Chapter 6

86 5 9
                                    

Chapter 6

"Yes! Panalo tayo! Nice teamwork!" sigaw ng president namin.

Ok. Tapos na Battle of the Blocks. At oo panalo kami sa overall.

Masaya yung mga contests. Ayoko na magkwento. 

"Confess and court her."

Ayan na naman, nagflashback na naman yung words ng bestfriend ko.

Eto na kase. Kelangan ko nang magconfess sa kanya ngayong uwian.

Bahala na si Batman...

4:30pm- Dismissal

"Psst bes!" sumitsit sa kin si Yann at sumesenyas siya na lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko pagkalapit ko.

"Oh." biglang abot niya ng tatlong red roses.

"Para san 'to? Uy teka bes nililigawan mo ko?!" sabay hawak ko sa balikat niya

*sapak!*

Ay p*ta naman. Suntok ang inabot ko sa joke ko.

"Sira! Ibigay mo yan kay Anjella!"

"Nililigawan mo si Anjella?! Bes tibo ka?? Sinusulot mo sa kin yung babaeng gusto ko?" sabi ko with a kunyaring worried expression

*sapak!*

Di na talaga ako magjojoke pag kasama ko si Yann. Ang saket eh!

"P*cha naman eh! Sumeryoso ka naman Ian Asuncion! Ikaw na nga tinutulungan eh! Tch. Makaalis na nga! Siguraduhin mong gagawin mo yan ah?" tas tumalikod na siya.

Pero bago pa man siya makalayo lumapit ako sa kanya tas binack hug ko.

"Thank you bes! Ang galing mo talaga!"

"Matitiis ba kita?" sabi niya tas kumawala na siya sa hug ko at hinawakan niya ko sa balikat.

"Good luck!"

Nginitian ko na lang siya tas yun, lumayo na siya.

Ok. This is it, pusit.

Bumalik na ko sa room at... Tadhana nga naman, si Anjella na lang ang natitira sa loob.

"Oh Ian. Di ka pa pala umuuwi?"

"Ah..oo di pa."

"Hmmm... Osige mauna na ko sayo ah?"

Pero bago pa man siya makaalis, hinawakan ko yung kamay niya ng mahinahon para mapigilan siya.

Easiest Ways To a Girl's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon