17 - Dazed and confused.

4.4K 111 9
                                    

"Say, Ma-Ma. Ma-Ma," sabi ko kay Tristan at Isolde. Nginingitian lang nila ko tapos hahagikgik. Natatawa na lang din ako sa nangyayari. Syempre di pa sila marunong magsalita dahil 9months pa lang sila, pero maganda yung masasanay na sila, diba?

"Naku, kayong magkapatid talaga, ang kulit niyo," sabi ko sabay marahan kong pinisil ang pisngi nila. "Manang mana kayo sa tatay niyo."

"Really? Am I that... stubborn?" Nagulat ako nang marinig ko si Damon na nagsalita. Lumingon ako, at andoon pala siya, nakasandal sa pintuan at nakikinig sa amin. Hindi ko mapigilang mahiya.

"Uhm, oo?" Nag-aalangan kong sagot sabay ngiti. Lumapit naman si Damon at sa hindi inaasahang pagkakataon, binuhat niya si Isolde. Si Isolde, na daddy's girl, ay tuwang tuwa dahil sa wakas, binuhat na rin siya ng daddy niya. I can't help not to smile sadly. If only Damon can remember.

"Hello, Isolde," sabi ni Damon. Todo ngiti rin si Isolde sa kanya, tila ba'y nagpapacute pa nga. Pilit na inaabot ni Isolde ang buhok ni Damon, mahaba na kasi ito, lampas na sa noo niya yung haba. Lumalayo naman si Damon habang natawa.

"Isolde, baby, wag mo sabunutan si Da--" napatigil ako. Magiging kumportable ba siya kapag ni-refer ko pa rin siyang daddy ng kambal? Eh daddy naman talaga siya, diba? Di lang talaga niya alam.

"You can still refer to me as their Dad," biglang sabi ni Damon na nakatingin sa akin ng mariin. "After all, ako pa rin ang ama nila."

Ngumiti ako sa kabila ng kagustuhan kong umiyak. Hindi ko alam bakit ko gustong umiyak. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. "T-thank you, Damon. Sige, daddy na ang pagrefer ko sa'yo sa mga bata."

"Thank you, Serena," sabi niya. Humarap siya kay Isolde at nilaro ang kamay nito. "Ako si Daddy mo, baby. Ako si Daddy mo. Daddy. Da--argh!"

Nagulat ako ng napaupo si Damon sa kama, para bang may masakit sa kanya. Kinuha ko agad si Isolde at ibinalik sa crib kasama ni Tristan na patuloy na sumisipsip sa pacifier niya.

"Hey, what's wrong?" Nag-aalala kong tanong. "M-my head... It's aching. It hurts."

I held his head in my hands and slowly massaged it. "Are you okay?"

Tumango si Damon at pumikit. "Y-yeah, pinipilit ko kasing alalahanin ang lahat pero..."

"Hey, you don't have to. Kung hindi mo kaya, wag mo ng pilitin. Nasasaktan ka lang," sabi ko. Umiling si Damon.

"No. I want to. I need to. Ayokong lumaki ang mga anak natin na hindi ko sila natatandaan, lalo na ikaw. Paano ako makikisama sa inyo kung hindi ko kayo kilala?" Pilit niya. I sighed. Kahit may amnesia, Damon is still as stubborn as before.

"Kahit na, Damon. Nasasaktan ka lang. I don't want you hurting yourself," sabi ko sa kanya. "Look, don't push yourself too much. Kung ano lang ang kaya mo, hanggang doon lang, okay?"

He sighed then nodded. "Alright. But please, I want you to understand, Serena. Gusto kong maalala ang lahat."

I tried to keep my tears at bay, and nodded. "Naiintindihan kita, Damon. Gusto ko rin namang maalala mo ako, kami ng mga anak mo. Pero wag sana umabot sa punto na nasasaktan ka na. Mas ayaw ko yon."

Tumango ulit siya at inalalayan na akong tumayo. Binalikan namin ang kambal, na pareho na palang nakatingin samin. I cannot help not to chuckle.

"See, they know we're arguing," kwento ko. "They always know when you're being stubborn and I'm being childish. Nararamdaman nila yon kaya pinapanuod nila tayo."

Tumawa rin ng mahina si Damon. "I really hope my memories will come back."

"Oh, they will. Hindi pwedeng hindi," sabi ko. "By the way, babalik na ako sa trabaho bukas. Kailangan na ako ng kumpanya."

Tumango si Damon. "Can I help? I mean, I'm still the CEO."

I shrugged. "Siguro. Maybe you can go with me tomorrow. Ipapakilala na rin kita sa mga tao sa kumpanya mo, pati sa business ko."

"You have a business? What kind?" Tanong nito.

"Clothing company, Tristan&Isolde ang name. You gave it to me, you know," sabi ko.

"Oh, okay. And you own it?" Tanong pa ni Damon.

I nodded and smiled. "But it still runs under your company."

**

"This is Jenny, my secretary. Dati siyang receptionist dito sa building pero nung nagkaroon na ko ng business, pinilit kita na kunin ko siya," sabi ko. Damon and I are inside the Henry Enterprises Incorporated building. Naipakilala ko na siya sa mga empleyado sa baba na kakilala ko. Ngayon andito na kami sa floor namin sa Tristan&Isolde.

"Ay, hello po, Sir Damon. Laki po ng ipinayat niyo," sabi ni Jenny sabay peace sign. Natawa na lang si Damon kay Jenny.

"Oonga eh. Nice meeting you, again, Jenny," sabi nito.

"Osha, Jenny. Dadalhin ko muna siya sa taas," paalam ko. Inaya ko na si Damon papunta sa elevator. May iilang empleyado kaming nakasabay doon at bumati sa amin. We smiled in return.

Pagdating namin sa floor niya, naabutan namin doon ang Daddy ni Damon na kinakausap si Harold.

"Good morning, Dad," bati ko.

"Good morning po," bati ni Damon. Nag-aalangan pa siya syempre kaya tipid na ngumiti na lamang si Daddy.

"Good morning din sa inyo. Kinakausap ko lang si Harold tungkol sa mga nangyari sa kumpanya. So far, so good naman tayo," kwento ni Daddy samin. Tumango tango ako.

"By the way, Damon, this is your secretary, Harold," pakilala ko sa kanila. Nakipagkamay si Damon kay Harold at ngumiti.

"Osha, maiwan ko na kayo. Take care of him, Serena," paalam ni Daddy. I nodded again. "Yes, Dad."

"And Damon, I hope you get well soon," sabi nito. Ngumiti si Damon sa sinabi ng Daddy niya. "Thanks, Dad."

Ngumiti si Dad pabalik at umalis na. Nag-excuse na rin si Harold para magpatuloy sa trabaho. Pumasok kami ni Damon sa office niya. Wala pa rin namang nagbago. Ganun pa rin yung itsura. Nawala lang yung strong aura sa office dahil na rin siguro sa matagal na absence ni Damon.

I let him explore his own office as if it's his first time. I stood in the middle of the office, quietly observing his movements. Tutok na tutok din siya sa mga tinitingnan niya, minsan pinapadaan pa niya ang mga kamay niya rito. Sa huli, dahan dahan siyang umupo sa swivel chair niya. I kept quiet. Halatang nakikiramdam pa si Damon sa environment niya.

"How do you feel?" Basag ko sa katahimikan. He looked at me with a blank stare.

"It feels... odd yet familiar," sagot nito. Lumapit ako at umupo sa tapat ng desk niya.

"Meron ka bang naalala kahit onti?" Tanong ko. Nag-isip ito at umiling.

"Though minsan, may mga familiar akong napapansin," sabi nito. "Tulad mo, I don't really know you. Dapat nga hindi ako maniwala agad eh. But there's something in me that says otherwise."

I nodded and sadly smiled. "That's okay, wag mo na lang pilitin yung sarili mo. Hindi ka pa handa." Tumango na lang din si Damon.

Oh, we still really have a long way to go.

**

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon