Chapter 21
Sumunod na araw ay nagstay lang kami the whole day sa hotel. Masyado kaming napagod kaya gusto naman naming magpahinga sa loob ng room na may aircon.
"Oh my god, look at that face, you look like my next mistake~" Rinig ko ang pagkanta ni Yann habang nagsha-shower siya. Napatawa na lang ako... at napaisip. Ang weird talaga ng setup na 'to! Ang weird ng parents ko para pagsamahin kami sa iisang kwarto talaga, pucha.
Alas-siyete na ng gabi at buong araw ata kaming natulog lang dito.
"Got a long list of ex-lovers~ They'll tell you I'm insane~ But I've got a blank space, baby~ And I'll write your name~"
Patuloy pa rin sa pagkanta ni Yann kahit paglabas niya ng CR at pinupunasan ng tuwalya yung basa niyang buhok.
Calm your hormones, Ian.
"Ang ingay mo." Reklamo ko sa kanya at binaling ko ang atensyon ko sa cellphone ko at naalala kong itext na si Anjella.
"How dare you say na maingay ang kanta ni Queen Taylor." sabi niya sabay saksak ng hairdryer para tuyuin niya buhok niya at umupo siya sa kama niya.
To: Anjella Ignacio :)
"Hey, what's up?:)"
Nagsend muna ako ng text kay Anjella bago bumaling kay Yann.
"Queen Taylor?" tanong ko sa kanya.
She rolled her eyes heavenwards, "Duhhh~ Taylor Swift."
Tumango-tango ako, "Ah, yung babaeng rant ng rant sa mga kanta niya tungkol sa mga ex niya?"
"Is that supposed to be an insult?" Tinaasan niya ko ng kilay.
Nagkibit-balikat ako, "Nope, it's just a question."
Napatalon ako nang narinig ko yung phone ko, may message, at nakita kong galing kay Anjella!
From: Anjella Ignacio :)
"Fine. Ikaw? Musta Bacolod? :D"
Yes! Kinakamusta niya ko, does this mean that she doesn't want the conversation to end?
Masyado akong busy sa pag-isip sa ire-reply ko kaya hindi ko na pinakinggan ang mahabang litanya ni Yann tungkol sa minamahal niyang Taylor Swift.
"Alam mo kasi... she's--- Teka, are you even listening to me?"
"Nope." dire-diretso kong sagot habang titig pa rin ako sa phone ko. "Yann, pag ba tinext ka ng isang tao with another question along with the answer to your question. Ibig sabihin ba gusto niya pang makipagtext sa 'yo?" Bigla kong naitanong sa kanya.
To: Anjella Ignacio :)
"Masaya naman, sarap sa beach (lasang asin, LOL). Anong ginagawa mo? xD"
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...