18 - Dying inside.

5.1K 130 24
                                    

It has been three months since Damon's accident. Wala pa rin siyang naalala until now. Mamamatay na ata ako sa kakahintay na bumalik yung memories niya. I've done everything to help him remember. Dinala ko na siya sa mga lugar na pinuntahan namin dito sa Pilipinas. Kinwento ko na lahat ng meron sa amin. Pero wala pa ring nangyayari. All I can do is wait.

Ngayon ay araw ng check up ni Damon sa doctor. Hindi na namin sinama ang kambal sa hospital dahil baka mahawa lang sila ng sakit o ano. Bilang mga bata pa, madali silang mahawaan ng sakit kaya nag-iingat lamang din ako. At saka gusto ko rin na sa bahay muna sila, nasasanay na kasi yung kambal sa lakwatsa. Syempre, di ko naman sila pwedeng iwan basta basta nung mga panahon na pinuntahan namin ni Damon yung mga lugar na pinasyalan namin.

Mag-one year old na rin sila next month kaya todo prepare na ako para sa birthday nilang dalawa. Gagawin lang naman yung birthday sa bahay tapos carnival yung theme ng birthday nila. I already bought their outfits for their birthday. Yung souvenir naman eh si Mitchie yung nag-isip. Yung bucket ng popcorn, lalagyan ng mga towel, soap and perfume sa loob. Sponsor na rin ni Mitchie yung mga nakalagay sa loob, all from Victoria's Secret dahil nakakuha siya ng modeling contract sa VS. I was very happy when she announced it to us. I really love Victoria's Secret. Natuwa rin si Damon nang malaman niya ang balitang yon. Even though he's rebuilding his relationship with Mitchie, I know that he's trying hard.

On the other hand, Damon is slowly reconnecting with Henry Enterprises. Everyday, pumapasok na ulit siya as the CEO, though his secretary, Harold, is still guiding him together with my help. Paminsan minsan, andoon din ang Daddy ni Damon para tumulong at magguide. Of course, he might have lost his memory but not his skills, natuto kaagad si Damon. Still, we're guiding him dahil may mga pagkakataon na hindi siya familiar sa investors or business partners.

There was an instance na bumisita si Mr. Reinaldo Ambrosio, a Portuguese business partner, sa office ni Damon. Medyo naprovoke si Damon dahil basta na lang pumasok si Mr. Ambrosio sa office niya. Si Mr. Ambrosio kasi, sanay na siyang pumasok na lang sa office ni Damon dahil matagal na silang magbusiness partners. Isa ito sa mga unang business partners nila. Medyo naprovoke rin si Mr. Ambrosio dahil hindi ata siya na-inform na naaksidente ang asawa ko. Buti na lang, Daddy came in and explained what happened. Naintindihan naman ito ni Mr. Ambrosio at nagsorry din naman agad si Damon sa nangyari.

"Mr. Henry? You can come in to Dr. Romero's office," sabi ng nurse. Tumayo na kami ni Damon at pumasok sa office. I still maintain a distance with him. Ayokong mabigla siya sa pagiging comfortable ko sa kanya.

"Are you nervous?" Tanong ko. He looked at me and smiled slightly. "A little."

I touched his right arm and smiled back. "It's going to be okay."

Umupo agad kami sa designated chairs ng pasyente sa tapat ng table ng doctor. Dr. Miguel Romero is one of the best neurosurgeons in the country. Siya rin ang nag-asikaso simula pa nung naaksidente si Damon. Although he's one of the best, minsan nagdadoubt na rin ako dahil parang wala namang nangyayaring progress. Anyway, dala lang din siguro yon ng pressure na wala pa ring maalala si Damon. I know everything's gonna be okay.

"Good morning, Mr. and Mrs. Henry. Kamusta?" Tanong niya.

"We're doing fine, Doc. Still no progress with Damon's memory, though," sabi ko. Tumango tango ito.

"How about you, Mr. Henry?" sunod na tanong nito.

"I'm fine, actually. I'm already catching up with life, especially work. But then, as my wife said, still no progress in here," sagot ni Damon at tinuro ang sentido niya. I kept myself from sighing. I know, nahihirapan siya. Kung nahihirapan kaming family niya, what more pa kaya siya diba?

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon