Chapter 14
"Anong 'don't be pushy'? Di naman ako pusher ah!" sigaw ko sa kanya. Eh hindi ko naman kasi talaga maintindihan.
"Jusmiyo marimar Ian!! Ang t*nga t*nga mo naman!"
Tss... Ayan na naman ang mahilig mag-nag na si Yann...
Sinapo na lang ni Yann yung noo niya. Mukhang nakukunsume na.
"Ehh direktahin mo na kasi ako!"
"Alam mo Ian, ayaw na ayaw ng mga babae na pinipilit masyado ng lalake ang feelings niya para sa kanya?"
"Ha? Eh baket naman?"
Nagbuntong-hininga muna si Yann bago siya ulet nagsalita.
"Kase nakakaturn-off yung ganun, yung parang pine-pressure mo yung girl? Nakakaleche kaya yun."
"Ahhh..." p*cha naman! Ganyan ba ang mga babae?! Grabe naman parang ang... Ewan, nevermind. Tsss...
"Kaya please lang Ian, parang kang bakla eh, magiging awkward kayo ni Anje pag pinupush mo at pinagmumukha mo sa kanya yang panliligaw mo. Pag naging kayo, dun mo na ipaglandakan ang pagmamahal mo. Okay?"
"Tss.. Wow 'Anje'? Ang close niyo na ni Anjella ah! O baka FC ka lang? Uma-'Anje' ehhh~" asar na sabi ko
Tas bigla na naman niya kong hinampas!
"Aray!"
She rolled her eyes on me "Hoy lalake, wag mong ibahin ang usapan! Susundin mo ba sinasabi ko o hinde??"
"Oo na oo na!! Opo 'nay!!~~" sabi ko habang hinihimas yung braso ko.
"Anong 'nay ka diyan?!"
Tas akmang hahampasin na naman ako, pinigilan ko na siya
"Sorry naman!" sabi ko.
"Tsk tsk. Ian sana man lang maging mabait ka sa kin! Ako na nga 'tong tumutulong sayo tas ang sama mo pa." sabi niya habang nakapout. Hahaha feeling naman niya cute siya? Cute nga siya-- wtf. Erase erase
"Ayyyy wag ka na ngang magtampo diyan bes!! Nagd-drama ka na naman eh!" tas inakbayan ko na lang siya.
"Hindi ako nagtatampo 'no!" tas kumalas siya sa pagkakaakbay ko at akmang magwa-walkout
Tss.. Walkout tampo queen talaga 'tong si bes!
"Hoy Julyanna san ka pupunta?!" sigaw ko habang lumalapit sa kanya
"Ewan ko sa'yo!"
Ang weird talaga ni bes, pansin ko lang nagiging sensitive siya masyado!
Nung naabutan ko na siya inakbayan ko ulit siya
"Tss. Wag ka na ngang magalit diyan! Wushuu hindi daw siya nagtatampo! Eh ano tawag diyan sa ginawa mo? Hindi nagtatampo?"
"Whatever!!" mukhang nagsurrender na 'to sa kin hahahahaha!
"Cute mo! Hahaha siguro crush mo ko kaya ka nagkakaganyan 'no?" pang-aasar ko, haha asar lang naman eh..wala namang masama eh..
Sinamaan niya ko ng tingin. Uh-oh... Parang kaharap ko na ngayon si Lucifer.
"Mukha mo! Sino namang magkakagusto sa tulad mo? Ako? Hahaha! Eewww Ian kilabutan ka nga! Hindi ako magkakacrush sa'yo! Paulit-ulit na lang ba tayo dito? Kung ako nga si Anje, hindi rin ako magkakagusto sa'yo eh!" sigaw niya sabay batok
"Ayyy!! Wag mo na nga kong batukan! Nagjojoke lang naman eh! Osige na sorry na! Hahaha!"
"Whateverrrr! Nakakaleche ka!"
"Wushuuu osige na hindi na po, tara na nga!"
"Ha? Saan??"
"Sa hotel gusto mo?" pangloloko ko na naman
Tas hinampas na naman niya ko!
"Ian Asuncion!" sigaw niya
"Haha! Sa bahay niyo!"
"Psh. At bakit ka naman pupunta sa bahay namin, aber?"
"Tutal nabanggit mo na si Tita Julie, I might as well visit her now! Hahaha kaya pupunta akong bahay niyo!"
"Ang sinabi mo, nagugutom ka lang eh! Gusto mo lang magfreeload sa 'min eh!"
"Haha ganun nga!" tas medyo binilisan niya lakad niya kaya nauna siya sa kin tas lumingon siya sa 'kin
"Osya let's go!"sabi niya tas humarap na ulit siya sa dinadaan
Tss.. Bipolar talaga 'tong si Yann.
Pero at least nag-brighten up na mood niya.
Hahaha pero bigla kong naalala na naman yung sinabi niya kanina...
Haha....
Hindi daw...
Tss.
Oo na, alam ko naman yun.
[To be continued]
---
Author's Note: Huhubels! More than one month ko na pala 'tong di nauupdate! Sorry poooo... Namiss niyo ba 'to?xD Hahahahaha:))
Bukas na ulet next chapter:)) Pinag-iisipan ko pang mabuti eh.
let out the beast~ xD Hahaha la lang xD labyuuu:-) pakivote naman at comment kung trip niyo^__^

BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...