2 - We Can't Stop!

10.5K 165 12
                                    

"All set?" tanong ni Damon sa akin. Paalis na kasi kami ng bahay papuntang simbahan para sa binyag ng kambal. Tiningnan ko ang mga gamit na dala namin saka tumango, tapos humarurot na ang Rover. Ganun pa rin ang pwesto namin, nasa backseat kami ng kambal tapos nasa passenger seat si Beth. Dito lang din kasi sa Tagaytay magpapabinyag ang kambal. Binihisan ko pa sila ng todo para maging bongga sila mamaya. Naka-white polo shirt at white denim shorts si Tristan tapos may suot na sailor hat tapos naka-white dress na lace si Isolde tapos may suot na blue ribbon headband.



"Hon, anong oras daw dadating sila Mommy?" tanong ko, pertaining to his parents. Sila Mommy ko kasi, naandun na. Pati ang mga kaibigan namin, mga kuya ko at si Mitchie. Si Anthony at Mom and Dad na lang ang wala pa dun ayon sa last update sa'kin ni Mitchie 30minutes ago.



I saw Damon looked at me quickly through the windshield and answered. "Kakarating lang nila doon kanina, nung paalis na tayo ng bahay."

Napangiti naman ako, eh kami na lang pala ang wala pa. 10AM ang start ng binyag, quarter to 10 na. Haha. Di naman kami male-late kasi madali lang ang byahe, pero syempre nakakahiya sa mga aattend. Ang kambal kasi, ewan ko ba, feeling ko alam nila na bibinyagan sila ngayon kaya sobrang bibbo nila, ang hirap nila bihisan at pakalmahin kanina! XD well, kapag kinakausap naman namin sila, kahit alam namin na di nila kami naiintindihan, nababanggit namin na bibinyagan na nga sila. Siguro nakakutob ung kambal. Ewan! :)))



"Naku, sana hindi tayo ma-late." Sabi ko. "Ang mga anak ko kasi, excited masyado!" dagdag ko sabay halik sa mga pisngi nila Tristan at Isolde na humagikgik naman sa tawa matapos kong halikan.



Tumawa naman ng mahina si Damon habang tumingin naman samin sa likod si Beth, na nilalaro ang paa ng dalawa. Yung kambal naman, grabe kung maka-react, sipa ng sipa. Hahaha. Naku! "Well, at least they are not crying. Mahirap na, alam mo 'yang dalawa, mahirap patahanin kapag umiyak."



Ako naman ang natawa. Oo nga, ang hirap patahanin ng dalawa. Tapos nakakatense rin kapag sabay na silang humahagulgol! Di ko na alam kung sino uunahin ko. Hindi naman sila nagpapatahan kay Beth, namimili pa ang kambal. Tsk. Kung hindi lang sila cute, naku! Paniguradong naggive up na si Beth. Haha.



"Hay, I know. Kung gaano kahirap pakalmahin, ganun din kahirap patahanin. Naaawa na nga ako kay Beth, hindi siya pinapansin ng kambal. Ayaw talaga magpatahan!" sabi ko. Humagikgik naman sa tawa si Beth. "Naku, onga. Ginawa akong hangin ng mga ito, di ako pinapansin." Sabi naman ni Beth. Nagtawanan naman kaming lahat.



"Don't worry, Beth. Kapag lumaki na 'tong kambal, hahanap hanapin ka rin nila." Pag-assure ko kay Beth. Nagtawanan na naman ulit kami, hanggang sa dumating na kami sa simbahan. Nagpark muna si Damon saka kami lumabas. Dala ni Beth ung baby bag habang karga ko si Tristan, karga ni Damon si Isolde. Ni-lock muna ni Damon ang Rover saka kami pumasok sa loob ng simbahan kung saan nakita namin ang mga pamilyar na mukha.



Sila Mommy, parents ni Damon, Kuya Bryle at Kuya Stephen, Mitchie and Anthony na kasama ang asawa niya at 8-year old son Greg, ang XOXO, si Grey at Blanche—na two months pregnant na at ikakasal kay Grey in three months, si Penny, Drew—ang kanyang asawa at Krizia—ang anak nilang 4 years old, si Jenny—na secretary ko na, si Harold—na secretary ni Damon at si Alex—ang chauffeur ni Damon na bihira na lang namin kailanganin dahil mas gusto ni Damon na siya na ang nag-aasikaso ng lahat. Overprotective father, I know.



Saktong 10AM kami nagsimula ng binyag. Ang mga major sponsors na nilagay namin ni Damon sa papel ay si Grey at Blanche tapos si Kuya Bryle at Ate Marcy. Bawal kasi ung madami ang ilalagay eh, pero madami talagang ninang at ninong. Major lang talaga ung mga pangalang nabanggit.





Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon