Chapter 24
Pagkatapos ng pag-aaway naming yun. well, I don't know kung away nga ba talaga yun pero hindi na nagparamdam sa 'kin si Yann simula nun. Hindi ako nag-abalang suyuin siya dahil baka kailangan niya muna ng oras mag-isa, sabi nga niya di ba, 'wag daw akong selfish.
Nov. 10 na at start na ng 2nd sem.
Pinark ko yung kotse ko (student's license palang meron ako) at pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse ko, may hindi kaaya-ayang tumambad sa mga mata ko.
So ganito ba yun? Nagalit siya sa 'kin para magka-oras sila nung Martin Ferrer na 'to? Ang saya nilang tignan ah, nakakapit na naman si Julyanna sa braso nung kumag.
Naglakad ako ng mabilis para lagpasan sila, akala mo Julyanna magso-sorry ako? Hah! No way in f*cking hell!
Dumiretso na ko sa building ko at pagkarating ko ng room, binagsak ko yung bag ko sa armchair.
"Ian..." Nilingon ko ang tumawag sa 'kin.
Nawala bigla ang kunot sa noo ko nang makita na si Anjella pala ang tumatawag.
"Is there something wrong?" Tanong niya sa 'kin.
Ngumiti ako ng tipid, "Don't worry, this is nothing..."
"Sure ka?"
"Y-yeah... By the way, ano nga pala yung gusto mong movie?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Ah... Big Hero 6 sana... is it okay?"
"Yeah sure, I heard na maganda daw yun eh."
Hanggang 12nn lang ang klase namin ngayon dahil nga first day palang naman.
Inaya ko na si Anjella na pumunta ng mall, malapit lang naman yun mula dito. Sakto may 1pm na schedule yung movie kaya sandali lang naman kaming naghintay.
Pagkatapos ng movie, kumain muna kami sa may fast food.
"Sure kang okay lang na dito tayo kumain?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap kami ng mauupuan.
"Oo naman no."
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng tray sa table namin.
"Yeah, ang cute ni Baymax eh!" sabi niya tapos uminom siya ng Coke.
"Oo nga eh, lalo na yung 'fadalalalala'" Tapos nagkunwaring nagfifst bump pa ko
Nagkatuwaan kami ni Anjella habang pinag-uusapan yung napanood naming movie kaya natagalan kami sa fast food.
Nang naubusan kami ng topic ay nanahimik na kami at kumain, nang biglang may naisip akong kalokohan at kakornihan.
"Anjella, knock knock."
Kumuha sa french fries si Anjella bago siya nagsalita, "Who's there?"
"Coca-cola lasagna."
"Coca-cola lasagna who?" Ngingiti-ngiting tanong niya.
I cleared my throat before everything else, "Coca-cola lasagna ang 'yong minahal~"
Nakita kong humagalpak sa tawa si Anjella dahil sa joke ko. I'm doing this 'cause I know that she likes knock knock jokes so much. And, I just want to make her smile.
"Knock knock." Bigla ko na naman sabi habang pinagbubuksan ko siya ng pintuan ng kotse ko.
"Ayan ka na naman. O sige, who's there?" Pumasok na siya sa kotse at umupo at inayos ang seatbelt niya.
Umikot muna ako papuntang driver's seat bago nagsalita, "Tiger, leon, pating, kambing."
"Tiger, leon, pating, kambing, who?"
"Kailan~ Kailan mo ba mapapansin, ang aking lihim~ Tiger leon pating kambing~ Di mo pinapansin~~"
Mahinang tumawa si Anjella, "Tigilan mo na ko, Ian ah." Sabi niya pero nakikita ko siyang nagpipigil ng tawa.
"But you like it."
"Yeah, I guess so." Tapos nagkatinginan kami at nagngitian. She's really pretty.
Pagkatapos nun ay humarurot na ang kotse ko at hinatid ko na siya sa kanila.
Pumarada na ang kotse ko malapit sa bahay nila.
Bababa na sana ako para pagbuksan siya ng pinto pero tumigil ako nang bigla siyang nagsalita.
"Ian, knock knock."
Nilingon ko siya at ngumiti ako, "Now it's your turn huh? Who's there?"
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
"Anjella."
"Anjella, who?"
"Sinasagot ka na niya."
"Wehh ang--- What??" Natigilan ako nang marealize ko ang sinabi niya.
"Sinasagot na kita, Ian."

BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...