Chapter 18
Lumipas ang isang linggo, masyadong naging abala ang lahat dahil pasahan ng projects at finals week na
Next week na sembreak kaya sobrang makakahinga na muna ako nang maluwag dahil 2 weeks without drawing f*cking plates. At ngayon ay last day na namin. Hell yeah.
Hindi ko pa nadadala sa sinehan si Anjella dahil nga hell week, kaya naisipan kong i-move na lang yung “date” naming after ng sembreak.
“Anjella.” Tawag ko sa kanya.
“Bakit?” Tanong niya habang inaayos niya yung mga gamit niya sa bag.
“About the movies, pwedeng sa pasukan na lang tayo manood?”
Ngumiti siya nang hindi tumitingin sa ‘kin, “Of course, pero bakit mo naman imo-move? Last day na ngayon oh why not today?” Tapos ay inangat na niya ulo niya para matignan ako.
“Well, mag-iimpake kasi ako ngayon. Bukas kasi may family outing kami.”
Tumango-tango siya, “Ahhh, okay! Wala naman akong magagawa eh, family mo eh.” Ngumiti pa siya sa ‘kin. Hayyyy Anjella, you’re really an angel.
Nginitian ko rin siya, “Thanks for understanding. ‘Wag kang mag-alala, first day ng pasukan, manonood tayo ng sine.”
“Yeah sure! By the way, sa’n outing niyo?”
“Bacolod.”
“Ohhh, pasalubungan mo ko ng inasal ah?” Biro niya sa ‘kin.
Tumawa ako ng konti, “Sure!”
Kinuha na niya yung bag niya at isinabit ito sa balikat niya, “Oh sige, ingat kayo ah? Uwi na ko, Ian.”
“Ah sige, bye, Anjella!”
Kumaway siya, “Bye, see you next sem. Text mo na lang ako pag sembreak, alam mo naman number ko, di ba?”
Lumaki lalo ang ngiti sa mukha ko, “Yeah! I’ll text you.” Bihira lang kasi kaming magkatext ni Anjella, siguro pag may kailangan lang or what. Pero ngayon, sh*t, kahit walang dahilan, pwede ko na siyang i-text! F*ck, ang baduy ko ata, pumayag lang na makipagtext, masaya na agad ako?
Hindi pa rin matanggal sa mukha ko ang ngiti kahit pagkaalis ni Anjella ng classroom.
Nasira ang pagngiti ko nang may tumapik sa balikat ko, “Uy, ‘pre, kaibigan mo ‘yun di ba?”
Lumingon ako sa tinuturo niya sa labas ng pinto na naglalakad na may kasamang lalaki. Hindi ako sumagot sa blockmate ko at sinundan lang ng tingin yung tinuturo niya.
“Boyfriend niya ba ‘yun? Tsk, sayang! Akala ko pa naman may pag-asa ako dun.”
Binatukan ko siya, “Siraulo, hindi niya ‘yun boyfriend, wala pang boyfriend si Julyanna. At kung liligawan mo siya, ‘wag mo nang ituloy dahil hindi ako papayag.”
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...