Chapter 2

113 3 0
                                    

Chapter 2

"Ha? Anong fix yourself up?" nagtataka kong tanong ehhh sa hindi ko nga gets eh!

Biglang napa-facepalm si Yann at napaupo na lang.

"Ibig sabihin nun... ILIGPIT MO SARILI MO. PAKAMATAY KA NA. MAMATAY KA NA."she said with a straight face.

Ano bang problema niya??

"Weh. Di nga bes seryoso na. Ano nga ibig sabihin nun?"pangungulit ko.

Nakulitan na ata kaya bigla siyang tumayo at---

"ANAK NG TOKWA NAMAN OH! SIMPLENG FIX YOURSELF UP LANG DI MO MAINTINDIHAN! MATALINO KA BA TALAGA? PARANG WALA KANG COMMON SENSE EH! IBIG SABIHIN NUN AY AYUSIN MO SARILI MO! HINDI PORKET GWAPO TINGIN MO SA SARILI MO EH GWAPO NA RIN TINGIN SAYO NG IBA!!"

Ahhh!!! Gets ko na. Pero promise nakakapagtaka talaga ang init ng ulo ni Yann ngayon

"Osya gets ko na Yann. Kalma lang." sabi ko habang inakbayan ko siya bigla.

"Eh ikaw kase eh! Nainlove ka lang eh naiwan mo na common sense mo sa bahay niyo!" sumbat niya habang nakapout at ang sama ng tingin niya sa kin

"Osya paano ba ko poporma?"

"Hayyy..." nagbuntong hininga siya tas bigla niyang inayos buhok ko gamit yung hands niya.

"Ayusin mo buhok mo! Try mo mag-gel! Tas try mo rin magface wash, mouth wash, at magpulbos ka nga!" sabi niya na tila nagrereklamo tas bigla niyang pinitik ang noo ko

"Ah ganun ba yun? Kelangan ba talaga yun?"

Bigla niya kong binatukan nang mahina.

"Oo naman! Poporma ka na nga lang, magmumukha ka pa bang gusgusin? Syempre kelangan mukha kang decent at mas gwapo!"

"A-ah! Gets ko na! Pero...Ahahahaha so gwapo pala tingin mo sa kin? Gusto mo maging mas gwapo ako!" pang-aasar ko sa kanya, nakakatuwa kase yung 'mas gwapo' na part na sabi niya eh, ibig sabihin gwapo pala ako para sa kanya

*sapak!!*

"Mukha mo!!! Ikaw talaga kung ano-ano naiisip mo! Hindi ba pwedeng magfocus ka muna sa problema mo imbis na kung ano-ano pa yung napupuna mo na wala namang basehan!"

Ang sakit ng sapak niya, sh*t naman eh, bestfriend abuse talaga napapala ko dito for many years na.

"Sorry naman!! Eto naman jinojoke time lang kita,kung makasuntok naman to!!" reklamo ko sabay batok ko sa kanya ng mahina. Kala mo siya lang pwedeng manakit ah! Ako rin kaya!

"Aishhh! Ewan ko sayo! Parang ewan ka talaga kahet kelan! Di ba pwedeng magfocus ka muna sa step 1 na sinasabi ko at ayus-ayusin mo sarili mo!! Isama mo na rin sa pag-aayos mo yung ugali mo! Kelangan mo rin ayusin yang lecheng personality mo!" saad niya habang nakapout.

To make her feel better, I patted her head.

"Hahaha oo na oo na! Kasi naman eh ba't ang sungit mo ngayon? May dalaw ka ba ngayon?"

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon