13 - Problem.

5.3K 152 21
                                    

Lumipas ang tatlong araw na pamamalagi namin ni Jenny sa New York. Pauwi na kami ng Pilipinas, sa wakas. Nag-aalala na kasi ako.

Sa tatlong araw na nasa NY kami, ni hindi man lang nagtext o tumawag si Damon. Hindi ko naman alam kung anong nangyari dahil wala na kong oras para mag-internet. Kinakabahan ako. Ano kayang nangyari? Sana mabuti lang si Damon. Ni mga tawag o text ko nga, hindi sinasagot.

"Please fasten your seatbelts." Sabi ng piloto sa intercom. Kahit paano nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman, nasa Pilipinas na kami. Pagkalapag, hindi na ako nag-atubili na asikasuhin ang mga airport necessities at lumarga na kasama si Jenny. Sinama ko na muna siya sa bahay para doon makapahinga. Taga-Rizal pa kasi siya, matagal ang byahe.

Nangangamba akong pumasok ng mansyon. Wala doon ang kotse ni Damon. Baka nasa trabaho ito. Pumasok na kami at baka sakaling andito ang kambal at si Manang, pero wala. Asan kaya sila?

"Madam, mukhang wala ung pamilya mo." Sabi ni Jenny na nasa likod ko.

"Onga e. Naku, tatawagan ko na maya-maya si Damon o ang Mommy." Sabi ko. "Magpahinga ka na sa guestroom. Feel at home. May food dyan sa ref for sure. Doon lang ako sa office." Tumango si Jenny at umakyat na. Alam na niya ang pasikot sikot sa bahay dahil inilibot ko siya rito.

I went to the office. Maayos ang itsura nito. Halos parang hindi ito nagamit.

Sinubukan ko muling tawagan si Damon, pero cannot be reach na naman ito. Baka busy siya. Tinawagan ko ang Mommy para tanungin kung nasa kanila ang kambal.

"Hi, Mom!" Bati ko sa kabilang linya.

"S-Serena? Anak?" Nauutal nitong sabi. Nagtaka ako.

"Ma? May problema ba? Andyan ba sayo ang mga anak ko? Wala kasi rito si Damon, kakarating ko lang galing New York." Sabi ko. I heard my Mom took a couple of breaths before answering.

"Your kids are here." Matipid na sagot niya.

"Ma, tapatin niyo nga po ako. Ilang araw na akong kabado. Ano po bang problema?" Pagpupumilit ko.

"Honey, hindi ka ba nanuod ng balita man lang o nagbrowse ng balita sa internet nung nasa Amerika ka?" Tanong ni Mommy. Umiling pa ako na tila ba'y kaharap ko lang siya.

"Hindi. Wala akong time para doon. Ano po ba kasi ang meron?" Sagot ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Jenny na naluluha. Lumapit ito sakin.

"S-Serena..." bulong nito. Sumenyas ako kay Jenny na sandali lang. Napapikit ito ng mariin pero tumango.

"Si Damon..." rinig kong sabi ni Mommy. Mas lalo akong kinabahan. I felt my heartbeat rising, my knees weaking. Mabilis akong naupo sa upuan sa tapat ng desk.

"Ma! Sabihin mo na kasi! Anong nangyari sa asawa ko?! Ba't pati si Jenny dito, umiiyak?! Ako na lang ang hindi nakakaalam!" I said in a high pitched voice. Naluluha na rin ako at nababasag ang boses. Ano ba ang nangyari?

"He's in a coma." Biglang sabi ni Mommy sa kabilang linya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Nakita kong naiyak na lang si Jenny nang makita akong lumuha.

"C-Coma? P-Paano? Kelan?!" Sunud-sunod kong tanong.

"Serena, dear, calm down." Sabi ni Mommy. "Pagkagaling niya sa airport nung hinatid ka, his car got in the middle of a bus and a truck."

Napahagulgol na lang ako sa balita. Hindi ko na ininda ang sakit na unti-unting bumabalot sa katauhan ko.

"Saang hospital siya naka-confine? Maayos na ba ang lagay niya?" Tanong ko. Nagmadali akong lumabas ng office at kinuha ang shoulder bag ko. Sumunod naman sa akin si Jenny.

"Nasa St. Luke's siya, BGC. I can't say if he's really fine, honey..." sabi niya. Naluluha na naman ako pero pinilit kong huwag na munang umiyak. Kailangan kong magpakatatag para sa asawa ko, sa mga anak ko.

"Alright, Mom. Pupunta na kami doon ni Jenny. Can I meet you and my kids there? Please." Pagmamakaawa ko. Ang mga anak ko na lang ang tanging pinanghahawakan ko.

"Sige, anak. But please, mag-ingat kayo." Paalam ng Mommy at binaba na nito ang tawag.

Humarap ako kay Jenny, niyakap ito at doon humagulgol. Niyakap kaagad ako ni Jenny at laking pasasalamat ko na may kaibigan akong masasandalan.

"Magiging maayos din ang lahat, Serena." Pag-assure ni Jenmy sakin. Kahit hindi ako sigurado sa sinabi niya, pinanghawakan ko na lang ito. Sana nga. Sana nga maging maayos ito.

**

"He has seven broken ribs, some torn muscle tissues and a lot of bruises. Naapektuhan din ang ulo niya dahil nabagok ito sa bintana. Malakas ang impact ng aksidente, Mrs. Henry." Paliwanag ng doktor. "We can only hope for the best and not for the worst. Tanging dasal na lang ang aasahan natin dito. Nagamot na namin ang lahat sa kanya, pero kung hindi magfu-fully function ang brain niya, hindi siya magigising."

Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahang lumabas mula sa mata ko. "Doc, matagal pa ba bago siya magising?"

"Hindi natin alam, Mrs. Henry. Ngayon, hindi na umaasa ang asawa mo sa gamot o kahit anong makina. Ang ulo niya ang kailangang maghilom."

Naiintindihan ko ang ibig sabihin ng doktor. Nasa 50/50 stage si Damon, pero alam kong ayaw niya itong aminin dahil makakasama ng loob ko.

"May chance bang... magka-amnesia ang asawa ko, Doc?" Tinanong ko na ang tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko.

The doctor sighed. "Unfortunately, Mrs. Henry, malaki ang chance na magka-amnesia ang asawa mo. Malakas ang impact ng aksidente sa ulo niya."

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. "Thank you, Doc." Umalis na rin ang doktor pagtapos niyang magpasalamat. Naupo ako sa hospital chair. Parang kailan lang at nagtanong kami ni Damon sa isa't isa tungkol sa ganitong sitwasyon na napanuod namin sa The Vow. Ano bang nagawa ko o ng asawa ko at kami ang binagsakan ng ganitong problema?

"Anak..." rinig kong tawag ni Mommy sakin. Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. Andito na siya, si Daddy, ang mga magulang ni Damon, si Manang at ang kambal ko. Wala na akong ganang kumilos kaya sila na ang kusang lumapit. Agad kong niyakap ang dalawa kong anak. They are my rock. Para sa kanila, kahit mahirap, magpapakatatag ako. Kahit masakit.

"Nasaan na po ang mga nakabunggo sa kotse ni Damon?" Mahinang tanong ko.

"The bus driver is in jail, anak. Hindi siya gaanong napuruhan dahil nasa harap ang bus. The truck driver, however... is dead." Sabi ni Dad. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na rin masisisi ang kahit sino sa kanila. Kung tutuusin, swerte pa ako dahil andito pa si Damon sakin.

"Anong sabi ng Doctor?" Tanong ni Mommy. Inupo ko ang kambal sa kandungan ko at hinalikan ang tuktok ng ulo nila. Hindi ko napigilang lumuha para sa mga anak namin ni Damon. Wala silang alam sa kung anong nangyari sa Daddy nila.

"M-Malaki ang posibilidad na magka-amnesia siya..." sagot ko. Napasinghap sila sa narinig. Narinig ko pang umimpit ng hagulgol ang Mommy ni Damon.

Wala ng nagsalita pagtapos kong sabihin yon. Hinagod na lang ni Mommy ang likod ko habang umiiyak ako. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan 'to. Oo, hinihiling ko ng sobra na gumaling si Damon. Pero paggising niya... kilala pa kaya niya ako?

**

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon