SEVENTEEN: MEMORIES

968 52 6
                                    





A/N: Belated Merry Christmas and Happy New Year Everyone! 




Nakatulala at hindi makapaniwala si Stella na nakatingin sa binatang kaharap, parang hindi pa agad nag sink in sa kanya ang sinasabi nito. 

"Walang ibang nakakaalam nito, maliban kay Ms.Pandora, Sa council ng bayan ng Sapphiro, At sa aming mga kababata nya

Pag papatuloy na kwento ng binata, nakatitig lamang ito sa damuhan na kanilang inuupuan habang binabalikan ang mga alaala ng nakaraan.


"Mga kababata?" Tanong ng dalaga.

 "Oo, ako, si Lucy, si Sarah at si Damon" sagot ni Blaze. 

"Damon?" Kunot noong tanong ni Stella, ngayon nya lamang narinig ang pangalan na yun.

 "Yung kuya ni Lucy" Blaze grimaced.

 "Bakit parang hindi ka masaya na nakabalik na sya?" Takang tanong ni Stella dahil sa naging reaksyon ni Blaze sa pangalang binaggit.

 "Alam ko as a part of the team karapatan mong malaman to, kaya eto ikukwento ko sayo, mapagkakatiwalaan naman kitang kahit anong malalaman mo hindi ka magbabago di ba?" Seryosong nilingon ng binata ang dalaga.

 "Oo naman, I swear! Gusto ko lang talaga malaman kung bakit ganoon si Leader" tinaas pa nito ang kanang kamay bilang tanda na ngangako sya. 

  Napangiti naman ang binata"Na mana mo talaga yung ugali ni Prof.Carlos ano?" Saad nito.

 Napataas ang kilay ni Stella "Ugali ni dad?" Takang tanong niya.

 "Oo, yung masyadong malapit ang loob kay Aedan, dahil ba yan sa na mana mo yung kabaitan nya o may iba pa?" He eyed her suspiciously.

 "G-grabe yan Blaze! S-sabi mo nga part ako ng Team, s-syempre as a part of the team, I n-need to know!" Hinampas nito ng pabiro ang binata.

 "Eh bakit defensive ka?" Natatawa tawang sabi ni Blaze, he wiggles his eyebrows at her.

 "Oy hindi ah!" Stella crossed her arms and rolled her eyes.


 'Bakit kasi ako na uutal? Ano ba Stella?' Inis na naisip ng dalaga.


 "Alright, alright!" Napailing si Blaze habang pinipigilan ang tawa, tinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pag suko. "Eto na, listen carefully...." Dagdag nito.





B L A Z E




Tandang tanda ko pa ang araw na yun, napaka espesyal ng araw na yun para sa aming lahat.


 "Pag bilang kong sampu nakatago na kayo, isa.." Pasigaw na pag bibilang ng sampung taong gulang na si Aedan, nag simulang kumalat ang yelo sa damuhan at nag simula kameng mag takbuhan, hinawakan ko ang sapatos na suot ko at pinainit ito sapat na para hindi ako madulas sa yelong gawa nito, bago ako nag simulang tumakbo, umuusok ang bawat yelong nadadaanan ko, Amaze na Amaze ako noon habang tinitignan ang sapatos kong nag iiwan ng mainit na usok sa bawat yelong nadaraanan ko, tuwang tuwang tumatakbo ako palayo.

Pandora University: School for Gifted TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon