TWENTY : AEDAN

1K 54 14
                                    


For the over-flowing votes at sa patuloy nyong pag add ng Pando Univ sa mga libraries nyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

For the over-flowing votes at sa patuloy nyong pag add ng Pando Univ sa mga libraries nyo.. WAAAAAAAAAAAAAAH!! Thank you sooo much guys. :) I Love You All..



Bayan ng Sapphiro: 2006


Napatingala ang mga tao sa biglaang pag kulimlim ng langit, puno sila ng pag tataka na ang kaninang masiglang liwanag ng araw ay napalitan ng kadiliman, nag simulang lumamig ang hangin sa paligid.

"Mga bata mag si pasok na kayo mukhang uulan" tawag ng isang matandang babae sa mga batang masayang nag lalaro sa labas ng kanilang mga tahanan.

"Pero gusto po namin mag laro sa ulan" One of the children whined

"Sa ibang araw na lamang kayo mag laro, mukhang hindi ito pangkaraniwang sama ng panahon" Tumingala ang matanda sa mga ulap na tila nag kukumpulan patungo sa iisang lugar, sa nag iisang pinaka malaking mansyon sa bayan ng Sapphiro.

"Ang mga Styx" Nasambit nito, napayakap sya sa kanyang sarili, nakaramdam ito ng kakaibang aura, isang malakas na enerhiyang ngayon nya lamang naramdaman.

"Nyebe! Umuulan ng nyebe!" Masayang nag si takbuhan pa ikot sa matanda ang mga bata, Napatingala itong muli dahil doon. "Master Aedan" Sambit nito habang nakatingin sa madilim na kalangitan, agad nyang hinawakan ang isang bata sa braso nito "Mag si uwi na kayo, hindi ito pangkaraniwang Nyebe" seryoso nitong sabi, habang nakatingin sa kanilang bayan na mabilis ng nababalot ng mga nyebeng nag mula sa langit.

Nag simulang lumabas ang mga yelo mula sa ilalim ng lupa dahan dahan itong gumagapang patungo sa ugat ng mga puno sa paligid, mabilis itong umaakyat na akala mo ay may sariling buhay, hindi nag tagal ay naging matigas na yelo na ang isa sa mga puno sa paligid, ang mga dahon at mga ibong naninirahan roon ay naging yelo din.

Lumakas pang lalo ang hangin, bawat bagay ay ginagapangan ng yelo, habang ang nyebeng mabilis na sinasakop ang kalupaan ay patuloy sa pag bagsak, "Ano pong nangyayare?" Natatakot na tanong ng bata sa matanda, "Umuwi na kayo at wag ng lumabas" Sabi nito sa mga bata at isa isang hinaplos ang mga ulo nito, tumango naman sila at isa isang nag si takbuhan pauwi sa kani-kanilang tahanan.


Styx Mansion: 2006


"Aaaaaaaaahhhh!!!"

Umalingawngaw sa buong mansion ang boses ng nag hihinagpis na bata, bawat pag sigaw nito ay nag lalabas ng malakas na enerhiyang dahilan upang walang sino man ang makalapit sa kanya.

Napapalibutan ito ng yelong sahig na tanging namumuo lamang sa pwesto nya, hawak hawak nito ang isang babaeng malaki ang pagkakahawig sa kanya, wala na itong buhay, may ilang tao din ang nakasuot ng itim ang wala na ring malay na nakahandusay sa sahig at may malalaking bloke ng yelo na nakasaksak sa bawat katawan ng mga ito.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon