TWENTY-TWO: NO MATTER WHAT

964 38 21
                                    

A/N: So I know natagalan ako for this chapter, and it's because masyadong intense "SANA" ang chapter na ito, haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: So I know natagalan ako for this chapter, and it's because masyadong intense "SANA" ang chapter na ito, haha. I don't know kung na achieve ko ba, Please comment down what you think about this chapter, I dedicated this chapter to pegayyyysus for the edited photos above :) .. Gosh I'm sooo happy na may nakakaappreciate ng gawa ko, ganito pala ang feeling ano? nakakatouched sobra :) I love you all guys .. Thank you for staying by my side for better or for worst .. :)


------------------------


             Sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag lang ng mula sa bintana ang ilaw ay may tatlong mutants na nag uusap, "Are the preparations complete?" Tanong ng isang babae na nakatayo malapit sa isang study table nakatalikod ito sa dalawang kasamahan, "Are you sure about this?" Tanong ng lalaking may matipunong pangangatawan, "If this is the only way, then I have to do this" Tumango ang babae na hindi lumilingon sa kanila, "Should we postpone the fair?" Tanong naman ng isang babaeng nakasuot ng salamin, "No, we can't let the council know about this" Seryosong sabi ng babaeng nakatayo sa kanilang harapan, "Let's start, I can't afford to lose any of our students" Dagdag nito bago nag lakad palabas ng kwarto.


----------------------------------------


               Marahang nililipad ang buhok ni Lucy kasama ang luha na patuloy ang pag patak mula sa kanyang bilugang mga mata, nakaupo ito sa damuhan, at halos yakapin na ang kanyang tuhod, alam nyang hindi nya dapat inabandona ang mga kaibigan sa sitwasyon ngayon, ngunit hindi nya din magagawang talikuran na lamang ang kanyang kapatid, wala na ang kanilang mga magulang at si Damon na lamang ang natitira nyang ka'pamilya.

             Sa kalagitnaan ng tahimik na kapaligiran ay maririnig ang mga yabag na papalapit sa dalaga, tila nag mamadali ito "Hoy Lucy!" Puno ng inis na tawag ng taong dumating sa babaeng nakahalukipkip sa may damuhan, "What the hell did your worthless brother did to my brother?" Inis na saad nito ngunit hindi man lang gumalaw si Lucy na tila walang naririnig, "Layla, I think it's better if we just let her be" Pag pigil ng kasama nito sa kanya.

             "Let her be? Look what happened to Luxord and Alec! Sinasabi ko na nga ba puro kamalasan lamang ang dadalhin ng Stella na yan sa mundo natin!" Pag bulyaw ni Layla sa kasama, "Shut up" saad ni Lucy na hindi pa rin lumilingon, mahina iyon ngunit narinig ng dalaga "How dare you!" Nanlaki ang mata nito, she clenched her fist "I said shut up" Masama ang tingin na nilingon ni Lucy ang dalaga, nakakatakot ang tingin nito na animo ay handa ng pumatay.

            "You bitch! Hah!" Pag kasabing pagkasabi ni Layla ay awtomatikong gumalaw ang buhok nito at dumoble ang haba kaysa sa natural na haba nito, tila isang latigo ang kapal at parang lubid na pag tinamaan ka ay hindi basta bastang sugat ang iyong makukuha, ngunit hindi natinag si Lucy nakatitig pa rin ito sa dalaga as if she's burning her ashes to ashes, tumama ang buhok ni Layla sa damuhan at maririnig pa ang malalatigong buhok nito, na lalong nag pagalit sa dalaga dahil lumagpas lamang ito sa katawan ni Lucy, "Argh!" Inis na sigaw nito at mas dinoble ang bilis ng kanyang buhok, paulit ulit nyang pinag hahampas si Lucy ngunit hindi pa rin ito tinatamaan.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon