20 - Birthday.

2.7K 75 29
                                    

"Handa na ba ang mga pagkain? Yung banner, baka nalaglag na? Kumpleto na ba yung utensils?" Aligaga kong tanong sa mga tumutulong sakin ngayon sa pagset up ng birthday party ng kambal.

Yeah, first birthday of the twins. Parang kailan lang, ano? Ang dami nang nangyari. Nakakalokang isipin.

"S, calm your tits. Okay na ang lahat, ayos na ang lahat! Paganda ka lang dyan," sabi sakin ni K. I just laughed at her.

"Kapag ikaw nagka-anak, mararanasan mo rin ito!" Sabi ko sa kanya.

She just rolled her eyes. "Oh, c'mon. Wala akong love life, kaya I won't get pregnant anytime soon!"

Tumawa na lang ako at nagpaalam muna saglit na magbibihis na ako. In thirty minutes kasi, magsisimula na yung party. Si K ang host. Syempre, kumpleto na naman ang barkada ko. Perfect attendance rin ang relatives namin ni Damon. Nakakatuwa isipin na dahil sa kambal eh parang nagkaroon ng mini reunion.

I took my clothes off and pulled the dress from my wardrobe. Pastel pink ang kulay nito, medyo boho yung style para in sa theme na carnival.

As I was about to put the dress, the door opened, emerging my husband, Damon.

"Hey, Serena. They are--"

Naputol ang sasabihin nito dahil sa nakita niya. Eh kasi naman, naka-bra at panties lang ako kasi magbibihis nga ako! My left hand was holding the dress while my right hand is placed on my chest.

"Uhm..."

"Uhmmm... I'll-- I'll wait for you outside. Sorry," sabi nito saka nagmadaling lumabas ng kwarto at sinara ang pinto. Hindi pa nga makatingin ng derecho sakin si Damon.

Natawa na lang ako pagkasara niya ng pinto. Hay, imagine kung gaano kalaki yung difference kung walang amnesia si Damon. We would be in bed in three second tops.

Nagbihis na ako at nagsuot ng white sandals. Naglagay lang din ako ng light make up para mas presentable ako tignan, syempre birthday ito ng kambal namin.

Paglabas ko ng pinto, nagulat ako nang makitang andoon pa rin si Damon, naghihintay. Naglakad ako papunta sa kanya na nagdulot para mapatingin siya sa akin.

"Uhm... You look beautiful," sabi niya. "Sorry ulit sa nangyari kanina. Di ko kasi alam na..."

I laughed and waved him off. "Thank you, and no need to be sorry. Ayos lang yun. Sanay na akong nagwo-walk in si Damon sa kwarto kahit nagbibihis ako."

Ngumiti na lang si Damon ng tipid. "By the way, andyan na yung cake?" Tanong ko. Nagpresenta kasi siya nung nakaraan na siya yung magpoprovide ng cake, para may maitulong naman daw siya.

I only gave him the theme, siya na bahala kung anong gagawin sa cake. We both agreed na surprise niya yun sa kambal na grabeng kulit at ganda at gwapo!

"Yes! I am excited to show the cake later, Serena," sabi niya. He was grinning from ear to ear. Mukhang nasiyahan naman siya sa ginawa niyang contribution.

"That's good. O paano, tara na? Magsisimula na rin eh," I told him. Ngayon ko lang naisipan na tignan yung outfit niya, and damn, he is still hot as fuck.

Damon is wearing a white polo from Lacoste, dark jeans and topsiders. Eh bat ang gwapo niya?! Nakakainis! I would love to jump on him and kiss him. Pero syempre di ko pwede gawin yun kaya tinitigan ko na lang siya.

"Done sightseeing?" Damon suddenly said. Walanghiya! Nahuli ako! I can feel that I am as red as a tomato. Serena, hindi ka marunong magpasimple kahit kailan!

"Uhh... tara na?" Sabi ko na lang at tumalikod na para maglakad. Narinig ko naman si Damon na tumawa ng mahina sa likod ko habang nakasunod sa akin. Nako talaga, still the same man as ever.

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon