Chapter 1

240 10 4
                                    

CHAPTER 1

"Yannnnnnn!!!!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa best friend kong si Yannie, I call her Yann ever since we were little.

"Oh anong pinagsisisigaw mo diyan ha lalake?" she said plainly.

Ganyan talaga best friend ko, pag wala siya sa mood, wala talaga. Prangka yan, medyo boyish, walang patience, kuripot pero...matalino, mabaet, masarap kausap, maalaga, laging nasa tabi ko at.. maganda? Ahaha ewan ko.

Ako nga pala si Ian Asuncion, 17 years old, 1st year college sa Rillway University.

Mas bata sa kin ng 1 yr ang bes ko, 16 siya pero pareho naman kaming freshman sa college. Civil Engineering course ko tas siya Accountancy.

anyway kaya ko siya kinakausap ngayon ay...

"Yann bes, parang... tinamaan ata ako." sabi ko habang hinahabol pa ang paghinga ko.

"Anong tinamaan pinagsasabi mo diyan? Natamaan na ba ng tuluyan ulo mo at may saltik ka na ngayon?"

"Yann naman eh!" sigaw ko sabay hawak sa balikat niya, "Tinamaan ako sa puso!"

"Ng ano? Ng bala ng baril?" ay potek naman tong best friend ko oh. Parang pagong, ang slow dreeee!!!

"Tanga ka ba o sadyang slow lang Yann? Tss. Tara nga muna dun sa bench sa field para makausap ka ng matino!" sabi ko sabay tulak sa kanya papunta sa field. Tas umupo na kami dun sa vacant na bench...

"Teka nga, ano yung sinabi mo kanina? Tanga ako? Slow? Sino kaya may kasalanan kung baket di ko magets?!" pasigaw niyang sinabi sabay batok sa kin sa ulo, ang saket pa naman niyang mamatok!

"Sorry namaaaaan!!! Eto na kase!!"

"Dali na! Don't beat around the bush!"

Nagbuntong hininga muna ako.

"Tinamaan sa puso meaning in love ako!!"

Pagkasabi ko nun, parang natulala sandali si bes, pucha, ang slow talaga, on-process pa ata sa isip niya.

1% 50% 60 % 90 % 100%

Nang matauhan na siya...

"HA??? Kanino? Paano? Kelan pa yan ha?? Halaaa nagbibinata na si Ian!!!" sabi niya habang kunyaring natataranta na may halong pang-asar pa talaga sa kin eh.

"Ulul! Nagbibinata ka diyan! Tumahimik ka nga!" sigaw ko sa kanya tas sinapok ko siya sa ulo.

"Aray! Sagutin mo na lang kase mga questions ko! Sino? Kelan? Paano? Saan?"

"Hmmm... Si Anjella Ignacio, blockmate ko siya, super cute at bait niya kase! Tas lagi niya kong kinakausap! Kanina lang bigla kong narealize, tinamaan na pala ako sa kanya kase di siya matanggal sa isip ko!!"

Muntik na ko mapunta sa wonderland pero bigla akong sinapak ni Yann sa braso!

"Che! Nakakakilabot ka! Feeling ko konti na lang tutulo na laway mo habang dinedescribe mo yang babae mo!"

"Weh? Seryoso?"

"Ewan ko sayo."

"Sungit mo naman. Lika nga dito! Selos ka lang kase baka iwan kita kase baka magkagirlfriend ako no?" sabay pisil ko ng magkabilang pisngi ni Yann.

Tas bigla niya kong tinulak, ahahaha

"Wag kang assumero ah! Anong selos! Ha! Sa totoo nga ang saya ko para sa yo no! Syempre bes kita! Atsaka pag nagka-girlfriend ka, mas kokonti na ang oras na aabalahin mo ko kaya super advantage yun for me!"

"Tss. Sama mo naman. Ibig sabihin nagsasawa ka na sa kin?"

"Di naman sa ganun Ian~ Naisip ko kase na baka nasusura ka na na ako lang ang babaeng kasama mo simula elementary! It's about time na para magkagirlfriend ka! Time to find your Ms. Happiness!" sabi niya habang nakatayo at nakapameywang sabay pitik sa noo ko tas hinimas ko naman pagkatapos.

"Talaga? Eh pano ka? Wala kang Mr. Happiness pag nagkagirlfriend ako?"

"Hayy... Ok lang ako no! Di naman ako nagmamadali sa ganyang bagay! Saka wag muna tayong magconclude agad-agad na magiging girlfriend mo ang Anjella na yan! Ako na bahala sa happiness ko pag naging girlfriend mo na yun! At dahil diyan, tutulungan kitang mapansin ka ng babaeng yun! Dahil kilala kita no! Hindi ka Don Romantiko, kaya alam kong hindi mo alam gagawin mo!"

Hala pano niya nalaman?

"Wahhh bes talaga kita! Ikaw ang the best talaga Yann!! Talagang tutulungan mo ko???"

"Hinde. Ihuhulog kita sa bangin."

"Yann naman eh!"

"Oo nga di ba! Kulet mo. Nakakaawa ka kase pag nagmukha kang isang malaking tanga sa harapan ng babaeng gusto mo!"

"Wahhh bes salamat ah! Di ko alam gagawin ko kung wala ka! Pero teka, pano mo malalaman ang dapat kong gawin? Parang expert ah?"

Bigla siyang nagcross arms...

"Tsk. SA TINGIN MO HINDI AKO BABAE?! Alangan kaya alam ko kung ano gusto ng babae sa lalake! Utak tsong utak gamitin! Ang shunga mo naman."

Ay p*ta, oo nga pala babae si bes. Tsk.

"Pasensya ah? Akala ko kase lalake ka--- Aray!!!"

Naputol pagsasalita ko nang bigla niya kong sinipa, shet naman oh, bugbog sarado na ko sa babaeng to, pero ayos lang, sanay na ko sa kanya, may pagkabayolente talaga siya at dahil diyan ilang beses na ko nabugbog sarado sa kanya simula pa nung bata pa kami.

"Anong lalake ka diyan ha? Mukha ba kong lalake sayo? Baka gusto mong di kita tulungan!"

"Sorry na!! Di na ko magsasalita! Tulungan mo na lang ako!"

"Che! Pag nagsalita ka ulet, di na kita tutulungan!"

Kaya tinikom ko muna ang bibig ko.

"Hayyy...isa-isa mong gawin yung sasabihin ko ah? No shortcuts allowed. Saka isa-isa ko rin na lang sasabihin sayo yung ways. Hangga't di mo nagagawa ang isa, di ka makakaadvance sa next step. Deal?" she seriously said habang nakatitig nang diretso sa mata ko.

"Sige ba."

"First, fix yourself up."

Ha?? Ano daw??

[To be continued]

------------------

A/N: ayan 1st chapter ah xD SANA MAY NAGBABASA NETO <3 PLEASE LORD.

BTW, nabasa niyo naman po siguro na may mga mura dito :)) pero po honestly sa totoong buhay, HINDI PO AKO MARUNONG MAGMURA, EVER! I don't like it kase eh, bad kase yun sabi ng parents ko :)) PROMISE PO, MAMATAY MAN ANG TIGER SA MANILA ZOO, I REALLY DON'T USE FOUL WORDS:)) PERO FOR THE SAKE OF THE CHARACTER, KINAILANGAN KO MAGLAGAY NG GANUN =___= errr professionalism? HAHAHA BASTA, I DON'T REALLY CURSE IN MY LIFE. YUNG CHARACTER LANG SA STORY YUNG NAGCU-CURSE WORDS :))

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon