Chapter 9
[Yannie's POV]
Sh*t lang talaga... Di ko mapigilang umiyak dito sa park.
Tas ang shunga ko, nadapa pa ko nung papunta ako dito. Masakit mga dre!
Shunga na nga yung puso, shunga pa yung katawan ko. What the effff.
"Yannnnnnnnn!!!!"
napalingon ako dun sa sumigaw dahil alam ko na kung sino yun.
Nung makalapit na siya sa kin,
"Oh Ian, baket?" sabi ko habang minadali kong punasan yung luha ko.
"Dapat sabay tayo umuwi di ba? Baket mo ko iniwan? Buti na lang nakita kita dito! Pero teka, umiyak ka ba??" he said with a worried voice
"Obvious ba??" tanong ko sa kanya nang pabalang at sarcastic
Lumuhod siya para mapantayan ako tas nilabas niya panyo niya tas pinamunas niya yun sa luha ko
"Baket ka umiyak Yann?"
Tss. Manhid.
"Eh kase... nadapa ako..."
Nadapa yung puso ko.
"Baket ka nadapa?"
Dahil sayo!!
"Tumakbo ako eh."
"Eh baket ka tumakbo??"
Tumatakbo sana ako mula sa sakit na nararamdaman ko...
"Wala lang..."
Tas bigla niya kong... Binatok!!! Bad trip naman oh, ang saket na nga ng puso ko, bibigyan niya rin ng saket yung ulo ko!
"Baliw ka pala eh! Para kang bata! Tatakbo tas madadapa tas iiyak! Ahahahaha!"
Pagtawanan ba naman ako?? Nakoooo~ Kung alam lang niya.
"Oo na! eh di ako na bata!!"
"Sorry naman! Haha! Osige na wag ka nang magtampo! Ililibre kita ng Starbucks!"
Parang biglang nabuhay katawang lupa ko.
"Talaga?"
"Oo! Kahet anong gusto mo! It's all on me! Kase may magandang nangyari ngayon eh."
Ouch. Sumikip na naman ang dibdib ko... Hayyy...yung magandang nangyari sa kanya eh obviously ay yung pumayag si Anjella na manligaw siya sa kanya.
Nagsmile na lang ako ng brightest smile possible.
At sabi ko,
"Sus!! Alam ko na yan! Pumayag na yung Anjella mo na manligaw ka no??"
"Hala! Pano mo nalaman???"
"Obvious naman eh! Saka kilala na kita! And inexpect ko na rin yun!!"
"Wahaha! Ikaw talaga! Ang galing mo!"
Nauna akong lumakad sa kanya
"Ewan ko sayo! Tara na nga!" I plainly said.
Hayyy.
=Starbucks=
Nag-order ako ng Choco Chip Frappe tas Oreo Cheesecake my favoriiiite. Wahhhh totoo ngang nakakalimot ang saket sa puso pag dinaan sa sweets.
"Wahhhh sharaaaap!!!"
"Hahahaha hoy don't talk when your mouth is full! Kadiri ka Yann!"
"Phahdjdkemohdjsnyba?"
"Anoooo?? Lunukin mo nga muna yan!"
Tas nilunok ko nga muna yung cheesecake
"Sabi ko, pake mo ba?"
"Nako, ang sosyal ng Starbucks tas ganyan ka makaasta!"
"Excuse me no, matagal na kong gan'to pag nasa Starbucks tayo! Saka may rules ba na nagsasabi na kelangan may poise ka pag kumain dito??"
Natawa na lang si ian sa sinabi ko.
So ano ako? Clown?
"Baliw ka talaga kahet kelan" he said habang tumatawa at ginulo pa buhok ko.
"Tch. Shut up. Anyway! Since pumayag naman na manligaw ka, 5th step na tayo bes!" hayyy bahala na si batman, bahala na kung masaktan ako.
"Ano ano ano???" psh. Halatang excited ang loko.
Bahala na talaga si batman..
"Be sweet and sweep her feet off the ground."
---------------------
A/N: Freeze!! Bitin effect muna!! :D hohohoho~
Anyway, DRAMA BOMB si Yannie eh no? xD naaawa tuloy ako sa kanya :D
Eh kayo ba readers? Naaawa ba kayo kay bes Yann??
Comment!! xD o kaya vote po:))
Salamat!!
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romans[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...