5 - I Won't Give Up.

8.2K 154 11
                                    

After the wedding, dumerecho na kaming lahat sa reception. Mahaba din ang byahe kasi sa Tagaytay ung reception pero okay lang. Gusto ko sanang dumaan muna kami ni Damon sa bahay para makapagpalit kami ng mas kumportableng damit kaso ayaw niya. Para daw mas ma-enjoy niya ang pagtanggal ng gown ko mamaya. Aysus.



Mga 2hours ding nagdrive ung driver ng bridal car mula Intramuros hanggang Tagaytay. Buti nga at hindi siya nagrereklamo. Haha. Pagdating namin sa reception, madami na ring tao ang nasa loob. Bago pa kami bumaba ng bridal car, sinabihan ko ung driver na makikain na rin siya sa'min tutal alam namin na pagod na rin siya. Tumango naman ung driver at nagsabi na ipa-park lang daw niya ung kotse.



Nagpalakpakan ang lahat nung bumaba na kami ni Damon at sabay na naglakad papunta sa mismong stage ng reception area ng magkahawak ang kamay. Pagdating namin doon, tumigil kaagad ang tugtugan at daldalan ng mga bisita tapos lahat na ng attention nila, napunta samin. Inabutan kami ni K, na host rin ng reception, ng dalawang mic para tig-isa kami ni Damon. Ngumiti muna kami ni Damon bago nagsalita si Damon.



"First of all, we want to thank you all for attending our wedding and reception!" sabi ni Damon. "My wife and I are very glad to have you all in witnessing our wedding ceremony. We also want to thank you all for having the patience in travelling here in Tagaytay from Manila. Thank you also for cooperating with my wife's reception theme which is European... I can see that everyone prepared, huh? Hahaha." Lahat kasi talaga naghanda, halatang nagpabongga ung iba. Hahaha. Nagtawanan naman ang lahat sa comment ni Damon.



"Anyway, I hope everyone will enjoy the night." Huling sabi ni Damon. Nagpalakpakan naman ung mga tao bago ako magsalita. "Well, I guess my dear husband already said what I wanted to say?" biro ko. "Anyway, sana mag-enjoy tayong lahat and I hope that everyone will participate in our program! This party will last until midnight so let us cherish it until the end. Dance till we drop! Eat all we can! Haha! Let's all enjoy and thank you very much for coming."



Nagpalakpakan ang lahat pagkasabi ko nun. Binalik na namin ang microphone kay K tapos nagsalita na ulit siya. Naupo naman kami ni Damon sa pwesto namin na nasa gilid ng stage. Naandun din malapit ung wedding cake namin na may four layers, representing me, Damon and our twins. Hihi. Inalalayan ako ng asawa ko maupo dahil sa gown ko.



Pagkaupo namin, tinawag ko kaagad ang pansin ni Damon kaya lumapit naman siya sakin. "Is there any problem, wife?" matamis niyang tanong sakin. I cannot help not to smile... wife.

"Husband, kung pumayag ka sanang umuwi muna tayo, sana di ako nahihirapan dito sa wedding gown ko." Bulong ko sa kanya. Tumawa naman ng mahina si Damon. "Tiisin mo na lang... you're only gonna wear a wedding gown once, so might as well cherish it. Isa pa, I want to undress you later."

I can't help not to blush as I nodded. Umayos naman kami ng upo. Laganap rin ang mga photographers sa venue kaya di ko na maitatanggi kung may mga nagpi-picture ng pagbubulungan naming mag-asawa. Haha. Though private ang wedding namin pati reception, may mga inimbita naman kaming entertainment news anchors, pero ung malilinis naman kung gumawa ng articles. Ayaw kasi namin ni Damon magkaroon ng mga chismis.



"Alright, everyone! We would like to serve the champagne for the newly-weds, and let them drink it!" sabi ni K sa mic. Nagpalakpakan naman ang lahat habang sinerve samin ang champagne flutes. Tumayo naman kami ni Damon at inabot ang champagne saka pinag-intertwine ang mga kamay saka uminom. Cameras flashed everywhere—ngumiti na lang kami ni Damon pagtapos. Haha. Nakakaloka pala ang ganito!



Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon