Chapter 20
Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil pupunta kaming Punta Bulata. Medyo malayo-layo kasi yun mula sa Hotel Pagcor kaya 7am palang ay umalis na kami. Hindi kami mags-stay dun sa resort ng Punta, uuwi rin kami pag malalim na daw ang gabi.
Antok na antok kami ni Yann sa van dahil nagmovie marathon kami kahapon hanggang 3am.
"Bes, may baon kang Stik-O diyan?" Tanong niya sa 'kin at humikab pa siya. Nakasandal ngayon yung ulo niya sa balikat ko.
"'Wag ka munang kumain, baka masuka ka. Ilang hours ata byahe natin?" Sabi ko sa kanya.
"Hello? Kumain tayo ng breakfast kanina, so lulubusin ko na, masuka na kung masuka."
Inabot ko na lang sa kanya yung bote ng Stik-O, bahala nga siya.
Nakalahati niya yung bote! "Takaw!" sigaw ko sa kanya sabay bawi ng bote ng Stik-O at tinago ko na, seriously, masusuka 'to mamaya.
At tama nga ako, after 10 minutes, nag-pullover kami. Pasalamat siya may waiting shed na may CR yung pinaghintuan namin. Sinamahan ko siya hanggang sa labas ng CR. Malamang. Nang natapos siyang magsuka ay inabutan ko agad siya ng mineral water.
"Ayan, tigas kasi ng ulo. Kain ka pa ng Stik-O!" asar ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako.
Five minutes kami dun para makasagap siya ng hangin. "Tara na, suka girl, nagka-intermission pa tayo bago tayo makarating sa beach!" Biro ko sa kanya sabay halakhak habang inaalalayan ko siya papasok ng van.
Hinampas niya ko pagkaupo namin, sh*t lang talaga, tinulungan mo na nga. Tss.
After 30 minutes, sa wakas nakarating na kami sa Punta Bulata. Nilapag na namin yung mga gamit namin sa isa sa mga cottage. Naligo at nagbihis na kami pagkatapos.
Of course, ako topless at board shorts. Nilingon ko si Yann na hinahatak na ni Rycie papuntang dagat. Naka see-through na top siya at maikling board shorts, nasa loob ang... bikini niya. What the hell, malamang ganun naman lagi eh.
Tumingin ako sa paligid, wala pa masyadong tao, pero lagpas 10am na. Nakita ko sila mommy at daddy na nag-iihaw ng barbeque sa may cottage.
"Sali ako!!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa nagtatalsikan ng tubig na si Rycie at Yann.
Nang tumigil kami at nakaupo lang kami sa buhangin ay may naisip ako, "Yann, challenge, paunahan tayo dun." Sabay turo ko sa tubig na dark blue na may harang na ropes banda.
"Deal." Sabi niya sabay tanggal ng see-through top niya. Ah, t*ngina.
"Ang matalo, ibabaon sa buhangin." Ngumisi ako sabay tayo.
"Fine."

BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romansa[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...