Chapter 25
Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, t*ngina, totoo ba 'to?
"S-sinasagot mo na ko?" Gulat kong tanong sa kanya.
Biglang tinakpan ni Anjella yung mukha niya gamit ang dalawang palad niya, "Y-yes."
Biglang napangiti ako ng sobra, "Yes!" Napasigaw ako. I was genuinely happy that time.
Bumuntong-hininga ako, "Thank you, Anjella." and I'm sorry.
"Wala ka ngang dapat i-thank you sa 'kin. Ako dapat ang magthank you dahil...ako ang n-napili mong l-ligawan." Nakita kong namumula ang mukha niya.
Kinurot ko ang pisngi niya kaya napatingin siya sa 'kin at nginitian ko naman siya, "Ang cute mo."
Ngumisi siya, "Ikaw ah, nambobola ka agad."
"I'm serious though."
Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa bahay nila, hindi na naman ako pumasok sa bahay nila dahil sabi ko ay hindi pa ko handang magpakilala.
Thank you talaga, Anjella. I'm really happy na girlfriend na kita ngayon.
Pagkagaling ko kina Anjella ay may isang tao lang ang naisip ko na pagsabihan tungkol dito. Wala na kong pakialam kung nag-away man kami, I just really want to tell her. I owe her a lot, afterall.
Pagkaparada ko sa harap ng bahay nila ay nagdoorbell agad ako at pinagbuksan ako ng kasambahay nila.
"Ian?" Nakita ko si Tita Julie na nakaupo sa sala nila.
"Hi tita. Si Yann po?" Tanong ko bago ko siyang halikan sa pisngi.
"She's upstairs."
"Pwede pong pumasok? Nag-away po kasi kami eh, I just want to say sorry to her." Paalam ko at pinayagan naman niya ko.
Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nakita ko agad si Yann na nakaupo sa harapan ng study table niya at mukhang nagbabasa na naman siya ng isang novel.
Napatingin na siya sa 'kin, kumunot ang noo niya, "What're you doing here?"
"Galit ka?" tanong ko.
"Obvious ba?" Tanong niya pabalik sa 'kin at padabog niyang sinara yung librong binabasa niya para bumaling sa 'kin.
"Sorry na kasi. Kung may mali man akong sinabi, eh di sorry." Tapos ay lumapit na ko sa kanya at umupo ako sa kama niya.
Huminga siya nang malalim, "Fine. I got mad over a trivial reason anyway." Nagulat ako dahil agad niya kong pinatawad.
"Talaga?" Ngingiti-ngiti kong tanong.
"Yeah. Whatever." tamad niyang sagot sa 'kin. "Yun lang ba ang ipinunta mo dito? Para magsorry? Kung wala ka nang sasabihin whatsooever, umalis ka na muna dahil busy akong magbasa ng libro, understand?" Malamig niyang sabi sa 'kin.
"How cold." Komento ko sa sinabi niya. "Meron pa kong sasabihin."
Tinaasan niya ko ng kilay, "What?"
Ngumisi ako, "Knock knock."
"Who cares?" sarkastiko niyang tanong sa 'kin habang inikot niya yung mata niya heavenwards. Aba matinde, binasag ni Yann ang joke ko. "Wala ka bang matinong sasabihin, Ian?"
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romantik[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...