NINETEEN: LIES

1.1K 51 0
                                    

Tinapik ni Damon sa balikat si Laika, bago lumingon sa amin "Lucy kakausapin ko muna sila, babalik din ako" he said apologetically, tumango naman si Lucy at ngumiti ng kaunti.

Nagsimula ng mag lakad ang apat palayo sa amin, napalingon naman ako ng maramdamang may humawak sa braso ko, "May training pa tayong na udlot kanina" sabi ni Blaze, tumango naman ako bago nag salita, "Sandali lang" inalis ko ang hawak nito sa akin bago tumakbo patungo sa apat na taong naglalakad na palayo, nakita ko pa ang pagtataka sa mga mukha ng aking mga kaibigan.

"Cess!" Sigaw ko habang hinahabol sila, lumingon naman ito sa akin at napataas ang kilay ng makitang hinahabol ko siya.
"Stella?" Takang sabi nito, narinig ito ng mga kasama nya kaya naman natigilan din sila sa paglalakad.

"Bakit mo ginawa yun?" Pabulong kong tanong sa dalaga ng maabutan ko ito, "Ginawa ang alin?" Inosente nitong tanong. "Nakita ng dalawang mata ko, you flick your finger habang nakatingin ka sa kanila at doon na nag simulang magkaroon ng apoy ang dulo ng uniform ni Sarah" pabulong pa din ngunit madiin kong pagkakasabi.

"Ano bang sinasabi mo Stella?" Napailing ito ng ulo, "May problema ba?" Lumapit na si Damon kasunod naman si Laika at Kathleen na tila nag tataka rin. "Wala to kuya akala lang ni Stella aalis na tayo ng bayan nila, humabol lang sya para mag paalam, hindi ba Stella?" Pag dadahilan ni Cess sa lalaki.

Dahil likas na matigas ang ulo ko at akala ko'y sinabi nya yun para hindi sya nito pagalitan, tinuloy ko pa din ang sinasabi ko. "Nakita ko si Cess, sya ang nag simula ng apoy, she flicked her fingers and then parang magic na biglang umapoy ang uniform ni Sarah after nyang gawin yun." Sunod sunod kong paliwang.

"Stella right?" He smiled asking my name, I nodded confused "Kung ano mang nakita mo, you should keep it to yourself" sabi nito na napakamot sa batok, "Anong ibig mong sabihin? Isasawalang bahala ko yung nakita ko? Muntik ng mapahamak ang kaibigan ko" hindi ko na napigilan at medyo lumakas ang boses ko dahil sa inis.

"Listen Stella, we are your real friends. Hindi lahat ng nakikita mo sa lugar na ito ay totoo. Sa tingin mo ano ang rason kaya ako umalis rito?" Pabulong ngunit madiin nitong sabi, "A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. "They're the liers, they're the real enemies, tingin mo ba tinuturing kang kaibigan ni Sarah? She's obsessed with Aedan, ikaw lang nag iisip na mag kaibigan kayo " Dagdag nito, Alam ko yun, siguro ay napansin ng lalaki na natigilan ako sa kanyang sinabi kaya nama ngumisi ito. "K-kung ganoon bakit ka bumalik rito?" Pag iiba ko ng sagot.

"I need to get my sister back, if you want you can come with us" Napatingin ito sa likod ko bago tumingin sa akin, "I belong here, Dito lumaki ang Papa ko kaya naman dito nya ako pinagkatiwala, hindi nya ako ipagkakatiwala kung alam nyang ikapapahamak ko" I shooked my head.

He chuckled, "okay sige, ganito na lang. Ask your leader, who killed our parents, who killed Sarah and Blaze's parents. Ask him, maybe then you'll believe me. If you really are a part of the group, panigurado naman akong wala kang alinlangang makikita sa mata nya" He gently tapped my head and smiled at me bago umalis.

"I'm sorry Stella" Sabi ni Cess bago ito sumunod sa lalaki, "See you later Stel" nakangiting sabi ni Kath, kumaway naman si Lai bago sila tuluyan ng umalis, nag lakad naman ako sa opposite na direksyon kung saan andoon nakatayo ang aking mga kaibigan.

"What was that?" Takang tanong ni Blaze, "Nagpaalam lang ako akala ko kasi aalis na sila ng bayan, hindi pa pala"

Seriously? What am I doing? Bakit ako nag sinungaling? 

Inis kong sabi sa sarili ko.

"Hindi pa sila aalis, mag bobonding pa kami ni kuya" excited na tugon sa akin ni Lucy, I smiled at her, paano ko ito sasabihin sa kaibigan ko kung ganito sya kasaya. "Itutuloy nyo ba training nyo? Sasama muna ako sa inyo" Nakangiting pagtutuloy ni Lucy, "Paano pala si Sarah?" Tanong ko habang nakatingin sa pintuan ng school building.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon