humalukipkip ako.
"Mabait your face!" Hinampas na naman niya ko! "Hayyy nako girl, baka mamaya maging mabilis na internet sa Pilipinas at nagka-LTE na't lahat-lahat, hindi ka pa rin nakakamove on."
Nginitian ko na lang siya at inakbayan, "Whatever, tara na nga! Chaka mo! Daldalera!"
Hayyy, bahala na.

BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...