Chapter 22

31 2 0
                                    

Chapter 22

Lumipas ang mga araw, natapos rin ang bakasyon namin sa Bacolod at ngayon ay nasa school kami ni Yann para mag-enroll. Though, hindi siya ang kasama ko dahil magkaiba kami ng building.

"Dre, si Anjella oh." Sabi ng kaibigan ko, si Xian, sabay turo niya kay Anjella na tapos na rin mag-enroll.

"Anjella!" sigaw ko sabay kaway sa kanya.

"Hi, Ian. Pasalubong?" Bati niya sa 'kin at tumawa pa siya.

Ngumiti ako, "Later, nasa kotse."

Nakita kong nanlaki mga mata niya, "Hala, nagjojoke lang naman ako."

"No, really. Talagang binilhan kita ng pasalubong. Hindi nga lang inasal." Sabi ko sabay halakhak.

"Hala, nakakahiya naman sa'yo."

"Sus, eh okay lang yan, Anjella. Nililigawan ka naman eh, kaya dapat lang na magpagoodshot yan sa 'yo." Biglang singit naman ni Xian kaya siniko ko yung sikmura niya.

Ngumiti si Anjella, "Tumigil ka nga diyan, Xian."

"Uh, Anjella, tara lakad-lakad tayo. Iwan na natin 'tong mokong na 'to." sabay turo ko kay Xian.

"Sure." agad pumayag si Anjella. At naglakad-lakad nga kami sa may field.

"Magkablock na naman tayo?" Tanong niya sa 'kin.

"Fortunately, yes."

"Pfft, anong fortunately ka diyan."

"Aww ayaw mo sa 'kin?" Tanong ko naman sa kanya.

Medyo matagal bago siya sumagot, "Hmmm.... No, it's fun being around you."

Natahimik ako sa sinabi niya at napangiti lang ako. Katahimikan ang bumalot sa 'min pero makalipas ang isang minuto ay binasag niya ulit ang katahimikan.

"Uhmm... Ian." Tawag niya sa 'kin kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Thanks for always texting me nga pala. It made me happy." Nagulat ako sa sinabi niya.

Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko kaya isang tipid na ngiti lang ang naipakita ko.

"Hindi mo naman dapat ipagpasalamat yun. At kung meron mang dapat magpasalamat ay dapat ako yun. Pinagtitiisan mo kong ka-text." Sagot ko naman sa kanya.

"Ha? No, really. Hindi ka naman boring ka-text. Masaya talaga. Lalo na yung mga jokes mo." Ngingiti-ngiti niyang sabi.

"Weh, ang kokorni kaya."

"Well, I admit na corny nga yung iba, pero nakakatawa talaga yung iba." Nag-akto pa siyang nag-iisip nang malalim tapos bigla siyang tumawa. Ah, she's damn cute.

"Natawa ako dun sa 'assuming daw' joke mo."

"Ah, yung..." ta's nagkunwari pa kong umubo, "ASSUMING DAW, but I won't fall~ I am Titanium~" kumanta pa ko ah.

Mahina siyang tumawa.

"Ang corny kaya nun." Tapos hinimas ko yung batok ko sa hiya.

"No, it's not. I'm actually very thankful dahil ang effort mo sa pagpapasaya sa 'kin. Baka mamaya..." Tumingin siya sa gilid niya at huminto sa paglalakad, hindi niya tinuloy sasabihin niya.

Sh*t! Ano yung sasabihin niya??

"Hindi ba si Yannie yun?" Nabigla ako sa tanong niya, masyado akong na-bother sa dapat niyang sasabihin. 

Napatingin na lang din ako sa tinitignan niya, mas matindi pa pala ang magiging pagkabother ko dito. Kasama na naman ni Julyanna ang lintik na Martin Ferrer na yun, ang malala pa, nakakapit siya sa braso niya.

"Boyfriend niya ba yun?" Tanong ni Anjella at binaling niya ang tingin niya sa'kin. Nagsimula na ulit kaming maglakad.

I tried to keep my cool at nagkibit-balikat ako, "I dunno. Pero palagi ko silang nakikitang magkasama."

Tumawa si Anjella, "Naku Ian, baka ipagpapalit ka na ni Yannie." biro niya sa 'kin. Alam kong biro yun, pero napaisip pa rin ako.

Tumawa na rin ako pero saglit lang, "Hindi malabong mangyari yun." 

"Wag naman sana, sayang friendship niyo eh." sagot naman ni Anjella.

"Darating ang araw na magkakaroon na kami ng sariling buhay. Hindi naman pwedeng forever na umikot ang mundo namin sa friendship namin." Katwiran ko.

"Wow, hashtag hugot." sabi ni Anjella habang tumatango-tango siya.

"She's already done so much for me. Kaya dapat lang na i-let go ko siya sa araw na maramdaman kong lumalayo na siya sa 'kin." Sabi ko habang nakahalukipkip.

"Hopefully, kung mangyari man yun ay sana makahanap ka ng isang taong mas hihigit pa sa kanya." 

Ngumiti ako sa sinabi niya, "At sana ikaw yun."

------------

Votes and comments are highly appreciated!

A/N: Haha, di ko na-UD kagabi, masyado akong nag-enjoy sa concert ng Bangtan. Ge, pwede na yata akong mamatay. #TRBinManila

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon