Bumaba si Blaze mula sa yelo na puno ng pag tataka, Ito ang unang beses na nagkaroon ng emosyon si Aedan after ng matagal na panahon.
'Kakaiba nga talaga si Stella'
naisip ni Blaze.
Lumapit si Aedan at iniluhod ang isang tuhod nito sa harap ng dalaga, isinuot nito ang gloves sa magkabila nyang kamay bago hinawakan ang mga kamay ng dalaga na hindi pa din nababago ang posisyon mula kanina.
"Anung ginagawa ni Aedan?" Tanung ni Blood kay Lucy.
"Shhhh" saway nito habang nakatapat ang daliri sa bibig.
Tinitigan ng binata si Stella bago tumungo at ipinikit ang mga mata nito, naalala nya ang nangyare noong huling hinawakan nya si Stella sa training room at iniingatan nyang hindi na maulit un, baka di na makaligtas ang dalaga pag nangyare yung muli.
-----
"Aedan" Narinig nya ang mahinang pagtawag ng dalaga bago ito nawalan ng malay, lumingon sya at di mapigilan ang di maawa sa lagay ng dalaga, ang mga paa at kamay nito ay ginawa nyang yelo.
"Napasobra ako" nasabi nya na lamang sa sarili, ngunit alam nyang pag hindi nya ginawa iyon ay matatagalan pa bago madiscover ng dalaga ang gift nya at hindi pwede na minamaliit na lamang sya ng mga estudyante sa university kagaya ng ginawa ni Layla sa klase nila. Hindi sya papayag na ni isa sa mga kaibigan nya ay maranasang mawalan ng kumpiyansa sa sarili.
Napabuga sya ng hangin, ilang segundo pa ay biglang gumalaw ang mga daliri sa kamay ni Stella na wala pang yelo.
Napataas ang kilay ni Aedan sa nakita, hindi na muling gumalaw ang katawan ni Stella ngunit ang mga bagay sa paligid ay nag sigalawan, umangat sila pataas, ang dimension kung na saan sila ay naging distorted, animo sirang TV na unti unting nawawala ang palabas at lumilitaw ang totoong itsura ng training room. Zigzag ang itsura nito, ang labas ay nakikita ang training room at ang kabila ay makikita ang dimension kung nasaan sila.
Napatingin sa paligid si Aedan, bago napatingin muli sa dalagang walang malay, tanging ang yelo na lamang ang sumusuporta sa katawan nito upang manatiling nakatayo.
"Stella" as if on cue bigla may tumulak kay Aedan na isang malakas na pwersa, pwersa mula kung saan na hindi nakikita, hindi ito napag handaan ng binata, sobrang lakas nito na nag patilapon sa kanya ilang metro ang layo mula sa dalaga, tumama sya sa pader ng training room, tumayo syang muli kahit masakit ang likuran na tumama sa pader, hindi nya yun ininda.
"I need to wake her up" sambit nito sa sarili ngunit nakakalimang hakbang pa lamang sya patungo sa pwesto ng dalaga ay tinamaan na naman sya ng malakas na pwersa, at sa pangalawang pagkakataon ay tumama syang muli sa pader, napakagat labi ang binata sa sakit nang impact sa tyan nito at sa likuran nya.
BINABASA MO ANG
Pandora University: School for Gifted Teens
FantasyA MUTANT is a human who possessed a genetic trait that allows them to naturally develop superhuman powers and abilities. Si Stella Lockheart.. Isa syang normal na human being for almost 17 years until her 18th birthday came .. One night in her deep...