"Serena, kumain ka na?" Tanong sakin ni Mitchie, ang bunsong kapatid ni Damon. Napauwi siya galing London dahil sa nangyari.
Umiling ako. Halos wala na akong ganang kumain, kumilos, bumangon. Hindi na rin ako agad nagsasalita. Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon. Unti-unting pinapatay ng emosyon ang sarili ko.
"You should eat. Nangangayayat ka na." Sabi niya. "You need to be strong, Serena. Para kay Damon. Para kay Tristan and Isolde."
I fought back my tears and sighed. "Nawawalan na ako ng gana." Isang linggo na ang lumipas. Hindi pa rin gising si Damon. Tinanggal na ang mga machines na nakakabit sa kanya, pero di pa rin siya gising. Gusto ko na siyang kuyugin para gumising na.
Niyakap ako ni Mitchie. "Oh, Serena..."
Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa nagpaparamdam. Lumuhod si Mitchie sa harap ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Bakit ba ang tagal niya gumising? Alam ba niya na ang tagal na nating naghihintay dito?!" Hagulgol ko. "Hindi naman niya gusto na late gumising pero ngayon, over time na siya sa pagtulog! Ang tagal tagal niya gumising! Nahihirapan na ako dito oh! Mamamatay na ako kahihintay! Baka mauna pa akong mamatay sa kanya! Damon naman eh!"
Mitchie smiled in sympathy. Hinagod ng kamay niya ang likod ko at pinunasan ang mga luha ko. "Serena, hindi ko maipapangako na magiging okay ang lahat pagkagising ni Kuya. Pero wag kang mawalan ng pag-asa. Gigising din siya. Makakatikim siya ng bulyaw sakin kapag di siya gumising."
Bumuntong hininga ako at natawa ng mahina. "I hope so, Mitchie. I really hope so."
Pareho kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Manang Beth kasama ang kambal. I smiled softly.
"Oh, manang, dapat umuwi na ho kayo." Sabi ko sabay punas ng mga natitirang luha sa pisngi. Inabot ko si Tristan at kinuha naman ni Mitchie si Isolde.
"Ay naku, hindi kami uuwi kung hindi ka kasama, Serena. Kailangan mo ng pahinga." Sabi ni Manang sakin. Umiling ako.
"Hindi ko pwedeng iwan si Damon dito, manang. Baka gumising siya ng wala ako." Katwiran ko. "Hindi na nga niya ako maalala, tapos wala pa ako rito..."
"Umuwi ka na muna, Serena. For you and the twins' sake." Singit ni Mitchie. I looked at her, Manang and then at my kids. Sabagay, may punto sila. I sighed and nodded. Ngumiti ng malaki si Manang at Mitchie. "Osha, tara na't dapat matulog na ang kambal."
Nagligpit na muna ako ng mga gamit ko. Dito na kasi ako halos tumira. Pero tama siguro sila Manang, kailangan ko ring umuwi at magpahinga ng maayos. Bago ako umalis, lumapit muna ako kay Damon.
"I love you so much. Uuwi lang ako, para sa mga bata." I said softly then kissed his forehead. "Sana pagbalik ko, gising ka na."
Si Mitchie ang naiwan bilang bantay kay Damon habang umuwi kami ni Manang. As soon as we arrived home, hinatid namin agad ang kambal sa kwarto nila. Mahimbing na silang natutulog kaya hindi na kami nahirapan ni Manang sa pag-asikaso. Bumaba kami, at nakitang naghihintay si Mommy sakin. I saw sympathy in her gaze, and I softly smiled.
"Hi, mommy. Thank you for letting us stay here muna." Bati ko at nakipagbeso.
"This is still your home, Serena. Besides, we want to look after you and the twins." Sabi niya. "Have you eaten?" Umiling ako. Well, nakakain ako but not a proper meal. Diba nga, wala akong gana.
"Tara, kumain ka na muna bago ka magpahinga." Aya ni Mommy, na hindi ko magawang tanggihan. Pinaupo niya na ako at naghain na siya. Hindi ako makatanggi dahil siya mismo ung naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Mom, wala akong gana..." sabi ko.
"No. Kailangan mong kumain, anak. Nangangayayat ka na." I sighed then nodded. Anyway, masarap naman yung pagkain.
I started eating, at doon ko lang naramdaman ang gutom na matagal ko nang iniinda. Hindi ako nagtagal sa pagkain kaya nakapagpahinga na rin ako agad. I stayed in my old room, and prayed for Damon's fast recovery. Alam kong mahirap ang kalagayan ni Damon, kaya ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat.
**
I woke up, suddenly feeling at ease. Totoo nga na kulang ako sa tulog. I checked the clock: 2PM. Wala na sigurong nagtangka na gisingin ako dahil mahimbing akong natutulog. Okay lang, kasi maginhawa sa pakiramdam.
Nagmadali na akong kumilos para makapunta kaagad ng hospital. Kumuha ako ng mga bago kong damit at ung mga toiletries. Naligo na rin ako. Immediately, I went downstairs to eat. Gutom na rin ako.
Pagdating ko ng kitchen, andun ang kambal sa high chair nila habang pinapakain ni Manang. I kissed both of their foreheads and caressed their cheeks. Hay, lumalaki na ang mga anak namin ni Damon.
"O, kumain ka na at sabayan mo kami." Sabi ni Manang na malugod kong sinunod. Gutom na rin ako. Naupo ako sa tabi ni Tristan at nagsimula ng kumain.
Tiningnan ko ang kambal matapos naming kumain. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Kawawa naman ang mga anak ko. Kay bata bata pa, naka-experience na ng hindi magandang pangyayari sa buhay. Hay, Damon, nami-miss ka na namin ng mga anak mo.
Si manang na ang nagligpit ng mga hugasan at hinanda ang stroller ng mga bata. Kinarga ko na ang kambal at nilagay sila doon saka kami lumabas patungo sa garden. Mamaya na lang siguro ako pupunta ng hospital. Kailangan ko rin siguro ng pahinga. Panigurado kung andito si Damon, sinermunan na ako nun.
Naupo ako sa bench at hinarap ko ang stroller ng kambal sa akin. Nilaro laro ko ang mga kamay nila kaya napapangiti ang kambal. Kahit pilitin ko man, hindi ko maalis sa ngiti ko ang lungkot na nararamdaman ko. Ano ba ang ginawa ko, bakit ako ung nakaranas nito? Siguro totoo nga ung sabi nila, kapag sobrang saya mo na, biglang magkakaroon ng bagay na titigil sa kasiyahan mo. Ito na nga yon.
Nagulat ako nang may bigla akong nakarinig ng nabasag na baso. Maya maya, humahangos na dumating si Mommy sa amin sa garden, hawak hawak ang telepono. Napatayo ako sa kaba.
"Damon." Sabi ni Mommy. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Anong nangyari, Ma?" Tanong ko. Nagulat ako at napaupo na lamang bigla, nang bigkasin na ni Mommy ang dalawang salita na hinihintay ko simula nung araw na dumating ako rito sa Pilipinas.
"He's awake."
**
BINABASA MO ANG
Until Love Fades
RomansaUntil Love Fades is the second book of His Naughty Proposal. Copyright g_imnida 2013 Every story has its own happy ending. I can say that we achieved it together, with our kids. I regret nothing about everything we've done together. But what if... s...