Chapter 4
Bumaba na kami ni Yann papuntang dining room...
"Woooowww!!! Calamares!!!!" sigaw ni Yann tas umupo na kami
"Ang galing mo talaga magtiming Julyanna hija! Bibisita ka tas sakto pinakafavorite mo ang dinner namin ngayon!"
"Intuition po eh!"
"Aba't parang ang bango ata ng naaamoy ko?" pagkarinig namin ng boses na yun lumingon agad kami sa nagsalita
"Hello po Tito Dominic!!!"-Yann
"Dad napaaga ka ata ng uwi?."-Ako
"Hello dad~" -Mom
"Ehh kase natapos ko agad ngayon ang paperworks eh. Aba Julyanna! Buti naman at napabisita ka?"
"Hmmm... Namiss ko po kayo eh! Saka kinaladkad po ako dito ni Ian!!"
"Oy anong pinagsasabi mo diyan? Hindi kita kinaladkad ah! Sira!" sabi ko sa kanya sabay pitik sa noo niya.
"Ian! Wag mo nga sabihan ng ganyan si Julyanna! Kawawa naman siya sayo!" sumbat ni dad sabay batok sa kin.
"Oo nga po tito! Pagalitan niyo po yan!! Inaaway ako lagi!!!" sigaw ni Yann sabay pout. Pa-cute amp*ta.
"Hahaha nako hija pagpasensiyahan mo na yung mokong na yan! Sanay ka naman siguro sa kanya no?"-Dad
"Opo sanay na sanay na ko diyan! Hahahaha!" bigla ba namang tawa ni Yann? Aba! bipolar talaga 'tong babaeng 'to!
After 10 minutes kumain na kami sabay-sabay.
While eating...
"Oo nga pala, Ate Yannie. Alam mo ba kung anong nangyayare kay Kuya?" tanong ni Rycie, ang 14 year-old kong kapatid.
Teka ano na naman meron sa kin?
"Ha? Baket? Ano bang nangyayari sa kanya?"pagtatakang tanong ni Yann
"Eh tignan mo oh, parang transformers, biglang nagpagwapo. Hahahaha!!"-Rycie
P*tek pagtawanan ba naman ako?
"Ah yun!! Hahahaha dami ko nga rin tawa sa kanya eh!! Nice one Rycieee! Hahahaha transformers!!" masayang sabi ni Yann tas nakipag-apir pa siya kay Rycie.
"Tigil-tigilan niyo nga ko! Masama bang mag-ayos???" defense ko naman sa kanila.
"Oo nga anak, baket ka nagbago? Teka baka naman dahil..." paputol na sinabi ni Dad tas bigla silang nagtinginan ni Mom tas ngumiti sila nang nakakaloko sa kin. Ano na namang nasa isip ng dalawang 'to?
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...