Chapter 16
"Y-yann..." Tawag ko sa kanya habang umaakyat kami sa hadgdan nila.
Lumingon siya sa 'kin at pareho kaming huminto sa hagdanan, "Ano?"
"Sa sala na lang kaya tayo? G-gusto kong manood ng TV eh!"
Sh*t, bakit ako nautal.
"Okay." Maikli niyang sagot at nagpatuloy kaming tumaas, may living room din kasi sila sa 2nd floor.
Nilapag ko yung bag ko sa sofa nila at umupo na ko. Inabot naman sa 'kin ni Yann yung remote.
"Magbibihis lang ako, wait lang." Sabi niya at umalis na siya.
Ewan ko kung bakit biglang ayaw ko na pumuntang kwarto niya, wala naman kaming masamang ginagawa, or at least that's what she thinks.
Ilang months na rin akong hindi nakapunta ng bahay nila dahil sa isang insidenteng ako lang ang nakakaalam. Ayoko nang alalahanin pa yun kasi... sh*t, ang laki ng kasalanan kong yun at sobrang guilty pa rin ako.
8 months ago...
"Yann uwi na tayo." Sigaw ko sa kanya para marinig niya ko sa gitna ng malakas na music na tumutunog. JS Prom kasi naman, our last prom dahil 4th year na kami.
Tumayo na si Yann at pinagpag ang kanyang blue na cocktail dress. "Tara na." Sabi niya,
Tumayo na rin ako at nagpaalam na kami sa adviser namin at sinabing nasa labas na ang driver ko.
Habang naglalakad kami papunta sa entrance, nahagip ng peripheral vision ko si Yann na nilalagay ang takas na buhok sa kanyang tenga, Napalunok ako. Kanina ko pa ninanakawan ng tingin 'tong bestfriend ko.
"Uh, Yann. Nasabi ko na ba sa 'yo na ang ganda mo?" Biglaan kong sinabi.
Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako, "Palagi mo naman yang sinasabi eh. Feeling ko nga sinasabi mo lang yun to make me feel better." Ngumiti siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ganun ba? O-okay..." Di na ko nagsalita ulit. Di man niya sinabi ng diretsahan pero bullcrap, alam kong I'm stuck in the friend zone once again. Kita ko sa reaksyon niya.
Tahimik kami sa buong byahe, ihahatid muna siya sa bahay nila. After a few minutes, nakita kong nakatulog na siya. She must've really been bored sa JS, ayaw niya ng mga party eh.
Kinuha ko yung ulo niya at isinandal ko sa balikat ko, nauuntog-untog kasi siya dun sa bintana.
Sinulyapan ko ang natutulog niyang mukha. F*ck, lagi na lang bang ganito, sa tuwing tinitignan ko lang siya, parang nagwawala ang puso ko, literally.
Huminto na ang kotse namin sa tapat ng bahay nila at nakita ko ang mommy niya na lumabas ng bahay para salubungin kami.
Niyugyog ko si Yann para magising, "Hoy gising na."
Pero hindi pa rin siya nagigising. Nagbuntong hininga ako, "Kuya, hindi ko na gigisingin 'to, itataas ko lang muna sa kwarto niya." Paalam ko at binuhat ko siya.
"Hi tita." Bati ko pagkalabas ng sasakyan.
"Ba't di mo na lang gisingin yan?" Tanong niya sa 'kin.
"Tita 'wag na po, mukhang pagod eh." Sabi ko at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
"Osige, iakyat mo na siya, matutulog na ko ah? Thank you Ian, ikaw lang talaga kaibigan ni Julyanna eh."
"Almost ten years na rin po naman eh, ako yata ang comfort zone ni Julyanna. Sige po Tita. Good night." Sabi ko at pumunta nang master's bedroom ang mommy ni Yann. Yes, almost 10 f*cking years.
Nahirapan akong buksan yung pintuan niya pero nagawa ko pa rin naman. Dahan-dahan ko siyang nilagay sa kama niya. Na-glue ata yung mga paa ko dun, napatitig na naman ako sa kanya. Sh*t tigilan mo na 'to, Ian!
Hindi ko alam pero hinawakan ng kamay ko yung pisngi niya. I wanted to stop but I just can't!
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa pisngi niya.
"Sorry, Yann. Just this once, after this... I'll stop having these feelings for you." bulong ko kahit alam kong hindi naman niya ko maririnig.
Dahan-dahan kong hinalikan ang malambot niyang mga labi. At least, I'm her first. Kahit di niya alam. Napaka-illegal ng ginawa ko pero sh*t, ngayon lang talaga!
Mabuti na lang at hindi siya nagising dahil sa ginawa ko.
"Good night, Yann." Sabi ko bago ako tuluyang umalis.
-----
Ayoko nang maalala yun! Sh*t sh*t sh*t! Alam kong ang sama ko pero...Yes, I had feelings for Julyanna. Ibinaling ko ang atensyon ko sa iba para makalimutan ko siya. Hindi ko na nga iniisip na bumibilis ang tibok ng puso ko pag kasama ko siya. Ayokong isipin na meron pa rin akong nararamdaman. Ayoko nang aminin sa sarili ko, ayokong banggitin kahit sa isipan ko.
About Anjella? Yes, I do like her. But, I am the biggest jerk in this world. Ginagamit ko lang siya. G*go na kung g*go pero siguro naman matututunan kong mahalin si Anjella pag sinagot na niya ko.
"What're you watching?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita mula sa likod ko.
"TWD." Maikli kong sagot dahil nataranta ako dahil sa naalala ko na naman kanina.
Umupo siya sa tabi ko at nakinood na rin. Sumulyap ako sa kanya at napalunok ako sa suot niyang pambahay. I may seem like a pervert pero napakagat ako sa labi ko habang tinitignan siya, naka-oversized na white shirt siya at maikling maong shorts.
F*ck this. Sana tumigil na ang nagwawala kong puso.
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...