TWELVE: A CHILDHOOD FRIEND

1.2K 58 33
                                    






"Ae!"


Kasalukuyan kameng nasa loob ng kwarto at nag uusap tungkol sa pag lalakbay namin pabalik ng University ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.


At iniluwa nito ang isang magandang babae, tingin ko ay kasing edad lamang namin ito at kasing laki lamang sya ni Lucy.


"Sasa?" sambit ni Aedan, Sa unang pag kakataon ay nakita ko ang ibang ekspresyon sa mukha nito.


Gulat, pag tataka na may halong saya.


Kasunod ng babae na pumasok si Blaze, na mukhang pagod na pagod at bored na bored ang itsura sa dame ng dala nya.


"Blaze!" Tawag ni Lucy, ni lapag naman ni Blaze ang mga pinamili sa lamesa bago halos pa talong humiga sa kamang inuupuan namen, nag bounce ng kaunti ang kama dahil sa ginawa nya.


"Bakit kasama mo yan?" Na iinis na bulong ni Lucy


"Nakita ko sya sa bayan, nag pumilit sumama para makita daw nya si Ae-ae nya" Blaze shrugged his shoulders and closed his eyes.


"Ae-ae?" Wala sa isip kong tanong habang pinapanuod si Aedan at ung babaeng kasama ni Blaze na tinawag nyang 'sasa' habang masaya silang nag uusap.


"Si Sarah, Childhood friend ni Aedan" Lucy groaned beside me


"Bakit parang inis ka sa kanya?" Tinignan ko si Lucy na nakasimangot sa tabi ko.


"Na kakainis naman kasi talaga yan, panget ugali nyan, msyadong obsess kay leader" Saad nya


"Bakit hindi ko sya nakikita sa University?" Tanong ni Blood na nakaupo sa balikat ko


"Sa Western Academy pa kasi sya nag aaral, mas matanda kame ng isa sa kanya, mas matanda naman si leader at Blaze ng dalawang taon sa kanya, Parang High school at College lang din sa mundo nyo" Paliwanag ni Lucy


"Western Academy?" Tinignan kong muli ang babae at si Aedan habang nag uusap, nakaupo na sila ngayon sa may table, kita ang side view facial features nila mula rito sa pwesto namin.


Pumapasok ang sinag ng palubog ng araw, The way na titigan sya ni Sarah, ung mga mata nyang kumikinang at mga ngiting matamis, alam ko ng may kakaiba sa pag tingin nito kay Aedan. At for the first time nakangiti si Aedan habang nag sasalita, sa unang pag kakataon nag mukha syang normal, Siguro hindi totoo ang sinabi ni Lucy na obsess si Sarah kay Aedan, tingin ko may nararamdaman din si Aedan para sa kanya, siguro kaya sya nag mukhang obsess dahil showy lang sya sa pag kakaintindihan nila.


I sighed at napayuko na lamang sa na isip, para akong sira, hindi ba dapat ay masaya ako na normal din naman pala ang leader namin? Pero bakit di un ang nararamdaman ko?

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon