SIX: 50/50

1.6K 100 48
                                    

A/N: Helloooo readers! Thank you sooo much sa positive feedback sa first fantasy story ko, nakakataba ng pusooooo, I swear. I love you all na. HAHA ..

If my FB kayo Add me @Stellai Maknae .. or kaya punta kayo sa profile ko andun yung link, Private account ko yun for my WATTY FRIENDS only .. Thanks guyth.. Welcome to Chap.6 .. <3

--------------------

L   U   C   Y

After ng training namin ng araw na yun, hindi pa din namin nakikita si leader. Nag aalala ako sa kanila pareho ni Stella, tandang tanda ko pa kung anong itsura nila nung datnan namin sila sa training room.

Nangako ang lahat na mag kukunwari na lamang na walang alam sa kung ano man ang nakita namen doon, habang hindi  pa maayos ang lagay ni Stella para na din sa kaligtasan nya.


-----

"Bakit kumakaen pa kayo dito?" Sabi ni Alec na biglang sumulpot sa table na kinakainan namin sa cafeteria.

Gaya ng sabi ni Shey sumabay sya sa amin kahit wala si Stella, ganoon din si Riku, si Luxord naman ay mukhang pinagsasabihan ang brat nyang twin dahil sa ginawa nito kanina.

Si Layla ang tinutukoy ko, kakambal sya ni Luxord, unfortunately si Layla yung bad side sa kanila. Si Alec mahilig mag solo to at may sariling mundo, ewan ko kung paano pa sila nagiging team, kung may isa sa kanila na makasarili.

"Wag nyong sabihin sa akin na clueless kayo kung san dinala at kung ano ang ginawa mi Aedan dun sa bagong dating?" He scoffed and rolled his eyes ng makitang nagtataka kame sa pinag sasabi nya.

"Sa training room?" Shey and I looked at each other and we both asked one another.

"Shit!" Biglang tumayo si Blaze at agad na nagtatakbo palabas ng cafeteria, agad naman kameng sumunod maliban kay Alec na natili lamang na nakatayo doon.

Si Leader, ay may gift na Ice Manipulation, katulad ng Isang Fire User bukod kay Blaze na una pa lamang nyang marealize ang gift nya ay tuwang tuwa sya at alam na nya agad gamitin ito, dahil sa easy going personality nya, pero hindi naging madali para kay Leader ang magkaroon ng gift na gaya ng sa kanya, at dahil doon kaya sya ang pinagtuunan ng pansin ni Master Carlos.

Destructive ang gift ni leader, kaya naman hindi sya nagpapakita ng emosyon. Ngayon lang, ngayon lang namen sya nakitang nag react ng ganoon. Yung itsura nya kanina nung hinila si Stella palabas ng kwarto parang na iirita sya na ewan pero pinipigil nya, Mahigpit sa training si Leader, at base sa reaksyon nya kanina mukhang hindi to magiging madali para kay Stella.

---------------------------

Ng bumukas ang metal door ng training room, Natigilan kame sa pag takbo at nanglaki ang mga mata namin sa nakita.

Nasa loob ng dimension si Leader at si Stella, punong puno ng yelo ang lugar kung nasaan sila na sakop ng dimension. Pero ang pinagtataka namin ay ang mga bagay sa labas ng training dimension na hindi dapat na apektuhan, ang mga benches at mga weapons na nasa loob ng kwarto ay lumulutang sa ere ngunit wala namang may hawak doon o meron? At hindi lang namen nakikita.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon