A/N: Sorry kung ang tagal bago ko nakapag UD, seriously piniga ko ng maigi yung utak ko dito, hahaha, and I hope magustuhan nyo tong update ko, ayokong pag antayin kayo ng matagal eh, Love you all :* Kaway Kaway sa author nyong may B-day ngayon. HAHAHA. Thank you in advance sa mga babati. hihi.. So tama na to, alam kong excited na kyo sa STEDAN. hahaha. mwuah :*Ps: STEDAN which is obviously came from STELLA and AEDAN's name, came from the genius brain ng isa sa mga anak anakan ko here in watty, Kaya naman sa kanya ko idinidedicate ang chapter na ito.
"Tao po! Master Black Smith?" Tawag ng excited na si Blaze sa loob ng bahay, walang ilaw at sobrang dilim sa loob..
Nakabukas pa ang pintuan dahil inaantay nila ang pag pasok ni Stella at Aedan na nahuli sa paglalakad, dahil lamang sa liwanag mula sa labas kaya kita nila ang loob ng bahay.
May second floor ito na may tatlong kwarto roon, madameng iba't ibang klase ng armas ang nakalagay sa mga lamesa sa ibaba, mga kausotan na nakalagay sa mga puting mannequin.
Ngunit napakatahimik ng bahay at mukhang walang tao. Nag lakad si Blaze sa loob ng bahay habang palinga linga, manghang mangha ang binata sa nakikitang mga gamit sa loob ng bahay.
"Mukhang walang tao Leader" Saad ni. Lucy sa binata na pumasok sa pintuan kasunod nito si Stella na pinuntahan ni Blood at umupo sa balikat neto, unfortunately dahil huli syang pumasok sinara nya ang pintuan not knowing na wala pa lang tao sa loob kundi sila lamang,at hindi pala alam ng mga kasama kung saan naroon ang switch ng ilaw, kaya naman dumilim sa paligid the moment na sumara ang pintuan.
"Ang dilim, nasaan na kayo di ko kayo makita" saad ni Lucy na nasa unahan ang kamay na parang bulag na kakapa kapa sa dilim
Maya maya pa ay natigilan ang lahat ng marinig nila ang tunog ng isang tila malaking metal ang palaglag na mula sa di nila malaan kung san nanggaling.
"STELLA!!" napalingon ang lahat sa likuran nila ng marinig ang sigaw ni Blood.
"Stella? Blood? Anong nangyayare leader!" Pag papanic na si Lucy
Biglang nagliwanag sa paligid, nagkaroon ng ilaw ang kanina'y madilim na lugar at bumungad sa lahat ang malaking metal cage na nakasabit sa itaas hindi kalayuan sa kanila, kung saan andoon si Stella.
"Lucy!" Sigaw ni Stella na kumapit sa mga rehas ng bakal, umuga ito sa kanyang pag galaw
"Something's not right here" kalmadong saad ni Aedan na nakatingin sa metal cage
"Trap ba to? Hindi ba ito ang bahay ng Black Smith?" Nakahanda na ang fireball ni Blaze sa mga kamay nito habang minamasid ang paligid.
"Stella, ibaba ka namen dyan okay" pag papakalma ni Lucy sa kaibigan na halatang hindi alam ang nangyayare, bakas na sa boses ni Lucy ang pagkataranta.
Tumango si Stella at pilit ngumiti sa kaibigan, upang mabawasan ang pag ka taranta nito, hindi sinasadyang na pa tingin sya sa second floor ng bahay, nanglaki ang mga mata nya ng makita ang isang anino na tila lumiko patungo sa dulo ng hallway, isang pulang button ang makikita sa dingding kung saan nanggaling ang anino, maya maya pa ay may narinig silang tunog ng tila Alarm para sa mga trespassers. Napatakip si Lucy at Stella sa Kanilang mga tenga, di nag tagal ay nawala ito ngunit hindi pa doon nag tatapos ang kakaibang bagay sa paligid nila.
BINABASA MO ANG
Pandora University: School for Gifted Teens
FantasíaA MUTANT is a human who possessed a genetic trait that allows them to naturally develop superhuman powers and abilities. Si Stella Lockheart.. Isa syang normal na human being for almost 17 years until her 18th birthday came .. One night in her deep...