"Love, malapit na daw sila Mom. Pakibaba na ung gamit ng mga bata." Sabi ko kay Damon. Lumabas naman siya mula sa banyo. Maliligo na dapat kasi siya kaso ito nga at tinawag ko kaya lumabas na naka-towel lang ang asawa ko. Hmmp. Nang-aakit lang? Haha.
Ngumiti naman siya sakin at lumapit para dampian ako ng halik sa labi. "Yes, ma'am." Pabiro ko naman siyang kinurot sa beywang. "Ikaw talaga. Magbihis ka nga muna, inaakit mo na naman ako. Baka kung ano pa magawa ko sa'yo."
Lumapit naman siya tapos hinapit ang beywang ko palapit sa kanya. Syempre, nakisali na rin ako sa paandar nitong asawa ko kaya ipinulupot ko naman ang braso ko sa leeg niya. "Really? Umeepekto pa ang seduction ko?" tanong niya. I playfully bit my lip then nodded slowly.
Naramdaman ko naman ung kamay niya na dahan-dahang bumababa mula sa beywang ko papunta sa baba... pero bago pa siya umabot doon, nakarinig kami ng busina ng sasakyan mula sa labas. Napabitaw tuloy si Damon at bumuntong hininga. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya tapos tumawa. "Bagal mo kasi gumalaw, ayan tuloy, naunahan ka. Hahaha."
Tumalikod na ako sa kanya at nagpatuloy mag-ayos ng gamit na dadalhin namin mamaya sa flight namin for our honeymoon to Paris. Napatili naman ako ng biglang pinisil ng bahagya ni Damon ung pwet ko. Loko 'to!
"We'll continue this. In Paris." Rinig kong sabi niya mula sa likod ko saka umalis na para magbihis. Di ko mapigilang mapangiti. Kahit ganito na rin kami katagal, hindi pa rin 'to nagsasawa si Damon. Haha. Pagkabihis niya, dumerecho na siya sa kwarto ng kambal tapos siguro binaba na niya ung mga gamit. Narinig ko na din kasing tumatawag si Mom mula sa baba. Nainip siguro. Haha.
Pagtapos ko mag-ayos, bumaba na din ako. Yung inayos ko lang naman ay ung passports and plane tickets namin ni Damon pati visa. Nilagay ko na doon sa sling bag na dala ko na laman din ung mga importante naming gamit tulad ng pocket money, wallets, tapos camera at shades namin ni Damon. Yehee.
"Hi, Mom! Hi, Dad!" bati ko sa parents ni Damon. Nakipagbeso ako sa kanila. Nasa baba na rin ung kambal, nakalagay lang sila sa baby seats. Nakahanda na rin si Manang—si Beth—ng gamit niya na dadalhin din kila Mommy. Isang linggo silang magstay dun kasi isang linggo kami ni Damon sa Paris. Mukha lang maikli ung one week para samin pero saktong sakto na 'yun samin. Haha.
"Okay na ba ang gamit niyo? All set?" tanong ni Daddy. Tumango naman ako. Binuhat na nila ang kambal habang tumulong naman kami magdala ng gamit, stroller at baby seats sa kotse. Bago sila pumasok, nagpaalam muna kami sa kambal. Buti nga hindi sila umiyak e. Okay naman yung ganun kasi at least marunong na sila, kaso syempre nakakamiss din ang kambal! :">
**
"Flight FR201 passengers, please board the plane." rinig kong announcement sa loob ng airport. Tumayo na kami ni Damon at hinila na ang maleta namin para magboard na. May mga photographers nga dito na kumukuha ng pictures naming dalawa. Syempre nabalitaan nila ung kasal, kaya alam na nila na honeymoon namin ito. Hinahayaan lang naman namin sila kasi di naman nila kami ginugulo sa ngayon. Haha.
Hindi naman kami nahirapan na hanapin ung seat namin sa airplane kasi naka-first class kami—demand kasi ni husband 'yon. Haha. Matagal din kasi ang byahe so napagpasyahan ko na matulog muna, tutal gabi ang departure namin. Sana may energy pa ko para bukas at hindi ako ma-jetlag. XD
"Tutulog muna ko ha." Sabi ko kay Damon. Tumango naman siya at ngumiti. Hinilig ni Damon ang ulo ko papunta sa balikat niya tapos hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko saka bumulong. "I love you. Good night."
BINABASA MO ANG
Until Love Fades
RomanceUntil Love Fades is the second book of His Naughty Proposal. Copyright g_imnida 2013 Every story has its own happy ending. I can say that we achieved it together, with our kids. I regret nothing about everything we've done together. But what if... s...