"So, dito ka matutulog pansamantala," turo ko sa guest room na tutuluyan ni Damon sa bahay. Katabi lang ng room namin yung guest room kaya hindi mahirap sakin na puntahan siya paminsan minsan. Hindi ko naman kasi siya pwedeng patabihin sa kama naming dalawa, dahil alam kong maninibago siya. Kahit gusto kong katabi siya, hindi rin naman pwede, kaya kahit itong isang dingding na nasa pagitan naming dalawa, tatanggapin ko na.
Ngumiti siya sakin at pumasok na sa kwarto kaya sinundan ko na muna siya para kung sakaling meron siyang tanong, masasagot ko agad. Naupo siya agad sa dulo ng kama roon, at tiningnan ako.
"Pwede mo ba akong kwentuhan kung anong mga nangyari sa buhay ko bago ako maaksidente? I really have no idea," sabi ni Damon. I smiled and nodded. "Saan mo gustong magsimula?"
"How we met? Or what happened before the day of the accident? I'm not sure," sagot niya. I smiled a little. Kahit may amnesia, talagang si Damon pa rin ang kausap ko. I checked my watch and sighed. Tanghali na pala.
"Look, let's have some lunch downstairs, then I can start telling you what you wanna know," sabi ko. "Is that okay?"
Damon smiled sweetly, and for a moment, I thought he remembered who I really am. Pero syempre, hindi niya ako naalala.
"Sure, that's a plan then."
Pagtapos naming kumain kasama ang kambal, pinatulog ko na muna sila. The twins are nearing their first year, nine months na rin kasi silang dalawa. They've grown so big, dahil na rin kasi kumakain na sila ng food at hindi lang puro milk. Super likot na rin nila, sobra. Nakakaupo na rin sila and soon, pwede ko na silang ilagay sa walker para makapagpractice maglakad. Nae-excite ako ng sobra, sa kabila na hindi gaano ma-appreciate ni Damon ang mga pangyayari dahil na rin wala siyang alaala. Ganoon pa man, kinukuhaan ko na lang sila Tristan at Isolde ng videos and pictures palagi, para kung sakaling bumalik ang alaala ng Daddy nila, eh meron siyang makikitang evidences ng paglaki ng kambal, diba?
Naghihintay si Damon sa pinto ng kwarto ng kambal, at inaya ko na siyang lumabas papunta sa garden para magkwento. I maintain a short distance at him, ayokong mailang siya na sobrang lapit ko. Even though ang hirap niyang distansyahan, ginagawa ko.
Naupo na kami roon, dinalhan pa kami ni Manang Beth ng juice, kaya nagpasalamat na rin ako.
"So, saan mo gustong magsimula?" tanong ko kay Damon pagka-alis ni Manang.
"Relevant people in my life," sagot niya. I nodded and took out my phone, went to the gallery and started looking for some photos online and in my gallery.
"This is your Mom and Dad," sabi ko habang pinapakita ko yung picture ng parents niya. "Your family is one of the richest families here in our country. May-ari kayo ng Henry Enterprises, group of companies yon." I swiped to the left so he can see the next photo. "Ito, ikaw 'to, kasi ikaw yung CEO ng company. You're Damon Henry."
"But I have a sibling, right? That Mitchie girl from the hospital? Bakit hindi siya yung CEO?" tanong ni Damon. I nodded, then went to my phone's gallery and showed her a picture of us with Mitchie and his brother, Anthony.
"Mitchie is a model, while Anthony, your brother, is an architect. Both of them are not into business, unlike you," kwento ko. "You're the eldest, Anthony's the middle and Mitchie's the youngest."
Damon nodded. "So, sino pa ang dapat kong makilala?"
"My brothers, Bryle and Stephen," pinakitaan ko rin siya ng pictures nila Kuya. "Kuya Bryle is a doctor in London and he's engaged to Ate Marceline, Marcy, for short. Kuya Stephen manages our own company, and he's one of your friends from college. You played football together."
BINABASA MO ANG
Until Love Fades
RomanceUntil Love Fades is the second book of His Naughty Proposal. Copyright g_imnida 2013 Every story has its own happy ending. I can say that we achieved it together, with our kids. I regret nothing about everything we've done together. But what if... s...