Chapter 26

50 2 0
                                    

Chapter 26

Oo na, tanga ako. Tanga ako para putulin ang natatanging meron sa 'min ni Ian. Pero hindi ko pinagsisisihan 'yon, ayoko nang masaktan pa lalo 'pag pinatagal ko pa yung pagkakaibigan namin.

Strangers. Yes, from best friends to nobodies. Lumipas ang isang buwan, hindi na kami nag-uusap, nagkikita. I really made him mad, huh?

One day in January, nagkasalubong kami sa campus, he's with Anjella. Of course, she's his girlfriend.

"Hi 'pre." Bati ni Martin sa kanila nang medyo nakalapit kami habang naglalakad.

Lalong humigpit ang pagkakapit ko sa braso ni Martin nang makita sila at nagtama ang mga tingin namin, nginitian ako ni Anjella at ngumiti naman ako sa kanya. 

Nang makalayo na kami ay umupo kami ni Martin sa staircase na wala masyadong tao.

"Ang bobita amor mo talaga girl." Naging matinis na ulit ang boses niya. His normal voice.

"Sorry, Tintin ah? Nadadamay ka sa kadramahan ko sa buhay."

"Ano ka ba girl? You're like my baby sister na. Ilang months na rin tayong nag-aacting chuchu." Tapos nagkunwari pa siyang nagflip ng hair.

Martin's not actually my boyfriend. He's my gay friend.

"Thank you talaga, Tintin~~ Pa-kiss nga?" Biro ko sa kanya at parang nasuka naman siya sa sinabi ko.

"Ewww I know I'm your pretend boyfriend..." Nag-air quote pa siya sa word na 'boyfriend', "But sorry Yannie dear, I don't swing that way." Inirapan niya pa ko!

Hinampas ko siya, "Loka loka ka talaga! Ayaw ko rin sa 'yo no!" Sabi ko sabay behlat sa kanya.

Si Martin a.k.a Tintin, magaling siyang magkunwaring lalake, pero he's actually gay. Skill niya daw yun para mapalapit sa mga guys. Landi 'no? Pero I was saved by that acting.

Nahuli niya kasi ako one time, I was looking at Ian, from behind. And so yun, kinulit niya ko nang kinulit, hanggang sa naisip ko nga na lumayo kay Ian. Naging partners in crime kami ni Tintin, sinadya namin lahat ng coincidences na nakikita kami ni Ian na magkasama. It was my plan to show Ian, that we're growing apart.

"Pero girl~ You need to find a real boyfriend na ha? I can't be your fake boyfriend forever. Kailangan ko rin ng boyfriend eh." Malambing niyang sinabi sa 'kin.

Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya, "Of course! Makakahanap rin ako, don't worry."

"But! First, you need to get over Fafa Ian muna." He hit right the spot.

Bumuntong-hininga ako, "I know I know."

Sa tingin niyo wala na kong nararamdaman para kay Ian? Hell no, you can't forget someone overnight.

"Ay anong oras na??" Napatalon ako nang naalala ko na may gagawin pa pala kami.

"Ohemgee, 1:30 na pala! Baka hinahanap na tayo dun!" May sinasalihan kasi kaming org, for people who love literature. Inisip ko rin na baka makatulong 'to para may magawa naman ako sa buhay instead of thinking of my... be- oh yeah, he's a nobody now.

Nagkaroon ng orientation dun at konting introduction about sa org, talagang gusto ko nang sumali dito. May pinasagutan sa 'ming form, pagkatapos kong sinagutan, inabot ko yung form sa isa sa mga members, and if I remember correctly, yung president ng org.

Binasa niya yung form ko at tumango-tango, ugh, dali na gusto ko nang umalis.

"So... favorite novel, My Heart and Other Black Holes? Why, uhhh.." Tinignan niya yung form ko bago ulit nagsalita, "Julyanna? Are you depressed or something? Nakakarelate ka ba dun sa character?"

Ngumiti ako, "Not really, I mean, hindi naman dark yung life ko, I just loved how the characters explained their sadness, na ganun pala yung feeling ng depressed, na hindi naman mag-eend yung world dahil may problem ka na matindi."

Tumango-tango yung guy, "Yeah, that's a deep analysis. Welcome to the org, Julyanna." Inilahad niya yung kamay niya sa 'kin at nginitian ako. Tinanggap ko naman yung kamay niya at ngumiti rin ako.

"You can call me Zorren or Kuya Zorren if you want. Since, araw-araw naman magkakasama tayo dito." Binitawan na niya yung kamay ko.

"Ah, sige, Kuya Zorren, thanks po. Sige po mauna na ko."

"Okay, bye. See you." Medyo mukhang weird si Kuya Zorren pero mukha naman siyang madaling pakisamahan.

Umalis na ko dun at tinext ko na lang si Tin na nasa canteen lang ako.

Nag-order na ko ng pagkain at umupo na sa iisang vacant table na natira sa canteen, sorry matakaw talaga ako eh.

After ilang seconds ng pagkakain ko, may lumapit sa table ko.

"Hey."

Bakit siya nandito?


Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon